CHAPTER 8

5 1 0
                                    

Chapter 8

...

LH-Why not

"Hey Rodi! Ano pa ba ang kulang sa mga iyan?" Tanong ni Yna.

Kasalukuyan akong magluluto para sa mga bata, i heard that they're favorite is chicken, maski si Sir Chart ay yun rin ang paborito. Nakakatuwa naman.

Naisip kong subukan sa kanila ang Roasted Chicken in French style. Hindi ito ang unang beses na lulutuin ko iyon. Nagawa ko na kila Buboy at Jack iyon, Mabuti naman at nagustuhan nila iyon. Maski ako ay nagustuhan ko rin ang lasa noon,kaya talagang inaral ko.

Inilagay ko na ang manok sa Oven at isinet ang time niyon. Ang bongga nga! Last time sa uling ko lang niluto.

"Uhm, Yna pakihiwa nalang yung patatas." Mabilis siyang tumango at inumpisahan nang gawin iyon.

Magdadagdag na rin ako nang pasta para kahit papaano ay may ibang pagkain rin na maihain. Medyo kabado pa ako dahil hindi ko alam kung magugustuhan nang kambal ang lulutuin ko. Well, bahala si sir kung hindi niya magugustuhan, tutal ay hindi naman siya ang ipinagluto ko. May cook siya? Magpaluto siya! Duh. Harsh ko ba? Di naman nagmamagaling lang.

Habang pinapalambot ko ang pasta ay iniisip ko ang iba pang dapat gawin nang may marinig ko ang pagpasok ni Georga at Nana Lota-Yes, Nana Lota nalang raw ang itawag ko, bongga right?

"Ang bango naman nang niluluto mo, Rodi.." Sinisilip pa ni Georga iyong manok na wala pa sa kalahati ang luto. Napangiti nalang ako roon dahil ang mina-rinate ko ang naamoy niya.

"Hmm, naisip ko lang na paglutuan ang dawang bata at nalungkot nanaman kagabi dahil naisip nanaman ang Mommy nila." Kinuha ko na ang iba pang sangkap at inayos iyon.

"Napapamahal na talaga sayo ang mga bata, Rodi. Nagagalak ako at ngayon ko lamang nakitang ganyang kasaya ang kambal. Maski sa mga pinsan nila ay hindi ganoong sumasaya sa pakikipaglaro ang mga iyan." Anas ni Nana Lota.

I pouted. Dahil siguro ngayon lang sila naging komportable. Ngayon lamang nila naramdaman ang pagaalaga nang isang ina, hindi man ako ang tunay na mommy nila ay masaya na akong punan ang mga iyon. Ngayon ko lang rin naramdaman ang magalaga nang anak.

I held my pendant and smiled. How are you Baby Emphri? Masaya ka ba ngayon? Alam mo ako? Masaya ako kasi hinayaan mo akong makahanap ng dahilan para maging masaya.

"Tita Gorg!" Mabilis na nagtatakbo sa akin sina Les at Maine na parehong bagong gising at naka pajama pa. Nasa likod nila si Sir Chart na humalukipkip lamang sa hamba ng kusina.

"Goodmorning!" I greeted with smile. binuhat ko silang dalawa at iniupo sa counter at hinalikan ang pisngi.

Pareho silang ngumuso at yumakap sa akin.

"Wala po ikaw sa tabi namin kanina, akala ko you will leave us too." nasinghot pa si Maine. Napangiti ako roon. Nasanay na sila sa presensya ko sa kwarto nila kada sila ay magigising. Maaga akong nabangon at inihahanda agad ang mga damit nila at ang gagamitin sa kuwarto kaso kanina ay namili ako para magluto.

Naglagay ako nang damit sa kama nila kaso parang hindi nila iyon pinansin dahil hindi man lang nagalaw ang mga damit nila.

"Bakit hindi kayo nagpalit nang mga damit niyo?" Kunot noong anas ko.

"Gusto namin ikaw..." Les whispered. I smiled widely and pinch their cheeks.

"Namili kasi si Tita para sa iluluto ko sa inyo" Umaliwalas ang mukha nila at tumunghay.

"Talaga po?magluluto po kayo para sa amin?" Derederetsong tanong ni Maine. Tumango ako at hinaplos ang buhok niya.

"Oo naman, ayaw mo ba?" nankanguso kong tanong. Napahagikgik naman ang tatlo sa likod ko kaya napalingon ako, doon ko sinulyapan ang tinitingnan nila. Si Chart na nakatayo at nakahalukipkip pa rin doon ay nakangisi. Nang makita ako tumingin ay ngumuso para itago ang ngiti niya. I arched my brow, Seriously? bakit nang-gagaya nang pag-nguso iyon?

Lifeless HeartbreakWhere stories live. Discover now