CHAPTER 13

13 1 0
                                    

Chapter 13

...

LH-Pancake

"Go Ladies!" Sabay sabay ang sigaw nang kambal pati na rin nina Lola Paula at Lolo Ben-ang mga magulang ni Mommita Lannia, shocks. sosyal.

"Ang daya naman niyan Mama, paano naman kami?" Nagtatampong anas ni Tito Vinn. Lahat sila ay Mama at Papa ang tawag rito syempre with accent yon. It's like 'Mah-Mah'

Tawanan na lamang nang magkabilang grupo ang narinig ko.

Kasalukuyan kaming nasa Isla Amielgo, isa ito sa islang pag-aari nang mga Jimenez. May kalayuan rin ang byahe rito, kanina lang ay halos malula ako sa ere lulan nang private plane nila. My goodness, ang ganda pala sa itaas, di ko tuloy ma-gets kung bakit nagrereklamo pa yung mga taong iniwan raw sa ere. Oh well, buhay nila iyon.

So! Ayun nga, naglalaro kami nang volleyball ngayon kasama ang iba sa kamaganak nila, ang iba kasi ay may mga trabaho kaya hindi kompleto.

Ang team namin ay pakulo nang mga magulang ni Mommita Grace-Ladies and Gentlemen raw. Kagrupo ko sina Chinnaie, Mommita, Ang fiance ni Greg na si Agatha,Annika-Chart's cousin.

Sa kabilang grupo naman ay sina Chart,Greg,Klen-Kiel's father,Tito Vinn at si Drew-Pinsan ni Chart sa mother side.

Mas lamang ang puntos naming mga babae-22/26 ang score. Wala naman talagang hilig ang mga lalaking iyon,pinagbantaan lamang nang matanda.

"What the fuck? Ayaw ko na." Naiiyak pa si Drew habang sinasabi iyon. Mabilis naman siyang sinang ayunan ni Klen.

"Mga gago, babae lang naman ang aatupagin niyong dalawa." Malamig na saway sa kanila ni Chart habang hawak ang bola at tamad na pinapaikot ito.

They both smirked and shook their head. Mga lalaking ito talaga.

"Hey Kuya! Ang bagal mo naman!" Reklamo ni Chinnaie.

Walang anu-ano ay pinalo ni Chart ang bola, gulat pa ang lahat kaya hindi nakakilos ngunit nang makitang papunta iyon sa direksyon ko ay bahagya akong yumuko at pinatalbog ito pataas na siya namang nasalo ni Agatha at ipinalo tungo sa kabilang net, hindi iyon nasalo nang kabila dahil mga tulala.

"Damn, muntik na ko doon." Napabuga nalang ako nang hangin. Nang silipin ko sila sa kabilang net ay manghang silang nakatingin sa direksyon ko, todo ngiwi lang naman si Chart kaya nginisian ko nalang s'ya.

Sa huli ay kami pa rin ang nanalo, paano ba naman gaganahan ang mga lalaki kung ang dalawang matanda ay sa amin nakasuporta at ang mga anak naman nila ay sisigaw lang pag kami ang naka puntos, ganda ko kasi.

"That was great!" Ani nang matandang si Lola Paula, sinangayunan naman ito ni Lolo Ben.

"What great La? Ni isang beses nga ay hindi niyo kami sinuportahan." Nakangusong ani Drew.

Sabay sabay na humalakhak ang mga babae at sinimangutan lamang kami nang kabila. Maski si Chart ay parang tamad na tamad na nakikinig sa kanila.

"Hey! Where's my son?" Takang tanong ni Klen, natahimik ang lahat. Sinipat ko ang magkabilang gilid nang makitang nasa may puno ang mga bata pero wala si Kiel.

Nanakbo ang mga bata rito at agad kong sinalubong.

"Where's Kiel?" Tanong ko sa kanila.

"There" Turo ni Maine sa di kalayuang bato roon "May kausap siya Tita Gorg."

Nilingon ko si Klen at isinenyas ang kinaroroonan nang anak niya, pupuntahan niya na sana ito nang makitang nanakbo na si Kiel tungo rito.

"What are you doing there?" Tanong ni Klen sa anak.

Lifeless HeartbreakWhere stories live. Discover now