Tala (Notes)

32 6 1
                                    

Tila kay hirap gumawa ng tula,
Ang hirap magisip kung anong pwedeng gawing paksa,
Nagugulo ang isip ko,
Pano ba ako makakalikha? (Normal na Tula)

Itong tula ay nagawa ko na ang paksa ay wala,
Blankong pahina kung kung mamarapatin,
Napakahirap kung walang emosyon na nasa puso ng manunulat,
Kaya itong saknong na nagawa, ay isang malayang tula.

Pero sa araw na ito gusto ko mang magkwento ay kaso ayaw gumana ng utak ko... Siguro di ako inspired? O sadyang natatanga lang ako. Nakita mo? walang mga taludtod ang nandirito pero kung titignan mo... Isang tulang pasalaysay na pala ito.

Pero maiba tayo... ikaw, ikaw na nagbabasa,
Katulad ko, alam kong ika'y may mataas na pangarap rin,
Gusto ko lang sana sabihin,
Na napakahusay mo at alam kong makakaya mo ang lahat dahil ikaw ay napakagaling. (Oda)

Mabalik tayo sa kaninang pinupunto,kung mamamatay ako...
Paano kaya kung mananatiling blankong emosyon padin ang nakapaloob sa sarili ko, nako! Paano na ako lilikha ng tula kung magpapatuloy na akong ganito hanggang pagtanda? Paano na uli ako lilikha ng tula? (Elehiya)

Kabuuan ng tula ay kakaiba kumpara sa naunang mga naipaksa,
Nailagay ko lamang ito para malaman kung paano nag-iiba iba ang mga nagagawa kong tula,
Hindi rin ako sigurado kung paano ko isusulat ang mga linya nandirito, ito lang ang hula na nasa isip ko. Kung may alam kayong mas wasto pa sa paraan na ginawa ko sana ako'y masabihan niyo. Salamat!♥️

_________
Huwag niyo na pansinin ang pinupunto ko rito... Wala talaga akong maisip hahaha.

Walang update na maayos ngayon, so nilagay ko nalang kung paano ko sinasanay sarili ko sa paglikha ng ibat-ibang tula, at saka ang kabuuan kung iyong mamarapatin ay isang buong Tala na ng Manunulat para sa inyo.

ᜐᜎᜋᜆ᜔
Salamat

Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon