Paasa

81 14 7
                                    

"Kung di mo ako gusto sana di ka nagbigay ng motibo."

Mga katagang gusto kong marinig mong manggagaling sa bibig ko na sasampal sa buo mong pagkatao, hanggang sa matauhan kang hinayupak ka! PAASA!

Naglalakad sa malawak na daanan ang isang binibining nagngangalang "Ako"... Sa laki ng daanang ito ako pa ang nabangga mo?! Bilang prinsesang palaban,sa pagkatumba ko'y agad na tumayo para ikaw ay kwelyuhan. "Ang yabang mo ah!" Sambit ng nanggagalaiiting bibig ng dalagang puno ng inis ang dib-dib.
Sa mata mo ay saglit napatingin, animoy puso ko ay agad naangkin.

Mahihiya ang love at first sight sa love at first bump natin...

Nakakatuwang balikan ang unang beses na mukha mo'y nasilayan, ngunit nakakainis na aking nasaksihan pagpapaasa mo sakin ng lubusan.

Kaibigan, yan ang naging turingan habang tumatagal ang samahan unti-unti mo na pala akong binibitag sa mga patibong mong animal ka!

Ang mga tawanang walang kasing lakas, yung closeness nating akala ko hindi magwawakas... Lahat ng ito, akala ko mageend sa "Tayo" yun pala sakin wala kang gusto, akala ko lahat ng pagpapakilig mo may ibig sabihin... Akala ko sa akin ika'y may pagtingin rin,akala ko totoo ang galit mo sa tuwing late ako sa pagkain... yun pala akala ko lang talaga.

Kung nalaman ko lang ng mas maaga hindi sana ganto ang sakit, kung una palang sinabi mong wala talagang pag asa, sana lahat sa isip ko'y tumatak ng maaga, kaso nagbigay ka ng motibo.. patuloy mong tinatak sa isip kong pwedeng maging tayo.

Asang-asa ang dalaga.. nagmukha rin tanga't ilusyunada, hayy... Naaawa ako sa sarili ko.. kung di mo ako ginanito sana ayos parin ang puso ko.

kaya't ang gusto ko lang sabihin sayo'y , kung di mo ako gusto sana hindi ka nagbigay ng motibo.

Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon