CHAPTER 5

5 1 0
                                    

Chapter 5

...

LH-Hard

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang magising dahil sa kalabog na pinto.

Shit!

Pagmulat ko ay wala na ang katabi ko, ano pa nga ba. Lumabas na ako ng sasakyan at nakita siyang kinukuha ang maleta ko sa likod habang nakasimangot.

Siya pa may ganang simangutan ako samantalang ako yung pikon na pikon. Ano nga lang naman ang ginawa niya sa fast food kanina?

Umpisahan natin sa pagmumukha kong tangang ilang minuto nang nakatulala sa upuan ko roon at iniintay siya. S'yempre dahil ako si dakilang mainipin ay bumaba na and guess what?

Ang magaling na bato ay prenteng nakaupo at kumakain roon sa sulok nang hindi ako iniintay o tinawag man lang!

Aba't nag dahilan pa ang magaling na bato kesyo ako raw ang may kailangan bakit siya pa ang maghananap sa akin. Okay! Pinalampas ko kasi s'ya nga naman ang umorder e!

Edi go! Kain ako nang kain umorder pa ako nang sundae at burger para mas lalo siyang mainis kasi siya naman ang magbabayad. So far, nang makapagbayad na siya ay iniwan ako, fine! sanay naman akong iwanan niya!

Ang kaso, ang magaling na bato ay hindi pala binayaran ang order ko kundi ang kanya lamang. Fuck. 250 iyon! pang kain ko na iyon nang tatlong araw tapos siya.....fuck him! just.fuck.him!

Nauna na siyang maglakad papunta sa Mansyon. Hindi ko naiwasang mamangha sa laki at ganda nito. Classic ngunit moderno. Ang ganda!

Nang maibalik ko ang tingin sa unahan ay nakita ko siyang nag-aabang sa pinto. Nakangiti akong lumapit roon.

"Ang ganda..." manghang anas ko sakanya.

He just rolled his eyes sluggishly and puckered his lips. Mas may ititigas pa ba ito? Napaka!

Ang pangkamangha ko sa labas nang mansyon ay mas ilalala pa pala nang makapasok kami sa hamba nang pinto pa lamang.

Ang lahat nang gamit ay halatang mamahalin. Maski ang sofa ay nakaktakot na upuan nang gaya ko at baka itilapon lang ako. Mas mahal pa yun sa bahay ko e!

Mabilis kong namataan ang pagbaba ni Mrs. Jimenez mula sa grand staircase nang mansyon. Oo, kailangan talagang paulit-ulitin iyong mansyon kasi sayang naman diba?

"Omo! Emphrodite, you're here na!" Napangiwi ako hindi dahil sa enerhiya niya-which is sanay na ako, kundi dahil sa pagtawag niya sa buo kong pangalan.

Ang haba! though it's quite unique.

Magalang akong tumungo at ngumiti nang matamis sakanya.

"Magandang hapon po Mrs.Jimenez" Nakangiti ko ring bati.

"Let's not be too formal ija, just call me Mommita! Lahat nang tao rito sa mansyon ay iyon ang tawag sa akin, hindi ba nakakagandang tingnan?" Napahagikgik ako sa kapilyahan niyang iyon. She's cute!

"Oh! by the way, i would like you to meet Lota, ang mayordoma nang bahay na ito, iyong isa naman ay si Georga at ang huli ay si Yna" Tukoy niya sa tatlong babaeng nakahanay sa gilid. Nakakatuwa namang pamilya rin ang turing ni Mommita sa mga ito.

I suddenly furrows my brows. How 'bout this stone guy? Nilingon ko nang bahagya ang batong iyon na siyang nahalata ni Mommita.

"Didn't you meet him before?" takang tanong niya.

Nakangiwing umiling na lamang ako bilang tugon. Ni hindi ko nga makausap nang matino iyan e! Alamin pa kaya pangalan?

"That's Greg....he's agent. Nirerenta ko lang iyan sa mga libre niyang oras dahil masiyadong mahal ang permanent." hagikhgik pa nito.

Lifeless HeartbreakWhere stories live. Discover now