Capítulo 38

304 16 3
                                    

Enjoy

Marahan kong idinilat ang aking mga mata ng makarinig ako ng malakas na tugtog sa labas ng aking kwarto. Ang aga aga tapos ang lakas mag patugtog! Kumunot ang noo ko ng malamang kanta ito sa isang anime show. 

Anime? Sino namang manonood ng ganoon sa condo ko? 

Nilibot ko ang paningin ko sa kapaligiran ko. White ceiling. Black curtains with gray walls. The interior of this room screams masculinity rather than being feminine. Nanlaki ang mga mata ko ng malamang wala ako sa aking kwarto. 

Nanginginig ang kamay kong inangat ang gamit kong comforter para tignan ang sarili. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang ito pa rin ang suot ko mula pa kagabi. Buti nalang at hindi ko naisuko ang kabataan sa kung sino mang lalaki kagabi. 

Dahan dahan akong tumayo ngunit agad ding nakaramdam ng pag kahilo kaya umupo ulit ako at ininom ang isang baso ng tubig sa may side table. 

Where the hell am I? Where are my friends? Paano ako napunta dito?

Huwag naman sanang pag aari ito ng isang drug dealer o kaya ay kidnapper! Pero pwedeng pag isipan ko kung pogi. Charot! 

Kumunot ang noo ko ng makita ang likod ng pamilyar na lalaki.

Matangkad ito at magulo ang straight na buhok.

Naalala ko si Nico sa kaniya. Hindi lang kay Milcom, takte! Lahat nalang ba ng makikita kong lalaki ay maaalala ko si Nico?! Kainis! 

Nakatitig ito sa kaniyang smart TV habang patuloy na tumutugtog ang anime opening na hindi ko naman alam. Palagay ko ay sikat ito ngayon. 

"Don't like anime?" He asked while turning his gaze on me. Napansin ko ang nunal sa gilid ng mata niya. Nakadagdag ito sa kaniyang hitsura. Alam ko na! Siya yung crush ni Hirah na friend ni Nico! 

"Hindi eh, pero crush ko noon si Naruto Shippuden, ang gwapo niya talaga!" pag amin ko. Syempre may alam naman ako sa anime no'!Tumawa lang ito at umiling. 

"Bagay nga kayo ni Nico. May hangin ang utak," pag tawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. 

Pumunta siya sa kusina niya at may kinuha sa ref niya. Nasa condo niya pala ako. Infairness ang laki! 

"Paano ako napunta dito? Sila Hirah?" I asked. Tumigil ito sa kaniyang ginagawa at tumingin sa akin ng nanlalaki ang mga mata. 

"What? Don't tell me that you don't remember what we did last night!?" He said in disbelief.

 What the frick! Anong ginawa namin kagabi!? Pinakiramdam ko ang sarili ko. Hindi naman masakit ang kiki ko. So safe naman noh?Teka nga bakit ba pag kababae ko kaagad ang pinakiramdaman ko!? Wala naman siyang sinabi tungkol dito! 

 "Ha? A-anong ginawa natin kagabi?" I questioned. Bumuntong hininga siya at ngumuso. 

"We had sex last night, then you insisted that we should film it then send it to your gc with your friends."Laglag ang panga ko sa sinabi niya. 

Oh my god! Oh my friking god! Ano nalang ang sasabihin sa akin nila Anica, Hirah at Rianne! Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Nanlambot ang tuhod kaya napaupo ako sa sahig nang wala sa oras. Humihikbi na ako ng tumingin ako kay Khalil na nasa harap ko. He is biting the inside of his cheek, trying to surpass his laughter while starring at me. 

"What's so funny?! Akala mo ba masaya ako na may nangyari sa akin? Hindi mo man lang ba naisip na lasing ako tapos pag didiskitahan mo ako?! Kaibigan ka pa man din ni Nico pero inahas mo ako! Ahas ka! Tangina mo! Ahas!" Sigaw ko habang hinihingal. 

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon