KAREN AND JOAQUIN PART III: Bagay Tayo by Allmo$t

18 4 0
                                    


KAREN AND JOAQUIN PART III: BAGAY TAYO by Allmo$t

T A O N G 2 0 1 1

JOAQUIN

After nung pangyayari with Mang Jerry sa garden, di ko pa rin maisip kung bakit ba siya biglang naluha non. Mas naging awkward kami sa mga klase namin at hindi niya na ako laging tinitingnan na para bang nag aabang na lapitan ko siya. Pero pag nagkakatinginan kami, kumukunot yung mga kilay niya na parang may plano siya kung paano ako papatayin hahahaha. Napakacute tho.

December nangyari 'yon at nagdaan naman ang Christmas break. Dahil ang cute niya pag tinitingnan ako, araw-araw ko na rin siyang sinesendan ng mga gifts sa mga laro sa facebook. At sa January, sa muling pagbabalik eskwela ko nalaman kung bakit ganoon siya makatingin sa'kin...

-- Flashback --

February 12 daw ang prom namin kaya naman yung mga tropa ko eh isa-isa nang nagpplano kung paano aayain yung mga gusto o jowa nila. Tapos ako, shut up lang. Matapos akong bastedin ni Karen, nawalan na ako ng confidence ayain pa siya sa prom so baka di na lang ako umattend.

"Ikaw Nel? Sino aayain mo?" Tanong ni Jay

"Eh" paiwas na sagot ni Nel

"Nakow! Si Karen 'yan panigurado eh antagal mo ng crush 'yon ah" Pang-aasar ni Jay sabay tingin sa'kin. Di ko alam kung may alam ba 'tong mokong na 'to pero naiinis na ako.

"Eh ikaw ba pareng Joaquin?"

"Nako Jay tigilan mo ko kasi di ako aattend" Sabi ko at nagpanggap na lang na may gagawin ako sa upuan ko.

Mukhang nagpplano na talaga sila tropa sa gagawin nilang pag aaya. May iba na aayain lang nang deretso, icchat sa facebook, at may iba namang eeksena pa sa school. Pero nung narinig ko na, si Nel na yung nagpplano at mukhang si Karen nga yung aayain niya, lumabas na ako ng room.

Nakita ko si Karen kasama sina Jen at dalawa pang babae na nagtatawanan na tila ba mga kinikilig. Mga excited siguro sa prom. Kaya nung nagkatinginan kami ni Karen, di ko napigilang umirap. Sige, magpakasaya kayo ni Nel sa prom. Sabi ko sa sarili ko nang may sakit at konting galit. Bakit kasi di na lang ako. Bakit kasi ang liit ko noon. Di niya ba alam na mas matangkad na ako sa kaniya ngayon? Hay.

Kinabukasan, nasa hallway palang ako eh rinig ko na yung mga hiyawan mula sa classroom namin. Hay, baka may nag aya na siguro para sa prom. Pero di ko naman alam na pagpasok ko eh, si Nel na pala 'yon may dalang boquet ng roses para kay Karen. Nagkatinginan kami ni Karen at napairap na naman ako. Tsk, sira na araw ko. Siya lang naman ata napatingin sa'kin kaya umuwi ako ng bahay. Aabsent na lang pala ako.

Natulog lang ako buong araw non at buong araw ring hindi nag facebook. Natatakot ako makakita ng mga pictures o video ng pag aaya ni Nel. Pero nung gabing 'yon, may nagtext sa'kin mula unknown number. Wala naman akong load kaya di rin ako nakapag reply pero ang sabi eh

'Bkt k umuwi? Aba pumasok k bkas!!!' Sino kaya 'to. At natulog na ako.

Kinabukasan non ay inagahan ko na pagpasok ko. Ayoko na uli makakita ng prom proposal. Konti palang yung mga tao pero andon na rin si Karen. Nakangiti siya sa'kin pero iniwas ko tingin ko. Oo na, masaya ka na si Nel prom date mo.

akala ko ba IKAW AT AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon