04

24 4 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

* * * *

04. Put your hands on my shoulder

      Hindi ako magkanda-ugaga sa pagsakay sa motor. Naka-dress and two inches high heels kasi ako. Malay ko ba naman kasi na isasakay niya ako sa motor niya. Kung alam ko lang e 'di sana nag pantalon or shorts nalang ako.

          Nang makuha ko ang balance ko, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Patagilid akong nakaupo habang naka-kapit sa bakal sa likod ng motor.

"Put you hands on my shoulders." Nakalingon siya nang kaunti sa gawi ko at kahit naiilang ako, ipinatong ko nalang ang dalawa kong kamay sa balikat niya.

         Agad niyang ipinaandar ang motor at kamuntik na akong liparin ng hangin kaya idinikit ko ang katawan ko sa likod niya at hinigpitan ang pagkaka-kapit sa balikat niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko nararamdaman niya 'yon mula sa likod niya.

     Napalingon ako sa coffee republic at kumunot ang noo ko nang makita ang grupo ng mga lalaki na nagtutulakan sa may salamin ng coffee shop habang sinusundan kami ng tingin. Sila yata 'yong nakita kong nagtakip ng menu sa mga mukha nila.

Nanliit ang mga mata ko at agad kong inilihis ang ulo ko nang mamataan ang ilan sa kanila. Mga kaibigan sila ni Avery at isa na do'n ang leader nilang si Anjiero na prenteng nakatitig lang sa'min habang nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.

    Ibig sabihin nag dala din pala si Avery ng kaibigan niya. Kung gano'n, iniisip niya rin kaya na poser ako?

        Napatingin ako sa side mirror ng motor niya kung saan kitang kita ko ang mukha niya. Nakakunot ang noo niya at med'yo nanliliit ang mga mata marahil sa hangin. Humahangin ang magulo at itim niyang buhok at paulit ulit na gumagalaw ang malaki niyang adams apple.

Muntik na akong ma-out of balance nang magtama ang mga mata namin sa side mirror. Nag iwas agad ako ng tingin.

     Nakakahiya!

Nahuli niya pa akong nakatitig sa kaniya.

         Baka isipin niya poging pogi ako sa kaniya kahit slight lang naman.

    Oh talaga ba self?

"Saan tayo pupunta?" Bulong ko sa tenga niya at napapiksi siya sa ginawa ko.

   Naramdaman kong nag init ang magkabilang pisngi ko nang ma-realized ang ginawa ko. Minsan kinakahiya ko talaga ang sarili ko e.

        Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang.

Ah gano'n? 'Pag pogi hahayaan nalang?

    Ewan ko din kung bakit nagtitiwala ako sa kaniya e hindi ko naman siya lubos na kilala. Mamaya kung saan ako dalhin nito. Baka idala ako sa liblib na lugar tapos gahasain ako at patayin.

Accidentally Swipe Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon