KAREN AND JOAQUIN PART II: INDAYOG by Tj Ocampo of Munimuni

18 4 0
                                    


(Indayog by Tj Ocampo: soundcloud.com/tjdeocampomusic/indayog) 

T A O N G 2 0 1 0

JOAQUIN

Simula nung nakasalubong ko siya sa canteen nung 2008, nagsunog ako ng kilay kakaaral hanggang madaling araw sa pagbabakasakali na mula Section C ay makalipat ako sa Section A. Oo HAHAHA, Section C talaga ako pero hanggang ngayon ata kala niya galing section B ako HAHA. Aba di lang pagsusunog ang kilay ang ginawa ko non. Pinilit kong gustuhin yung lasa ng star margarine, sinekreto ang pag inom ng Cherif*r, at kahit di ko gusto at pagod na ako... halos gabi-gabi rin akong nag aano. Mahabol lang yung height niya.

Pero araw ng 20, ng buwang Marso, sa taon ng 2010- tila gumuho ang mundo ko at nasayang yung mga pinaghirapan ko ng halos dalawang taon. Grabe talaga 'yon mga PareTsong!!! yung sakit ng pambabasted niya non. Sakit pa rin sa dibdib maalala yung pagtakbo niya at pag iwan sa'king nag iisa sa garden non hanggang ngayon. Tapos binubully niya pa ako kasi ang "childish" daw pero buong puso ko 'yon as 13 anyos noh. Pero oks lang, may nagbunga naman dahil don.

Di ko na rin ganung maalala pero HAHAHA luhaan ata akong umuwi sa bahay namin noh. Di agad ako nakauwi non. Siguro mga dalawang oras pa akong tumambay sa garden para sure na walang makakita sa'kin kasi HAHAHAHA para ata akong tangang humihikbi-hikbi non sa jeep pauwi. Gulat pamilya ko non sa paguwi ko kaso di ko sila pinansin at di rin ako nakapag dinner sa sama ng loob.

2010 din yung taong sumisikat yung "Facebook" kaya buong bakasyon eh, ginugol ko yung oras ko sa paglalaro ng FarmVille, Restaurant City, Club City, Tetris, at Pet Society. Since ako lang naman ata nakalipat sa Section A non, close talaga sila. Marami ring invitation sila non sa'kin para kumain sa labas, mag swimming, piyesta, birthdays, pero wala akong pinuntahan kasi natatakot akong makita si Karen... o Kaya si Nel.... Ano ba namang laban ko sa kaibigan kong si Nel eh ang tangkad at ang pogi non.... Tamang emo lang nung 2010 hahahaha malay ko ba na magiging akin pala siya. 'yun lang, sana hanggang ngayon...

KAREN

3rd yr hs. Hinanap ko agad si Joaquin sa unang araw ng pasok namin. Nagkatinginan kami pero agad niyang iniwas yung tingin niya. Nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdiba. At sa totoo lang naiinis na rin ako sa kaniya non! Kasi unang napansin ng mga kaklase namin eh yung malala kong eyebags sa unang araw ng pagging 3rd yr namin!!! Eh aba!!! Sino kaya may kasalanan non??!!

Araw-araw, gabi-gabi kong naiisip si Joaquin mula nung iniwan ko siya sa garden non. Pinilit din ako ng mga kaibigan ko gumawa ng "Facebook" non tas ang una kong ginawa eh i-add siya! Pero isang buong buwan bago niya ako inaccept!! Aba!! Tapos nilaro ko rin lahat ng mga nilalaro niya! Bukod sa kakaisip sa kaniya, napuyat din ako kaka FarmVille, Restaurant City, Pet Society at araw-araw ko kaya siyang sinesendan ng mga gifts pero wala... :(

Halos buong 3rd yr niya rin akong di pinapansin. Nawala yung pangungulit kung mas matangkad na ba siya sa'kin. Lagi ko siyang tinititigan pero pag nagkatinginan kami agad niyang iniiwasan ang mga tingin ko non at nasasaktan na talaga ako kaso wala akong magawa. Ikinalungkot ko talaga 'yon. Alam niyo ba yung feeling na di naman kami ganung close talaga pero parang ang laki niya palang kawalan sa buhay ko... lalo na nung 2months before prom namin nung may nalaman ako....

--Flashback--

"Ui guys! Nakita niyo raw ba si Joaquin?" tanong ni Jen sa buong klase.

"Si Joaquin? Umuwi na ata siya eh" sagot naman ng kaklase naming lalaki

Nacurious ako kaya sinilip ko si Jen kung bakit niya hinahanap si Joaquin. Nasa may pintuan siya tas tila may kausap na matandang lalaki. Bumalik na si Jen sa room at paalis na yung kausap niyang lalaki. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero nagmadali akong ayusin yung gamit at bag ko at hinabol yung lalaki.

