CHAPTER 8: MAYBE THE NIGHT Part II (by Ben & Ben)

4 1 0
                                    

J O A Q U I N

Hmm, nakatulog ba si Karen? Bakit kaya di siya nagrereply o sumasagot sa mga texts at tawag ko? Medyo nag aalala kong tanong sa sarili ko pero sure naman ako na somehow walang nangyaring masama. Hopefully?

Mej late na ako nakauwi ngayon kasi dumaan pa ako sa supermarket. Since si Karen ang laging nag luluto, gusto ko naman siyang ipagluto ngayong gabi. Excited na akong makita siya.

Naka earphones ako ngayon, nakikinig sa Maybe the Night ng Ben & Ben at nang may konting pag headbang pa sabay sa beat ng kanta. Pasimula na ng second verse nang...... weirdly, bigla kaming nagkatinginan ni Karen? Huh?!

Ako nasa loob ng elevator at siya naman ay nasa labas. Halata mong tumakbo siya para habulin yung elevator. Kitang-kita ko rin ang paglunok niya ng laway na kala mo eh may nagawa siyang kasalanan sa'kin. HMMM? Kumunot yung noo ko.

Since puno na yung elevator, nasa unahan lang siya habang nasa may likuran ako. Dito, napansin ko na hindi nagbago yung suot niya nung umalis ako nung umaga. Okay ew naman Karen sa hindi mo pagligo today pero bakit ngayon ka lang? Umiikot yung mga mata ko sa thought palang.

'DING' at nasa 7th floor na kami.

Since nasa may likuran ako ng elevator, mej natagalan pa ako sa paglabas pero nagmadali na si Karen. Di man lang ako inantay tapos pagdating ko rin sa tapat ng unit namin eh, nakasarado na ito at nakalock pa. Heh Natawa ako sa inis. Ano na naman kayang pinaplano ng babaitang 'to? Pero sige pagbigyan na'tin.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto tapos pagpasok ko,

"Uiii kararating mo lang? Kamusta work mo today?" Masaya niyang tanong sa'kin na kala mo eh hindi kami nagkasabay sa elevator.

"Hoy tig-----" di pa ako tapos sa sinasabi ko, bigla niyang kinuha yung paper bags na dala ko at nilagay niya ito sa may sink.

"Uiii magsisinagang ka ba? O gusto mo ako magluto? Nakuu ang saya naman tonight! Sinigang ang ulam namin hihi" Masaya niya pa ring sabi.

"Ha.... Ha...." Napa facepalm ako kasi di ko na alam kung maiinis ba ako sa kaniya o matatawa. Srsly, nakakabilib talaga yung audacity niya sa pagpapanggap right now.

"Hm? Okay ka lang ba? Bakit parang bad trip ka?" Masaya niyang tanong sa mukha ko.

Tangina talaga neto? HAHAHAH. Talo na ako. Di ko na inaya ang pagpipil at natawa na talaga ako sa kaniya. Swear, ang galing niyang umarte na parang wala talagang dapat pagusapan? Kaya nilapit ko rin ang mukha ko sa kaniya at kinurot nang ang mga pisngi niya.

"Oh, kanina bad trip ka tapos ngayon tumatawa ka na? Okay ka lang ba?" Masaya niya pa ring tanong kahit kurot-kurot ko ang mga pisngi niya.

Okay, kanina funny pa pero hindi na ngayon. Siguro dahil nailabas ko na yung pinipigilan kong tawa, naaalala ko na may dapat nga pala kaming pag usapan at naging seryoso na ang mukha ko.

"So bakit nga----" di niya na naman ako pintapos tas kumalas din siya sa pagkurot ko sa mga pisngi niya.

"Lutuin ko na ba yung sinigang?" Masaya pero kinakabahan niya nang tanong.

"......" Di ko na siya sinagot pero sobrang seryoso na kasi ako ngayon. Di na ako natutuwa sa pagiwas niya sa gusto kong itanong. Ganon ba kalala? Ano ba kasi yon?? hays. Naiinip na ako.

Mukhang nagets niya na wala na nga ako sa mood makipag biruan, lumayo siya nang onti sa akin, tumungo, at bumulong ng "sorry". Okay, napatawad ko na agad siya pero ano ba kasing nangyari diba.

akala ko ba IKAW AT AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon