DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
* * * *
01. Matched
You know that feeling you get when you've wanted something to happen for so long and then it finally does?
Well, I don't.
Because my life sucks, plain and simple.
Inabot ko sa MIC (manager in charge) ang DTR ko. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ko bago kinuha ang DTR na hawak ko.
"Nag turn-over ka na?" Masungit nitong tanong habang nakatingin sa DTR ko na hawak niya sa kaliwang palad habang ang kanan niyang palad ay nakahawak sa ballpen.
Agad akong tumango at pinunasan ang butil butil ng pawis sa noo ko.
"Opo,"
"Nasa'n ang ni-turn-over mo?"
Agad ko siyang dinala sa fries station para ipakita ang ni-turn-over ko do'n. Sinunod kong ipinakita sa kaniya ang crew room at stock room. Nang ma-satisfy siya sa nakita ay agad niyang pinirmahan ang DTR ko.
Napabuntong hininga nalang ako at bumalik na sa crew room para magpalit.
Pumasok ako sa ban'yo at hinubad ang uniform ko para magpalit ng school uniform. Isa akong part time crew sa Mc Peters. Ang turn-over na tinutukoy kanina ay isang gawain ng mga crew bago mag out sa kanilang duty. Kailangan siguraduhin na malinis at may stocks bago umalis, tulong narin sa mga kapalitan ng duty.
Nang makapag bihis ay agad akong lumabas ng crew room habang may suot paring hairnet. Madaraanan kasi ang kitchen at kailangan ng food safety. Hindi p'wedeng alisin ang hairnet, not unless nakalabas ka na sa store.
"Bye, Tonet!"
Nginitian ko si Cecill na kumakaway sa'kin habang nasa counter. Kumaway din ako sa kaniya pabalik and I mouthed 'bye bye'.
Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa Breadth University, ang school na pinapasukan ko.
Kasalukuyan akong Grade 11 student at ang major ko ay ICT. Ewan ko din kung ba't 'yon ang kinuha ko e hindi naman ako mahilig sa computer. In-demand daw kasi at aminin man natin o hindi, halos lahat ng trabaho ay kailangan na ng teknolohiya. Kaya advantage talaga pag graduate ka ng IT.
Nang huminto ang tricycle ay agad akong nagbayad ng pamasahe at pumasok na sa gate. Napatingin ako sa relo ko at ilang minuto nalang mag uumpisa na ang una kong klase.
Hinihingal akong huminto sa tapat ng saradong classroom. I'm two minutes late.
Kumatok ako ng dalawang beses bago binuksan ang pinto. Nakatuon na sa'kin ang atens'yon ng mga kaklase ko at yumuko lang ako kay Ma'am Grace na seryosong nakatingin sa'kin.
"Sorry po, I'm late."
"Come in,"
Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad na pumasok sa loob at marahan na sinara ang pintuan. Dumiretso ako sa naka-assign sa'kin na upuan. Alphabetically arranged kasi ang upuan at dahil Miranda ang surname ko, nasa bandang gitna ako nakaupo.
Automatic na hinanap ng mga mata ko si Joyce at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Itinuro niya ang ulo niya at agad kumunot ang noo ko. She rolled her eyes at gigil na itinuro ang ulo niya.