"Manong! Manong!" sigaw ko habang hinahabol yung lalaki. Buti naman narinig niya at tumigil sa paglalakad.

"Bakit iha?" Huh? Bakit nga ba...

"Uhm... ano po... kase..." hinahanap niya kasi si Joaquin eh....

"hm?"

"Ah! Bakit niyo pala hinahanap si Joaquin?"

"Ahhh si Joaquin. Mabuting bata 'yon. May sasabihin kasi sana ako sa kaniya" Tapos nagsimula na uli siyang maglakad at sinabayan ko naman.

"Kung okay lang... maari po bang malaman kung bakit?" pls sabihin niyo sa'kin huhu

"Ahhh, kasi pasasalamatan ko sana siya sa lahat ng tinulong niya sa'kin sa garden kasi baka mag retiro na ako bilang hardinero dito sa school" huh? Tinulong sa garden? Huh? May hardinero pala kami?? Di ako nakasagot kakaisip at napansin niya siguro.

"Kasi 'yang si Joaquin, halos dalawang taon niya na ako tinutulungan asikasuhin yung garden tuwing awasan. Sabi niya may dadalhin siyang mahalagang babae ron" Nanikip na naman yung dibdib ko sa sinasabi ni manong... halos di na ako makahinga sa mga naiisip ko tas dinagdagan niya pa kwento niya...

"Kaso kwento sa'kin ng mabait na bata eh, nabasted daw siya. Naiyak pa nga----" sa pagkakataon na 'to ay malapit na pala kami sa garden at narinig namin parehas yung boses ni Joaquin mula sa loob.

"Manong Jerry! Kanina ko pa kayo inaantay rito" Nakangiting sabi ni Joaquin pero nawala nung nakita niyang kasama ako ni manong.

"ahh hehe, hinanap nga kita sa section niyo eh. Buti nabanggit mo na 3rdyr ka na at section A hehe"

That time, parehas ata kaming walang pakealam sa sinasabi ni manong. Magkatinginan pa rin kami hanggang sa sumisikip na naman dibdib ko at tila may namumuo na ring mga luha sa mga mata ko. Di ko alam. Di ko alam mga nararamdaman ko kaya ngumiti lang ako kay manong at nagmamadaling umuwi kaso—

"Karen!!!" sabay hila ni Joaquin sa may balikat ko para iharap sa kaniya.

Hinahapo pa siya nang onti at nagkatinginan kami pero agad kong iniwas tingin ko. Sino ba naman makakatingin sa mga niya na tila niyayakap niya ang buong pagkatao ko diba. Pati di ko rin alam nararamdaman ko. Thankful? Sorry? Guilty? Kilig? Sa pag aayos niya ng garden??? Galit sa sarili kung dahil sinayang ko efforts niya? Dahil iniyakan niya pag basted ko?? Bakit di niya sinabi sa'kin??? BAKIT DI NIYA AKO PINAPANSIN SA FACEBOOK SA MGA KLASE?? Di ko alam. Sumasabog lahat ng emotions at feelings ko that time at naiiyak na rin talaga ako.

"May sasabihin ata sa'yo si Manong... balik ka na ron..." sabi ko habang pinupunasan gamit ng kamay ko yung mga luha ko.

"Ah ok......" napatungo siya sa sahig. Naguguluhan pero tila mej naiintindihan niya ang nangyayari at naglakad na pabalik patungo sa garden uli.

-- (EoF)--

Pero funny kasi pag uwi ko sa bahay non ay first day pala ng red alert ko hahaha. So yung pagsabog ng emotions eh feeling ko dahil don kasi sa totoo lang, kahit ako natatawa alalahanin 'yon kasi bigla-bigla na alng ako umiyak sa harap niya parang tanga hahhahaha.

Pero hanggang ngayon lagi niya pa ring pinagmamalaki sa'kin na love at first siya sa'kin nung nakita niya ako nung flag ceremony nung 2008. Pero sa tagal ng pagsasama namin, di ko sure kung naamin ko ba sa kaniya na yung araw na 'yon with manong Jerry yung araw na umpisa akong mahulog para sa kaniya hehe. And di ko na rin alam kung masasabi ko pa

to be continued...



[Hi uli guys! Since wala pa sa youtube yung song, nilagay ko na lang din yung link ng soundcloud. Sana mapakinggan niyo yung and magustuhan niyo rin! :)

Please vote and comment if ever! Sa sunday na yung part III bago mag start yung Chapter 1 hehe

Bhienkey]

akala ko ba IKAW AT AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon