07

28 3 2
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

* * * *

07. Survivor

      Pinapanuod ko lang si Avery na seryosong naghihiwa ng mga prutas. Pinapakulo ko pa ng mabuti ang ginataang munggo na niluluto ko. Pinagpapawisan na nga ang likod ko kahit may aircon naman dito. Hindi naman kasi ako na-orient na sobrang dami pala ng ipapaluto niya. Parang pang isang barangay na 'to e.

           Hindi man niya gaanong kinuwento, pero sapat na ang mga nalaman ko. Magka-edad lang pala kami ni Cyrelle---'yon ang pangalan ng kapatid niya. Sad'yang baby face lang pala 'to kaya akala ko ay fifteen palang. Maliit lang din kasi itong babae.

         Maayos naman daw ang paningin nito noon. Mahilig daw itong mag paint at mag drawing. Ang utak daw nito ay puno'ng puno ng kulay. Masigla daw ito at ito ang nagbibigay buhay sa kanilang pamilya.

      Fourteen years old ito nang makaramdam ng panlalabo ng mga mata. Bigla nalang daw itong hinimatay at pag gising ay wala ng makita.

Nag bago daw ito. Naging mailap sa mga tao at madalas mag init ang ulo. Gusto daw nitong ipatapon ang lahat ng paintings and drawings na ginawa niya. Wala daw itong bukambibig kung hindi ang salitang gusto niya nalang mamatay.

      "Nasa'n ang Mommy't Daddy mo?" Tano'ng ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya.

Kaya pala kotse ang ginamit niya para may pag lagyan ng mga pagkain. Nakalagay ang ginataang munggo sa higit k'warentang plastic bowls habang nakahiwalay naman ang higit k'warentang mga prutas na tinimplahan niya ng gatas sa plastic bowls din.

     Hindi niya parin sinasabi kung saan kami pupunta kaya hinayaan ko nalang at itinigil ang pagtatanong. Hindi naman niya siguro ako papatayin. Kasi kung oo, bakit may dala pa siyang mga pagkain? Ano? Ipapakain niya muna sa'kin lahat 'yan baka ako patayin?

          "They're with Cyrelle."

Tumango ako bilang pag tanggap sa tipid niyang sagot.

      "Matulog ka muna. Mahaba pa ang biyahe." Kumunot ang noo ko pero sinunod nalang ang sinabi niya.

Napagod din kasi ako sa pagluluto kaya nang ipikit ko ang mga mata ko, agad akong nakatulog.

       Napabalikwas ako nang umuga ang sinasakyan ko. Napalingon ako sa paligid at bato bato ang dinaraanan namin.

"Sorry," Sambit niya, marahil ay tinukoy ang marahas na pag talbog ng kotse dahilan para magising ko.

      "It's okay," Ngumiti pa ako pero tinignan niya lang ako saglit at hindi na naman nagsalita.

     Sus. Kala mo naman hindi nagustuhan 'yong yakap ko kanina.

Kinilig na naman tuloy ako nang maalala ang mainit naming yakap. Yiiiee. Talande pota.

      Huminto ang kotse at agad akong napalingon sa paligid. Maraming puno at nag kalat ang mga bata sa paligid na busy mag laro sa playground. Lahat sila ay naka-balot ang ulo. Ang iba ay naka-suot ng simpleng cap, habang ang iba ay naka-bonet, at ang ilan ay malaking pan'yo ang gamit.

Accidentally Swipe Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon