CHAPTER 4: ANG PAG-IBIG NATIN (by Nicole Abuda)

7 1 0
                                    

K A R E N

"Karen Montecillo, will you marry me?"

Tanong niya sa'kin habang nanginginig yung kahon na hawak hawak niya at ang kaniyang mga mata ay tila nagmamakaawa ng 'please say yes. Please say yes'. Di ko tuloy alam kung iiyak, kikiligin, o matatawa ba ako. Bad trip naman kasi sa panginginig niya eh! pati sa pagmamakaawa ng mga mata niya. Eh simula naman nung naging kami eh, alam kong siya na ang the one?

Kaya mula sa pagkakatayo eh, lumuhod din ako. Para matitigan ko ang mga mata niya sa pagsagot ko.

"Joaquin Antonio, yes"

Ramdam ko ang pagkagulat ng mga tao sa pagluhod ko pero mas grabe yung sigawan nila pag sagot ko! Nakakabingi!!

Sa pag sagot ko, parang mga tanga lang hahah, sabay kaming naiyak ni Joaquin at bigla niya akong niyakap nang mahigpit at bumulong.

"Salamat, salamat mahal. Mahal na mahal kita" Napatango ako sa saya pero ewan ko ba kung dahil sa kaba niya pero?

"huy yung singsing! Isuot mo sa'kin! Isuot mo sa'kin yung singsing Joaquin Antonio!!" sabi ko sa kaniya nung humiwalay ako sa yakap niya at paulit-ulit na shinishake yung kaliwang kamay ko na nagsesenyales na ilagay niya na ito.

Narinig ko ang tawanan ng mga nakapaligid sa amin. Natawa rin muna siya bago niya dahan-dahang sinuot yung singsing. Grabe pala ano, kahit na sa tagal kong inantay 'tong pagkakataon na ito pati sa anxiety na nakuha ko sa linya niyang 'darating din tayo diyan', eh nakakaba parin pala ano?

Inalalayan niya ako tumayo. Siya rin ang nagpagpag ng mga alikabok sa mga tuhod ko. Hmf napaka bida talaga pero kilegz HAHAHA.

Dito, lalo ata akong nabingi sa mga hiyawan at palakpak ng mga tao. Nakita ko rin na umiiyak na sina mama at Tita Ivy sa gilid pero higit sa lahat, nakita ko ang mga tao na nakatapat sa amin 'yunng mga cellphone at tila mga nag vivideo. Agad akong napatingin sa suot ko at nagtirik ang mga mata ko.

"Wala bang 'you may kiss the future bride' diyan?" asar ng papa. Parang tanga! Kala mo naman di niya gusto noon si Joaquin para sa akin hahaha. Pero teka lang kasi! May issue pa ako grr!

"oo nga! 'nak para makumpleto na 'tong gabi hahaha" pag sang-ayon naman ni tito Ramon. Okay lang naman kase pero grrrr talaga.

Narinig ko na tumawa nang mahina si Joaquin. Pero hinarap niya ako at tinaas ang isang kilay. Nagtatanong kung pagbibigyan ba namin ang mga tatay namin. Kahit na nanggagalaiti pa ako sa inis, tinago ko ito at ngumiti sa kaniya. Patay ka sa'kin Joaquin Antonio.

Ngumiti na rin si Joaquin at dahan-dahan, nilapit niya ang mukha niya sa'kin at mabilis na nag-iwan ng halik sa mga labi ko. Niyakap ko siya after neto at nilapit ang mga bibig ko sa kaliwang tenga niya at bumulong.

"putangina mo Joaquin. Nakadalawang ligo ka today tapos sobrang gwapo mo sa suot mo, tapos ako? Ganito lang suot ko sa engagement pictures natin? Di mo man lang sinuggest na mag palit ako ng damit? Oo, mahal kita pero putangina mo talaga Joaquin Antonio."

Palihim ko rin siyang kinurot nang malakas sa kaliwang braso niya at inarapan sa pagkalas ko sa yakap. Wala man lang "aray" sa kurot ko. Hmf. tapos tumawa lang siya nang malakas. Pwe ineexpect niya siguro 'to grrrr.

Habang naiinis pa ako sakaniya dahil di pa siya tapos tumawa, bigla niyang inalok sa'kin ang kaniyang kanang kamay. Syempre binigay ko yung akin kahit di ko alam kung para saan ito. Dahan-dahan niya akong ni-lead sa may white screen. Habang papunta kami ron ay, dahan-dahan ding nag make way ang mga tao habang mga nakangiti. Feeling ko tuloy mukha kaminggaling simbahan na bagong kasal. Shet sana may nakapag video rin neto!!! fgkfghjfd

akala ko ba IKAW AT AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon