08

18 3 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

* * * *

08. Ghosting?

      "Quit staring,"

  Agad ko namang iniwas ang tingin ko. Hindi ko kasi napansin na napatagal na pala ang pagkakatitig ko sa kaniya.

Hanggang ngayon kasi na papauwi na kami ay hindi parin nawawala sa isip ko ang sinabi niya. He's a cancer survivor. Simple lang naman ang mga salita pero ang laki ng impact sa buong pagkatao ko.

        Ini-imagine ko tuloy ang batang si Avery na lumalaban sa sakit na cancer. Ang maliit at mahina niyang katawan ay patuloy na nilalabanan ang sakit. Sumisikip ang dibdib ko pag nag iisip ko 'yon.

                "Seriously, Tonet, I'm fine." May diin niyang sabi kaya saglit akong napalingon sa kaniya.

   Siguro napansin niya na kanina pa ako tahimik. Hindi naman na ako nag tanong pa regarding sa sinabi niya kasi kako nga, sa dalawang araw na pagsasama namin, napansin kong ugali niya na kung gusto niya mag k'wento, mag k-k'wento siya. Hindi na kailangang pilitin pa.

     "Do you love what you're doing?" I asked instead.

   "Yeah," Tipid niyang sagot at sapat na 'yon para sa'kin.

Bumuntong hininga ako at nakangiting humarap sa kaniya na busy sa pagmamaneho.

   "Kailan ulit tayo dadalaw do'n?"

Kumunot ang noo niya na parang nagulat sa tanong ko.

   "Gusto mo ulit bumalik do'n?"

Tumango ako.

"Oo naman. Bakit naman sana hindi? Kung sinabi mo lang agad na do'n tayo pupunta e 'di sana nag luto pa ako ng ibang putahe."

  Ngumisi siya at tumango.

        "Update nalang kita kung kailan tayo babalik,"

   Nanahimik na naman ako dahil nawawalan na naman ako ng sasabihin. Nakakaubos naman kasi ng topic 'tong si Ave. Kapag hindi ka na nagsalita, hindi na din siya magsasalita. Kaya no choice kung hindi ikaw ang mag adjust.

         "Ooopps," Napalingon siya sa'kin saglit dahil may bigla akong naalala. "Ave, bakit pala ang hilig mong gumamit ng emoji?"

Tanong ko ng maalala ang mga nauna niyang message sa'kin na punong puno ng emoji. Pero no'ng naka-text ko naman siya walang emoji 'yong messages niya.

   Saglit nagsalubong ang kilay niya bago sumagot.

           "Those bastards were using my phone,"

"Your friends?" Gulat kong tanong at tipid siyang tumango. "Ibig sabihin sila 'yong nag 'hi' sa'kin at nag ayang makipag meet?" Tumango ulit siya. "Sila din ba ang gumawa ng dating account mo?" Tumango ulit siya.

     Napanguso ako. Ibig sabihin kung hindi pala dahil sa mga kaibigan niya wala kami sa sitwas'yon na 'to ngayon? Baka Avery the walking poker face parin ang tingin ko sa kaniya.

Well, poker face parin naman siya pero slight nalang. Siyempre nakita ko na siya tumawa. Tapos narinig ko narin siya magsalita. Kaya tama si Joyce, don't be a judger kasi talaga agad.

Accidentally Swipe Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon