02

41 4 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

* * * *

02. Let's Meet, Darling

        You and Avery are matched

            Hinila ako ni Joyce somewhere at wala sa sarili nalang akong nagpatiunod. Huli na ng ma-realized ko na nakalabas na kami ng school at dumaan kami sa secret passage kung saan lumalabas ang mga nag c-cutting na estud'yante.

    "What the hell, Joyce!" Bulalas ko at hinablot ang kamay ko sa kaniya. "Saan tayo pupunta? Time na! Late na tayo!"

"Duh! First time?" Sarkastiko niyang sabi at inismiran ko siya bilang sagot.

        "Bumalik na tayo sa loob. Baka wala pa si Sir Rapha." Humakbang na ako patungo sa secret passage nang maramdaman kong walang sumusunod sa'kin.

Napalingon ako kay Joyce na naka-crossed arms lang at pinapanuod ako.

     "Bahala ka. Kung gusto mo mag cutting, mag cutting ka mag isa mo." Akmang papasok na ako nang magsalita siya.

             "'Pag ikaw may gustong mag cutting sinasamahan naman kita." Parang may hinnanakit sa boses niya at mariin nalang ako napahawak shoulder bag ko at inis na humarap sa kaniya.

    Napa-pad'yak pa ako sa sahig dahil sa sobrang inis.

"Ano ba kasing trip mo? Bakit gusto mo mag cutting?"

        "Duh. Nakalimutan mo na? Nagsagutan kami ni Sir Rapha kahapon. Sa tingin mo gusto ko pa siyang makita?"

    "E ano'ng balak mo? Tataguan mo siya palagi? Paano ang studies mo? Siguradong babagsak ka sa subject niya."

"Don't care. Mag t-take ako ng summer class basta ayoko lang siya makita."

     Sumasakit ang ulo ko kay Joyce. Nasobrahan kasi sa pagiging palaban si Joyce. Ayaw kasi niyang na-t-trigger siya dahil nawawalan siya ng respeto sa kaharap niya. 'Eto naman kasing si Sir Rapha, hindi lang nasagot ni Joyce 'yong tanong niya, sinabihan niya ng 'bobo' sa harap ng mga kaklase namin. Kahit sino naman ay mapapahiya sa ginawa niya. Ayaw pa mandin ni Joyce na napapahiya siya.

    "E ako? Sabit ako?" Jusko. Ayoko mag take ng summer class noh. Plano ko nga na mag full time sa Mc Peters 'pag bakas'yon na.

"Gaga. Ngayon lang. Hindi naman ako gano'n ka-bad influence para isabit ka sa kalokohan ko."

Thanks God!

       "Isa pa, pag-uusapan natin 'yang kagagahan na ginawa mo. Hindi ako na-orient na bet mo pala si Pengco."

       Napa-facepalm ako nang maalala na naman ang aksidente kong pag swipe right sa picture ni Avery.

"Hindi ko nga sinasad'ya. Siguro no'ng nagulat ako sa bell, na-swipe right ko." Depensa ko. E totoo naman. Kahit sino'ng jowang jowa na tao hindi papatulan si Avery.

Accidentally Swipe Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon