CHAPTER 11

5 1 0
                                    

Chapter 11

...

LH-Passed by

Mabilis na lumipas ang mga oras, araw, linggo at buwan. Hindi man naging madali ay masayang lumipas para sa akin ang panahong iyon.

Marami ang nagbago, marami ang naging pagsubok. Tulad na lamang nang unang naging atake sa puso ni Mommita. Ang angkan nang mga Jimenez ay nakilala ko na rin. Taray diba?

Isa sa mga araw na iyon ay nagkaroon nang reunion ang pamilya. Isinama ako dahil gusto rin akong makilala dahil ako raw ang unang taong nakapalagayan nang loob nang mga bata pwera na lamang sa mga kaanak nito.

Mabilis mang lumipas ngunit para bang kay tagal ko nang nakasama ang mga alaga ko dahil sa labis na paglapit nang loob ko sa mga ito. Para akong naging parte nang pamilyang Jimenez, Malalaking tao man silang pagmasdan ngunit para bang walang iba at walang agwat ang pagkatao nang bawat isa sa amin kung ako ay ituring nila.

Eight months had passed. Tuwing linggo ay umuuwi pa rin ako para maasikaso ang bahay, kung minsan naman ay dinadala ko rin ang kambal para makapaglaro kasama si Buboy, Si Jack naman ay nangangamba pa rin dahil sa ngayon ang balita ko ay bumabalik na raw ang ala-ala nang ina ni Buboy at kasalukuyan na silang pinaghahanap.

Ang dating iritasyon ko ay mas nadagdagan lamang nang malaman kong kinausap nang Ama noong babae si Jack upang magbigay nang offer na ilayo at magtago kasama ang bata kapalit nang pera. Mabuti na lamang at hindi pumayag si Jack, Anito ay kung maalala man nang babae ang anak niya at si Jack ay wala na dapat pakielam ang pamilya niya sa kahihinatnan nang mga bagay. I'm so proud of him, Mas inuna niya pa rin ang kapakanan nang anak niya kaysa dignidad na maaring apakan nang hayop na pamilyang 'yon.

Oh well, Kamusta naman kaya si Sir Chart? Mula nung araw na nanggaling kami nang parke ay mas nakapalagayan ko pa ito nang loob. Tuwi na magkakasalubong kami ay ngingitian ako nito, literal na makalaglag panty! Madalas rin kaming natutukso ni Mommita maski na ang tres marias na sina Ate Lota, Yna at Georga. And guess what? Pati na rin ang ankan nang Jimenez ay nagsuhetsiyon pa kung bakit hindi na lamang kami magpakasal tutal naman raw ay para na rin akong ina nang mga bata. Siyempre ako si dakilang asyumera ay pahapyaw pang kinikilig! Duh. Lovelife na naghahabol sa akin tatanggihan ko pa ba?

Kasalukuyan akong nagaasikaso nang mga ihahaing pagkain para sa pagbabalik nang kapatid ni Sir Chart at bunsong anak nina Mr. Vinn Jimenez at Mommita Grace, gosh arte.

"Hey Rodi, You don't need to do that." tukoy ni Mommita sa ginagawa kong paghahain. Pampa-good shot 'to Mommy!

I smiled widely and wink at her. " Wala ito Mommita, Wala rin naman po akong gagawin."

Nasa mansyon kami nang mga Jimenez ngayon at tulad nang inaasahan ay literal na mansyon itong maituturing dahil sa angking ganda nito.

"Just Rest ija...alam ko namang napagod ka sa pagpapatulog sa mga apo ko." Nakangiti ito nang maluwag.

"Naku! Sanay na ho ako sa kapasawayan nung dalawang iyon, tiyaka isa pa ho, sinuswelduhan niyo pa rin po ako kaya nakakahiya naman po kung asal bisita ako rito." nahihiya kong tugon.

She chuckled.

"Ikaw naman...ang sabi ko naman sayo ay ituring mo nang pamilya ang lahat rito, kung sa bagay naman ay mukha na kayong nagkaka-igihan nang anak ko..." nanunudyong ani ng ginang patukoy kay Sir Chart.

I just chuckled and winked at her before saying my goodbye. Inakayat ko muna ang kwarto nang kambal at nakitang nasa himbing pa ang mga iyon.

Inayos ko na ang damit na isusuot nang mga ito pati na rin ang liliguan nila. Paniguradong maya-maya lamang ay mumulat na ang mga iyan.

Lifeless HeartbreakWhere stories live. Discover now