CHAPTER 1: TALANYO (by Milo Heraldo)

17 2 0
                                    

K A R E N

"UGH!" Nakakairita talaga!!! Sabi ko kasi kahapon ang pick-up pero pareha silang ngayon lang nagbigay ng mga order ko hngg. Sabi ko habang nag ffast walk papunta sa CEAT (College of Engineering and Tenchnology).

Pang pak ganern! ang outfit ko habang nakasablay rin kaso ayoko irisk mag jeep kasi sa traffic baka mas lalo akong di umabot bago sila umalis sa ceat. HUHUHU humanda talaga sa'kin 'yang mga org na 'yan after neto! Mag ccomment talaga ako ng complaints sa mga posts nila!! Paset set pa sila ng date kung kailan ko gustong kunin kaso di naman pala nila kaya!! Hngg!!

Inis na inis talaga ako. Kasi kung nadeliver nila 'to kahapon sa'kin, edi sana sitting pretty lang ako sa sasakyan nila Joaquin at hindi ganito kahaggard at basang sisiw sa pawis. PUCHA. Narealize ko pa na baka maging panget ako sa pictures namin ng future engr ko, GRRR gusto ko na talaga maiyak sa pagkapikon pero patuloy pa rin ako sa pagffast walk tungo sa CEAT.

"Karen!!!! Dito!!!" Tawag sa'kin ni Joaquin habang nakangiti at nagwwave nang malaki.

Shit. This my baby. Sa ngiti palang ni Joaquin parang okay na ako. Di na ako pikon.

"Oh anyare sa'yo? Hahahaha" Masayang tanong ni Joaquin na tila gusto rin itanong sa'kin nila tito'tita.

"*BIG SIGH* kase..... *pouts*" di ko alam kung paano ko pa ikkwento kasi andaming feelings na gusto kong ishare pero nabawasan na nga nang bigla niya akong niyakap.

"Salamat sa pagpunta, baby" Grabe talaga nagagawa ng hugs noh? kasi sobrang okay na agad ako?

"Ano ka ba, pwede ko bang palagpasin 'to" sabi ko sabay alis sa yakap niya para maiabot ang dala kong customized bouquet of sunflowers, at pin na sunflower para sa sablay niya.

"Awiieeee thank you" at hinug niya uli ako and kiniss sa pisngi.

"Ehem, ehem" Sabi ni Tito Ramon, dad ni Joaquin.

"Ano ka ba, hiyaan mo na sila" Nakangiting sabi ni Tita Ivy sabay hampas nang mahina kay tito gamit ng pamaypay niyang dala.

"Kabit mo naman sa'kin 'to. Tapos picture tayo" nakangiti niyang sabi sabay abot ng pin na binigay ko. Kinuha ko sa kaniya yung pin at kinabit ko sa kaniyang sablay.

Nagpictorial kami ni Joaquin sa may CEAT kasama sila Tito at yung ilang kaibigan namin ni Joaquin na kakurso niya. Ilang sandali lang eh naglakad na rin kami papunta sa Fpark kung saan gaganapin yung martsa nila Joaquin. Kinuwento ko rin sa kanila kung bakit haggard ako at tawang-tawa lang si Joaquin. Pinipilit niya na di ko naman daw kailangang gawin 'yon para sa kaniya. Eh tanga ba siya, syempre ganon ko siya kamahal kaya kahit nakakabad trip, gagawin ko nang paulit-ulit 'yon para sa kaniya noh. Buti na nga lang eh di ganung kapanget yung pictures namin together kasi kung oo, papasabugan ko na ng bomba yung mga tokis na orgs na 'yon.

___

Almost midnight na natapos ang graduation nila Joaquin and magkahawak kamay naming pinanood yung fireworks display. After non, syempre pictorial pa rin with his family and sumakay na rin kami sa sasakyan nila. Pero grabe yung traffic mga mami?! Almost 1hr and 30mins kaming traffic sa loob ng campus? Buti na lang eh wala nang traffic paglagpas ng junction dahil gabi na kaya mga 5 or 10mins lang ata byahe papuntang Park Merced.

Buong ride na 'yon ay tulog lang si Joaquin sa balikat ko and nakarating din kami sa isang malaking private resort sa Park Merced.

"Congratulations Joaquin!!"

"Congrats Kuya Quin!"

"Congrats 'tol!"

Masigasig ang pagsalubong sa amin ng mga naunang kamag anak ni Joaquin sa resort. Kumpleto kasi halos buong pamilya nila Joaquin sa resort at halos ako lang ata yung hindi nila kadugo, pero okay lang. Dahil hindi ko naman ito araw, dahil araw eto ng mahal ko. At masaya ako para sa kaniya.

akala ko ba IKAW AT AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon