KAREN AND JOAQUIN PART I: LIHIM by Sleep Alley

43 4 0
                                    

T A O N G 2 0 0 8

KAREN

1st year high school tayo nung una tayong magkita pero hindi kita kilala kasi hindi tayo magkaklase. Section A ako at Section B ka naman ata? Nagkabanggaan tayo sa matao na canteen.

--Flashback--

*BOOOM* May "batang" nagmamadali ang bumangga sa akin at tumalsik yung iniinom niyang juice. Agad ko 'tong pinulot para ibalik sa kaniya.

"Aray a-a-aray" sabi ng batang napahiga sa sahig.

"Bata ayos ka lang ba? *sabay abot ng juice*" pero imbis na kunin niya ay sinampal niya yung kamay ko palayo.

"Hindi ako bata!! *tingin nang masama sa akin pero agad na iniwas ang tingin*"

"Ah ganon ba, anong grade mo? Gusto mo ba bilhan kita ng bago-" nag aalala kong sabi. Willing din akong ihatid siya sa room niya if ever... kaso tumayo lang siya at biglang tumakbo palayo.

"Hala Karen!! Di mo kilala 'yon" Sabi ni Jen na kasama ko

"Ha? Bakit? Sino ba 'yon"

"Si Joaquin ata 'yon!! 1st yr din 'yon! Sikat 'yon kasi maliit pero cute!!"

Kaedad ko pala siya? Naguilty ako sa pagkakamaling nagawa ko pero di ko napigilan tumawa.

"WEH??? HAHAHAHAHAHAHAHAH cute niya naman HAHAHAHA Mr. Plankton pala siya HAHAHAHA"

--End of Flashback (EOF)

Sobrang cute ng moment na 'yon pero hanggang ngayon sinasabi ko talaga sa'yo na sana nagpakilala ka na lang agad sa'kin non. Di yung tinakbuhan mo ko parang tanga hahaha.


JOAQUIN

2008 yung taon na nakakahiya man para sa'kin, pero ang laking pasasalamat ko sa tadhana dahil pinag encounter niya tayo. Pagkabili ko ng Guyabano Juice sa canteen, nagmamadali akong bumalik sa classroom ko kasi di ko pa tapos yung ipapasang assignment. Dun pala magsstart ang magical ride natin together sa agos ng mundo.

--Flashback--

*BOOOOM* may nabangga ata akong pader dahil tumalsik ako sa sahig.

"Aray a-a-aray" mej masakit sa likod ko 'yon ah. Lintek na dingding 'to di ko napansin. Sa sahig kasi ako nakatingin dahil iniisip ko yung assignment ko nang..

"Bata ayos ka lang ba?" Iniintindi ko pa yung masakit kong likod pero BATA?? BATA?? Kung sino man 'to Dose anyos na ako noh! Maliit sa height pero dose anyos na ako! 1styr hs na ako para tawaging bata! Kaya sinampal ko yung kamay niya at natapon uli yung juice sa sahig.

"Hiindi ako bata!!" Tas dun ko lang nakita na hindi nga pader nabangga ko at kung sino siya. SHIT! SHIIIIT!!!!

"Ah ganon ba, anong grade mo? Gusto mo ba bilhan kita ng bago-" Hindi pa siya tapos sa sinasabi niya at tumakbo na agad ako palabas ng canteen. Ang bilis ng tibok ng puso ko at ang init ng mukha ko. Pero di ko alam kung dahil ba 'to sa kahihiyan na nangyari sa'kin... o dahil si Karen pala yung nabangga ko?

Sa may pintuan ng canteen, sinilip ko si Karen at yung kaibigan niya na tinakbuhan ko. Tas tumawa siya nang malakas. Huh? Bakit siya tumatawa? Ako ba pinagtatawanan niya? Pero SHIIT SHIIT totoo ba 'to?

akala ko ba IKAW AT AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon