CHAPTER 18

6 0 0
                                    

Chapter 18

...

LH-Meet Hades

Kasalukuyan kaming lulan nang kotse nang mga Jimenez tungo sa CEJ Company which is yung sariling company ni Sir Chart na isinunod ang pangalan sa initials nang kambal.

"Are you guys excited?" I asked them.

"Super Yes!" Sing-taas nang kamay ni Maine nang sagutin iyon ay ang taas rin nang energy niya.

Si Les naman ay isang tango at ngiti lang ang naisagot, may pinagmanahan talaga.

Pero syempre, mas excited ako hihi. It's my first time going there. I heard, malaking kompanya raw talaga iyon at kilalang kilala sa Business Community.

"Ti-Mommy?" Pag agaw ni Maine nang pansin ko. Talagang cinareer nila yung Mommy.

"Hmm?"

"Can we go to the supermarket first? I want an ice cream." Aniya.

"Yeah, sure. Bili na rin tayo nang drinks nang daddy mo para naman may partner yung cake at mga ulam na dadalhin natin sa kanya."

***

"Pili na kayo nang flavor nang ice cream na gusto niyo diyan ha? Pupunta lang ako sa set nang drinks" I told them.

"Sure, Mommy" kusa akong napangiti sa sinabi nilang iyon, it's like a music to my ears.

"Oh, and don't go anywhere huh? diyan ko kayo iniwan dapat diyan ko lang din kayo babalikan oki?" Pag papaalala ko pa.

"Oki doki!" They both giggled. Ang cute talaga.

Sinenyasan ko na rin ang body guard nila na nakatanaw mula sa malayo, ayaw kasi nang kambal na may nakasunod sa kanila kaya't sa malayo lagi sila nakatanaw at nakabuntot.

Pag punta ko sa set nang mga drinks ay kumuha na lang ako nang Coke at fresh milk.

Ilalagay ko na sana ang mga kinuha sa cart nang tumama ang mukha ko sa dibdib nang nasa likod ko.

A manly smell immediately filled my nose. I step backward just to see his face.

A tall and masculine man, and most of all....handsome. Naka suit pa ito at naka formal brush ang buhok na tila ba pupunta sa isang meeting.

"I'm sorry" pag hingi ko nang paumanhin.

Tumango naman ito at ngumiti. Mas lalong nadepina ang ka-gwapuhan nito nang lumabas ang perpektong pagkakasalansan nang mga ngipin.

"Let me help you.." Wala na akong magawa nang kuhanin nito mula sa kamay ko ang mga kinuha at siya na mismo ang naglagay noon sa cart ko.

Ang ganda naman nang araw ko.

"Uh, Salamat nga pala..." Tumingin ako sa kanya na tila ba nagtatanong nang dapat kong itawag.

He smiled as he extend his arm on my direction.

"Just call me Hades, Hades Spaid Andrada..." Bahagyang namilog ang mata ko nang marinig ang pangalan nito.

"You?" Manghang tanong ko.

He arched his brow, tuluyan ko nang tinaggap ang kamay niya at magiliw na naki pag kilala rito.

"You mean the H&E Adrada's GC?" tukoy niya sa isang kilalang kompanya.

Mabilis akong tumango at mas lalong lumawak ang ngiti ko.

H&E Adrada's GC is the first in the ranking of asia's drinks ang liquors company's. Grabe, gustong gusto ko yun! Actually nung nasa Resto bar pa lang ako nagtatrabaho ay iyon na ang pangarap naming maging supplier nang mga drinks namin, kaso ay sa dinami-dami nang malalaking kompanya na nag-iinvest rito ay walang wala kung maiituring ang Resto na pinagtatrabahuhan ko.

Lifeless HeartbreakWhere stories live. Discover now