Pagod

59 12 6
                                    

"hindi ko na kayang maging malakas para sayo, kasi pagod nadin ako"

Eto yung kadalasan sa pisikal, emosyonal at mental nararamdaman.
Pagod, sa estado ko pagod na pagod na ako, hindi ko na alam kung pahinga lang ba ang kailangan ko o ano, pero... pagod na ako.

Mahal, sana malaman mong may nararamdaman din ako... Araw-araw kong iniisip ang lagay mo ngunit lagay ko din ba'y iniisip mo? Alam ko... alam kong pinili kong lumagay sa ganitong estado, pinili kong ako ang makapiling mo, pero di ko inaakalang mangyari ang lahat ng ito.

Oo, nababaliw na ako, kakaisip , kakaiyak... bakit ba ako pumasok sa relasyong di ko naman kayang panghawakan ng pang matagalan? Actually, matindi ang kapit ng kamay ko sayo... sadyang hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na dapat ipinadadama mo.

Tama ka nga... nagbabago ang tao, kasama ito ng proseso, pero alam mo ba kung anong hindi nagbago? Yung pagmamahal ko para sayo. Pero tama ang payo ng mga nakakausap ko... Kung totoong tayo hanggang dulo mag bibigay ng daan ang tadhana para tayo'y muling magkita. Sa ngayon pahinga muna siguro "tayo" pagod kana rin siguro katulad ko... Alam kong deserve nating dalawa to.

Pasensya kung sa pag-iibigan nating dalawa ako'y sumuko na... Palagi mong isipin kung gaano kita minahal, at kahit kailan sayo ko lang gusto makasal... Napaka selfish ko, nagdesisyon kaagad ako ng hindi tinatanong kung anong nararamdaman mo... pero sana maintindihan mo ako.

Sana kahit isang beses naisip mo, paano kung yung pumapawi ng pagod mo pagod na din sayo?

Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon