CHAPTER 3: IKAW AT AKO (by Moira dela Torre and Jayson Hernandez)

12 1 0
                                    

K A R E N

Di ko na alam kung anong araw na ngayon. Di ko na rin alam kung ilang minuto o ilang oras na ba ako umiiyak habang yakap yakap 'tong unan ko na may damit na dala dala ang amoy ni Joaquin. Basta ang alam ko ay may pasok ako bukas ng 12-6pm.

Grabe miss na miss ko na talaga siya. Napakalungkot. At lalo akong naiyak. Wala akong pake kung kung meron na ba ako right now o bukas pa. Wala akong pake kung dahil nga ba 'to sa hormones tuwing meron ang isang babae pero totoo man o hindi, 'di neto mababago ang nararamdaman kong kalungkutan.

Limang linggo na siyang nasa Myanmar ngayon para mag "ojt" uli sa Tito niya na may project don. 'Oo, in three weeks uuwi na siya.' 'Oo na! konting tiis na lang at paghihintay ay makaksama mo na uli siya' Pero kahit anong pang ccheer up ang gawin niyo at sabihin niyo sa'kin, malungkot pa rin ako.

Pati sa pag uwi niya sa Setyembre, ay saglit lang din uli kami makakapaglandian at pupunta na rin siyang Manila para sa boards. Grabe 'tong mga naiisip ko. Grabe 'tong mga nararamdaman ko. Grabe 'tong LDR na 'to dahil ikakamatay ko ata talaga 'to

Sakto, nagring na yung phone ko. Video call mula kay Joaquin. Sinagot ko ito pero naka-off yung camera ko.

"Baby?...." nag aalala niyang tanong.

"hm?...." mahina kong sagot kasi nagpipigil pa ako ng iyak.

Naintindihan ko naman na yung ginagawa niya eh para sa future niya.... Para sa future namin. Kaya kahit masakit para sa'kin, gusto at kaya ko namang magpaka selfish ay ayoko naman siyang mas pahirapan pa. Alam ko naman na di lang ako ang nasasaktan sa paglayo namin eh.

"Bakit wala kang camera? Kailangan kong makita yung mukha ng pinakamagandang babae sa balat ng lupa"

"che *singhot-singhot*" naiiyak pero natatawa kong sagot.

"Umiiyak ka na naman ba?"

"...*singhot-singhot*..."

"Baby? i-on mo yung camera mo please....." pagmamakaawa niya kaya wala akong magawa kundi i-on ito.

Nung nakita niya akong umiiyak, parang tanga lang... naiyak din siya hahahuhuhuhuhuuhu. Bakit ba kami ganito huhu. Pareho tuloy kaming mukhang tanga ngayong gabi.

Natapos ang gabing 'yon nang wala kaming napag-usapan masyado at magdamag lang nag-iyakan sa harap ng aming mga telepono. Ganito pala talaga kahirap yung LDR na wala kayong ibang choice kundi sa cellphone lang mag usap at kahit virtual hug ay hindi sapat. Napakalungkot talaga.

-----

Lumipas din ang tatlong linggong kay bigat at umuwi na rin siya ng Pinas. Kasama ko si tita Ivy sunduin siya non sa airport. Nagdinner kami with his family and kinabukasan ay nag 2days1night kami sa Tagaytay. Nagskyranch kami sa unang araw, nag movie marathon, pero buong stay namin don ay natulog lang talaga kami nang magkayakap.

Pagkatapos non ay, isang linggo pa siyang nag stay sa Los Banos ngunit nagtungo na rin siya sa Manila. Masakit at nakakalungkot pa rin pero atleast nabibisita ko siya ron tuwing sabado ng gabi at uuwi naman ako ng umaga ng lunes para sa trabaho ko. Ganun yung set-up namin for almost more three months. Masakit at nakakalungkot pero unti-unti....nasasanay na kami.

November 11 at 12 ng taong 2017 ginanap yung boards niya at sinamahan ko siya buong boards niya, gaya ng ginawa niya sa'kin last year nung boards ko. After non, umuwi na kami sa Los Banos at halos tatlong araw ko siyang di makausap nang ayos kahit na lagi niyang sinasabi na okay lang daw siya pero iisa lang naman ang inoopen niyang topic niya sa tuwing tumatawag siya, at magkasama kami...

akala ko ba IKAW AT AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon