CHAPTER 9: MAYBE THE NIGHT Part III -last part (By Ben & Ben)

4 1 0
                                    


K A R E N

"I'm sorry Karen. I'm so sorry Karen" bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko at hinahaplos ng malalaki at reliable niyang mga kamay ang mukha ko. Di ko na napigilan ang mga luhang kanina pa namumuo sa pagtulo.

"Hindi..... hindiii..... kasalanan ko sorry Joaquin sorry" sabi ko habang shinishake ang ulo ko sa pagtanggi na kasalanan niya 'to.

"shhhh hindi, hindi" pinunasan niya ang mga luha ko at muli akong niyakap. Dahan-dahan niya ring hinahaplos ang buhok at likod ko....

"sorryy, pinairal ko na naman kasi ang pagiging selfish ko at.... Di ka pinapatapos sa mga sinasabi mo. Sorryyy" pagkasabi ko ng linyang 'to, hinawakan niya ako sa dalawang braso ko, inalis sa pagkakayakap at tinitigan.

Natawa ako sa titig niya kasi sabi ng mga mata niya 'alam mo pala eh. bakit di mo na kaya tigilan 'yon?' tas bigla siyang hiniccup at dito, natawa na kami parehas.

"uwi na tayo sa condo mo?" tanong ko sa kaniya para makainom na rin siya ng tubig. Ang tagal na namin dito sa elevator na nakasarado na ang mga pinto pero di umaalis. Andito pa rin kami sa ground floor.

"Anong *hiccup* condo ko? *hiccup* condo *hiccup* NATIN" Dito, humagulgol na ako sa pagpindot ko ng "7" sa floors ng elevator.

All this time, ang tingin at tawag ko sa tinitirhan namin dito sa Makati ay "condo ni Joaquin" since kaniya or pagmamay-ari talaga ng family nila tas ako 'tong pampam na ginusto lang makitira para makasama siya. Tapos ni minsan pala di niya naisip 'yon... Tapos.... Tapos... eto ako blurting out shits to him wanting for more or something. GHAD sorry sa pag eenglish na pero SDLFHSDFSDNFSDLFKSDFOIHF di ko na alam anong mafifeel kasi sobrang swerte ko talaga kay Joaquin.

Joaquin, na nagulat sa biglang paghagulgol ko, niyakap niya lang uli ako buong elevator ride. Nakakakilig yung moment kahit na hinihiccup siya. Alam niyo 'yon? Sa loob ng tahimik na elevator, sinasabayan ng hiccup niya yung pag-iyak ko pota. HAHAHAHA.

Pagpasok namin sa unit, agad ko siyang kinuha ng baso ng tubig tas pinainom sa kaniya nang dahan-dahan habang di humihinga para mawala na ang hiccup niya. Habang ginagawa niya 'yon, binuksan ko ang ref namin at binilang ang mga bote ng Sm*rnoff mule.

"Inom tayo. Kaso kulang 'tong bote." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa loob ng ref.

Pagtingin ko sa kaniya, nagfifidget siya with the look na 'puta seryoso ka ba Karen? Ngayon pa kung kailan andito na tayo sa unit? Sana kanina mo pa sinabi? PATI ANONG ORAS NA KAYA? MAY WORK KAYA AKO MIYA-MIYA" pero di ko ito pinansin at nagpacute pang sinabi ang "pleeeasseeee?"

Nagfacepalm siya gamit ang dalawa niyang kamay. Pero bumulong ng

"okay, ilan ba?" Napangiti ako sa sabi niya. Alam at ramdam ko na pagod na siya pero parang ang weird kasi na pag-uusapan namin 'tong issue nang nakaupo uli kami sa mesa. Kaya naisip ko lagyan ng twist.

"hmm bili ka pa ng mga 10?"

"10? Huy naka isa't kalahating bote na ako kanina."

"Masyadong marami ang 10? Edi 9 haha"

"...." Umirap lang siya.

"Edi pito?" pagmamakaawa ko.

"Alam mong mahina ako sa Sm*rnoff. 5 lang bibilhin ko."

Nalungkot ako sa 5 lang pero since may 3 pa naman sa ref, pinag bigyan ko na at umalis na siya. Napaupo ako sa sofa habang inaantay siya. Hanaggang sa nakatulog na rin pala ako..... At Paggising ko, magkayakap na kami sa kama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

akala ko ba IKAW AT AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon