bakit laging sa una lang masaya?

18 6 1
                                    

Ito ay isa rin sa mga palaisipang tanong na karamihan sa atin nahihirapang sagutan.
Bakit nasa umpisa lang ang saya? Bakit nasa harap ang saya at sakit sa dulo?
Bakit lahat ng pangako nung umpisa napako nung nasa huli na?

Tututok ako sa mga mag karelasyon, malanding ugnayan o Kung ano mang tawag sa mag Shota/Jowa.
Nasa umpisa ang saya dahil kinikilala nyo pa ang isa't isa...
Kumbaga, pareho pa kayong naiintriga sa maliliit na detalye sa buhay nyo.
Nananabik pang pag-usapan kung kailan ang mga kaarawan at kung anong palagi nyong pinagkakaabalahan.
Lahat yan nasa umpisa.

Normal at masaya hanggang sa parang may mali na...
Yung pangakong laging pasasayahin ka nya naglaho't nawala sa eksena...
"Bakit?? May mahal na ba siyang iba?"
Ito agad ang karaniwang papasok sa kokote nyo hindi ba??

Pero alam nyo ba kung bakit naging ganito kayo??
Yung isa nangako,yung isa sobrang umasa...
Isang kamaliang maraming tao ang gumagawa pa.
Mayroon pang isa,
Ang pagmamahal ng hindi balanse, Halimbawa mas nagmamahal si babae sa relasyon.
Yung saya tuloy na akala nya sa lalaki nya lang patuloy na matatamasa hindi nya nakamtan,
Dahil yung pagmamahal nya para sa lalaki ay labis nyang dinamihan!

Ngunit, alam nyo ba na ang lahat ng ito ay parang palarong dalawa kayo ang pambato?
Dapat habang tumatagal ang laban nyo tumatatag kayo,
Marami ang nasa kalagitnaan pa lamang sumusuko na ng dahil sa pagod,
Pero kayo nararapat na maabot niyo ang tagumpay sa palarong sabay niyong pinagpagura't pinaghirapan.

Parang saya,
Hindi tiyak kung hanggang dulo parehong niyo itong matatamasa.
Subalit hindi ba napakawalang kwenta kung nasa gitna pa lamang ay susuko na?
Tunay na pagmamahalan ay minsan diyan malalaman,
Nararapat na sabay nyong malagpasan kahit ang napakalalang kalungkutan,
Para muling maramdaman ang nag-aalab na pagmamahalan.

______________________________________
Author's Note:

Maraming Salamat sa patuloy na nagbabasa.

Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon