09

35 2 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

* * * *

09. Meet Cyrelle

       "Kilig na kilig ka naman diyan," Pang-aasar sa'kin ni Joyce at ngumuso lang ako para itago ang nakakagago kong ngiti.

           "Tingin mo, nililigawan na 'ko ni Ave?" Tanong ko kay Joyce habang tumitingin ng mga libro sa book shelves.

    "Gaga. Napaghahalataan kang NBSB e. Obvious na obvious namang pinopormahan ka na ni Pengco."

      Kinilig na naman tuloy ako. Iniisip ko palang na nililigawan na ako ni Ave kinikilig na ang buong kalamnan ko.

       Ave isn't my type of guy. Gusto ko ng lalaking simple lang. Pero mas'yado naman yata akong mahal ni God para ibigay ang isang Avery Pengco. Hello, ako lang 'to. 

          "Pero 'di naman siya nagsabi na nanliligaw siya." Hinugot ko ang libro na english literature at binuklat ito.

              "Iba iba kasi ang ways ng lalaki 'pag nanliligaw. May iba na bulgaran. 'Yong tatanungin ka muna kung p'wede manligaw. 'Pag sinabi mong hindi, i-stop na kasi for them wala ng pag-asa. Meron namang mga lalaki na tatanungin ka kung p'wede manligaw, whether you said yes or not, manliligaw pa din kasi nga consistent. At meron ding lalaking hindi magtatanong kung p'wede manligaw. Magugulat ka nalang sa mga moves na ginagawa niya. Then boom, nanliligaw na pala siya without you knowing." Humarap siya sa'kin at nag crossed arms. "Sa kaso ni Avery, mukhang hindi siya 'yong tipo ng tao na vocal sa feelings. Parang more on moves siya, tingin mo? Kasi 'di ba he doesn't talk much? Baka bumabawi sa moves."

                 Kagat kagat ko ang ibaba kong labi habang nakatingin sa phone ko. Sa gc ng Mc Peters naka-send ang schedule for thursday to sunday.

  Siyempre more on focus ako sa sunday. Mid pala ang duty ko ng sunday. 12pm to 6pm ang duty ko. Ibig sabihin gabi kami makakapag kita ni Ave.

       Agad akong nag tipa ng message para kay Ave.

To: Ave

   Mid ang duty ko ng sunday. Means, 6pm pa ang out ko.

08:23pm

   Hinintay ko ang reply niya pero walang dumarating. Baka busy.

Akma kong ilalapag ang phone ko sa bed side table nang mag vibrate ito. Napaubo ako nang makita ang pangalan ni Ave sa screen.

    He's calling me.

          Shit! Bakit ba ako kinakabahan na parang first time niyang tumawag sa'kin? Ah oo nga pala first time. Kasi ako nga ang tumawag sa kaniya no'ng last, 'di ba?

   I took a deep breath and sighed. I swipe right and put the phone in my left ear.

    "Hello?"

"Hey,"

     Kalma self! 'Wag malandi!

   "Bakit?" Tanong ko habang kagat kagat ang daliri ko sa hinlalaki ng kamay ko.

       "6pm ang out mo sa sunday, 'di ba?"

"Oo,"

     "P'wede ka pa ba ng gano'ng oras?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally Swipe Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon