Hindi ko na alam kung anong day of Quarantine na ba ito
Pero ano bang bago?
Ganun padin naman,malungkot ako.
Alam ko sa sarili kong hindi dapat nakadepende sa ibang tao ang saya, ngunit pano ba?... pano pa?... Pano pa sisigla kung yung kinakapitan kong sanga ay bali na.
Hinahanap ko parati yung ako dati na hindi ko na mabalik dahil sa pesteng mga nangyayari.
Alam ko... alam kong mababaw ang lungkot ko kumpara sa lungkot nung iba, anong klaseng lungkot lang ba ang aking nadarama? Miski ako hindi maipaliwanag itong klase ng kalungkutang nagaalab na umaabot hanggang alapaap.
Ano na ngayon? Ano na ang gagawin ko? Iiyak nalang ulit ba?
Sariling mata'y alam kong hirap na, kaya pasensya... pasensya sa dating ako na di ko mabalik, nakadepende ang saya ko sa mga taong sakin nakapaligid... nakakawala ng sabik mabuhay. Haayy
Kausap lang ba ang aking kailangan? o isang taong masasabihan ng lahat ng tumatakbo sa aking isipan?
Ang daming tanong na nag-uunahan at gustong masagutan ngunit di ko alam kung pano... pano pa ako babangon kung paulit-ulit ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Walang Pamagat
Ngẫu nhiênIto lang yung random na sulating naiisip ko sa normal na araw. "Walang Pamagat" ang naisip kong pamagat dito sa libro na aking sinusulat, ang librong ito ay naglalaman ng Malayang tula. Maraming salamat sa pagsuporta. Date Started: April 30,2020