05

26 3 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

* * * *

05. Goodnight

      Nakatitig lang ako kay Joyce na may dala dalang dalawang bowls sa dalawang kamay. Kalalabas niya lang galing sa kusina nila para kunin ang ginawa niya daw na meryenda.

         Inilapag niya ito sa coffee table at agad akong kumuha ng graham balls at sinawsaw sa milk chocolate dip na ginawa niya.

  In fairness ah, masarap.

"Can't believe na kuripot pala si Avery. Sa dami rami ng p'wedeng kainan, sa Mang Inasal ka pa dinala." Aniya nang makaupo sa sahig kaharap ko.

     Nandito kami sa bahay nila at katatapos lang naming mag simba dahil nga sunday ngayon at kailangan naming magbawas ng kasalanan.

         Pareho kaming nakaupo sa sala nila, sa sahig more specifically. May brown carpet naman kaya hindi masakit sa p'wet. May sofa naman pero mas komportable kami sa sahig.

    Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago nagsalita.

"Pero alam mo, mabait naman pala si Avery e." K'wento ko at inismiran niya ako.

   "Sino ba kasing nag sabi na masama siya gaga ka? Sad'yang hindi lang nagsasalita ang tao kaya nagmumukhang suplado."

  "Fyi, nagsasalita siya."

"Hindi naman madalas."

     Inismiran ko siya.

"E he doesn't talk much nga e." Hindi ko alam kung bakit ko pinag tatanggol si Avery. Siguro dahil sa nangyari kahapon.

      Nagpaalam na sa'min ang dalawang matanda nang matapos silang kumain kaya naiwan nalang kami ngayong dalawa sa table at luma-lafang.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa pagkakamay niya. Kahit laki sa yaman, halatang sanay na sanay siyang kumain ng naka-kamay. Malinis siya kumain, hindi katulad ko na kung saan saan nahuhulog ang mga kanin na sinusubo ko. Ni hindi ko pa masimot simot ang mga laman sa buto ng chicken ko habang siya ay literal na puro buto ang natira.

   Nauna siyang natapos kumain sa'kin. Nag hugas ng kamay at uminom ng pineapple juice niya. Nakatitig ako sa adams apple niya na gumagalaw sa bawat pag lunok niya. Napatingin siya sa'kin pero hindi niya itinigil ang pag inom sa baso niya. Para akong pinag papawisan ng malapot habang nakatitig sa mga mata niyang parang nang hi-hipnotismo.

    Napa-blink ako nang bigla siyang kumindat. Ibinaba niya ang baso niya at pinunasan ng tissue ang namamasa niyang labi.

   Did he just winked at me?

Pero.... baka namalik mata lang ako.

      Itinuloy ko nalang ang pag kain dahil nakakahiyang inaantay niya pa ako. Nang matapos ay nag hugas ako ng kamay at nag sanitize siyempre.

Accidentally Swipe Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon