03

30 4 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

* * * *

03. He Talked!

        "Bakit naman lunch mo inaya ang lolo mo?"

Nagkibit balikat ako at tumusok ng isang fishball sa plastic cup na hawak ko at sinubo 'yon.

"Pre-closing kasi ang duty ko ng saturday. Saka ayos lang 'yon para makalibre ako ng lunch."

       "Ay sure na sure si lola na ililibre siya ng lunch." Pang-aasar niya at inismiran ko lang siya.

Nang maubos ang fishball na kinakain ko ay nagpaalam na ako sa kaniya. May duty pa kasi ako at katatapos lang ng dalawa naming subject ngayong araw.

        Habang naghihintay ng saturday ay nag focus muna ako sa trabaho at pag-aaral. Wew. Kung makapag sabi ng pag-aaral parang matalino eh.

Ewan ko din ba. Hindi kasi ako nabiyayaan ng katalinuhan, tanging kasipagan lang ang meron ako. Kung hindi pa ako masipag pumasok, magpasa ng projects and activities, siguradong bagsak ako sa academics. Bumabawi na nga lang ako sa mga gano'n. Pala-recite din ako kahit madalas mali mali ang sagot ko.

    Nakaka-inggit talaga 'yong mga taong effortless sa pag-aaral. 'Yong tipong parang pinasadahan lang nila ng tingin ang libro, na-gets agad nila ang nilalaman nito.

Sana all katulad ni Avery.

Si Avery ay first year college student na Political Science ang course. Imagine niyo siyang lawyer tapos nasa harap ng korte. Salita ng salita ang kalaban niya habang siya ay tumitikwas lang ang kilay.

    Same campus lang kami. Med'yo may kalayuan lang ang buildings nila sa'min. Minsan ay doon sila sa canteen namin nagmemeryenda pero madalas ay doon sa kanila.

Hindi kasi sila naabutan ng k-12 kaya sa edad na eighteen ay first year college na sila. Habang ako seventeen na pero grade 11 palang. 'Pag eighteen ko na, grade 12 palang ako. May higit isang taon pa ako sa senior high tapos four years sa college. God what a life.

       Mabilis na lumipas ang araw at hindi ko namalayan na saturday na pala. Ni-text ko si Joyce at sinabihang sunduin niya ako dito sa bahay para sabay kaming pumunta sa Coffee Republic.

     "Hoy, Andeng! 'Wag mong pag laruan ang mga lupa diyan, mamaya tae na pala ng aso 'yang hawak mo." Saway ko sa kapatid kong pinaglalaruan ang tambak ng lupa sa labas ng bahay.

"Iiiiiiww." Maarte nitong pinagpag ang madumi niyang kamay at tumakbo papasok ng bahay. "Mama! Maghuhugas ako ng hands!"

       Napairap nalang ako sa kawalan at ilang minuto lang dumating na si Joyce. Hindi na siya bumaba ng tricycle, nagpaalam lang ako kay Mama bago lumabas at sumakay ng tricycle katabi si Joyce.

  "Kaloka. Ang pa-vip natin mas'yado. Late tayo fifteen minutes," Bulalas nito habang sabay kaming naglalakad papasok sa Coffee Republic. "'Pag siya ang nakita mo, dumiretso ka agad, habang ako ay p-p'westo sa malayo to give you two a privacy. Pero 'pag hindi siya ang nakita mo, hihilain kita at lalabas na tayo, gets?"

Accidentally Swipe Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon