CHAPTER 4

5 2 1
                                    

Chapter 4

...

LH-Stone guy

"Be careful" Sa linyang iyon ay mabilis akong lumakad at halos takbuhin na ang pintuan palabas nang kwartong iyon.

What's wrong with me?

Pagkasara nang pinto ay tiyaka lamang ako napabuga nang malalim na hininga. I can't even notice na pinigil ko na pala ang hininga ko roon.

Ang pakiramdam nang kanyang braso sa humantad ko nang tiyan ay nagbigay nang kakaibang kilabot sa akin.
Napalunok pa ako nang ilang beses bago humakabang pabalik.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa boses na iyon. It's...kinda familiar? I don't know! fuck! Pati ang loob ko ay nagkakagulo na sa hindi malamang dahilan sa lalaking iyon.

Oh c'mon! It's just a two words! As in Two-fucking-words pero halos lahat nang ugat ko ay nabuhay nang dahil doon.

Ang OA ha! I immediately push and shoo that damn toughts away from me. Ni hindi ko nga nakita iyong mukha!

And speaking! Dahil sa sobrang pagka-occupied ko nang dahil sa lalaking iyon ay nawala sa isip ko ang dalwang de unipormeng lalaking kasama ni Mrs. Jimenez kanina, though...they're wearing their civilian outfit, they still scream an authority specially that stone guy! May gana pa akong ngisian kanina! Mukha naman siyang batong iginulong kapag napikon. Tss.

That guys..now i'm really sure that they're not just a simple bodyguards. Sa mamahaling resto na ito? Hindi naman sa minamaliit ko sila ngunit kung iisipin ay kung bodyguards sila mukhang wala naman silang balak na magpunta sa mga ganitong lugar. At isa pa, ang isang kasama nila kanina ay namukaan ko dahil sa mga magazines. Malamang ay Model ang isang iyon at sikat na sikat pa dahil madatung rin.

Seriously? Mukha pa bang simpleng bodyguards ang mga 'yon? Kanino ba kasi ako nakikipagtalo? Pambihira!

I sighed.

Nang makababa ay saktong tapos na nang oras ko kaya diniretso ko na ang dressing room kung saan naroon na sina Sab, Michelle, Mamu at iba ko pang kasabayan.

"Oh, Rodi...you look pale. Do you have a problem?" Tanong agad ni Mamu nang mahalata ang pagkamatamlay ko.

Ang isipang lilisanin ko na ang Restobar na bumuhay sa akin nang apat na taon ay nakakawalang buhay talaga.

"Mamu..." I murmured.

Pano ba?

"Mamu kasi..." Hays! Nakakahiya naman!

"Ah! Yun bang tungkol sa pag resign mo? Naku wag kanang mag-alala at naiayos ko na. Basta't kahit anong oras naman ay pupwede kang makabalik rito." I furrowed my brows and twitched my lips as i heard him uttered those.

What the fuck? Naunahan pa ako? Moment ko iyon e. Moment!

"Pano niyo nalaman?" Nakanguso kong dagdag.

"Hay naku! Nagpadala na iyong pagtatrabahuhan mo nang sulat rito at sinabi ang biglaang desisyon. Ayos lang iyon! Ano ka ba naman? Basta ha! Magiingat ka at iningatan kita nang husto rito! Naku talaga.." Madamdaming drama nang bakla.

"Mamu grabe pinapaiyak mo ako..." pagdadrama ko rin sabay yakap rito at mabilis naman itong nagpumiglas ngunit hindi nakawala nang husto dahil nakipagkulitan na rin sina Sab at ang mga alaga ni Mamu.

He really hates hugging girls or something na madramang tingnan pero kung gwapo ay nako...baka siya pa ang sumugod.

Kaya kapag kami ay magaasaran ganoon ang ginagawa naming pangaasar sakanya. I'll definitely miss this kind of bonding, alam kong bibihira na lamang akong makakadalaw man lang rito dahil stay in ako roon. Tuwing Linggo naman ang off ko, iyon ay nakadepende kung gugustuhin ko pero s'yempre may bukod na bayad kung pati ang araw nang linggo ay ipag-tatrabaho ko.

Lifeless HeartbreakWhere stories live. Discover now