Pangarap

39 10 1
                                    

"Pangarap mo o ako?"

Eto ang katagang iniwan niya sa akin bago sya lumakad at mawala sa aking paningin... Hindi ko alam kung anong dapat sabihin,hindi ko alam ang aking dapat gawin, mahirap pumili sa dalawa dahil parehas na gusto ko itong matamasa, gusto kong makamit ang pangarap kong siya ang kasama.

Mahal ko siya ngunit mas pinili kong pagpatuloy ang Pangarap ko, tama... Ang sinagot ko sa tanong nya ay pangarap, labis siyang nasaktan... Lumuhod pa sa aking harap,hindi nya matanggap na hindi sya ang pinili ko sa katanungang napakiharap.

Gusto ko matupad ang pangarap ko kasama sya, yung parehas kaming sasaya... Ngunit bakit napunta sa puntong ganito? Pamilya... Mas gusto nila na pangarap ko muna ang unahin kaysa siya, nasaktan din ako pero paano? Paano ang pamilyang umaasa sa pangarap ko. Walang kwenta lang kasi mas gusto nyang sa pansin, sya ang pagtuunan ko.

Hindi niya naisip na parte siya ng pangarap ko, mas pinagtuunan nya ng pansin kung siya ba ang pipiliin ko...

'Alam ko napakahirap mamili pero mas pinili kong hindi na manatili at pagpatuloy itong pinanghahawakan kong pangarap, pagdating ng panahon ipagdadasal kong ikaw muling makasama't mahanap.'

Masakit na bigla mo nalang palalayain ang taong nagbigay ng kulay sa iyong buhay. Isa itong desisyon na babago sa iyong mundo, nasanay kang kasama siya pero mas pinili mong makamit ang sarili mong ligaya.

"Pasensya na sinta, uunahin ko'y pangarap muna... pangako babalikan kita."

"Babalikan kita...."

____________
Note:
Umabot ka din ba sa puntong pinapili ka sa dalawang importante sa iyong buhay?

ᜋᜇᜋᜒᜅ᜔ ᜐᜎᜋᜆ᜔ ᜐ ᜉᜄ᜔ᜊᜊᜐ᜶ ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜓ ᜃᜌᜓ!
Maraming salamat sa pagbabasa. Mahal ko kayo!

Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon