Capítulo 35

372 19 8
                                    

Official

Hindi ako mag papa apekto sa sinabi sa akin ni Sasha. Sinabi din ni Nico na huwag nalang pansinin si Sasha dahil wala naman daw itong magandang dulot sa akin. Sabagay, noon pa man ay wala na itong ginawa kundi makipag kumpetensiya sa akin. Tapos magagalit siya sa akin pag sa tingin niya ay ako ang panalo.  

Sa totoo lang ay gusto ng puntahan ni Nico si Sasha para pag sabihan ngunit pinigilan ko  nalang dahil hindi pa maganda ang relasyon nilang dalawa. Kilala ko ang pinsan ko, hindi iyon mahilig sumunod sa tao. Parang si Nico...

Kung tutuusin, may pag kapareho ang ugali nilang dalawa. Mula sa hitsura, mukha silang mayaman, sa ugali, parehong hindi nag papa ibabaw at pareho rin silang makasarili. Makasarili sa mabuting paraan. 

Bagay na bagay talaga sila. Maganda at gwapo. Samantalang ako, singer lang. Mang aawit lang. Sa entablado lang ako gumaganda. 

Hindi ko mapigilang hindi malungkot sa mga iniisip ko. Bumuntong hininga ako. What did I do to deserve this?

Mabigat nanaman ang puso ko dahil sa sinabi ni Sasha.

Kailan ba ako masasanay sa mga masasakit na salita? Bakit may mga taong nakakayang tanggapin yung mga masasakit na salita sa kanila ng hindi umiiyak? Samantalang ako ay tutulo na ang luha matapos masabihan ng kapintasan na hindi naman totoo.

Why am I so sensitive!

Pumasok na ako sa unit ko. Naramdaman ko si Nico na sumunod sa akin. Niyakap niya ako mula sa likod. Mabigat pa rin ang damdamin ko kaya inalis ko ang yakap niya.

"Oh c'mon! I've been through hell today just for you. Isang yakap lang please? Love." Nico pleaded. Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi niya.

Oo nga pala at nasampal siya ni Sasha sa pisngi at kinailangan niya pang makipag away duon sa tatlong kaibigan ni Sasha para sa akin.

I don't think that Nico deserve the cold treatment. Why am I being cold anyway? Maybe it is because of my overthinking.

Dumiretso ako sa aking kwarto ng hindi siya pinapansin. I am tired. Sunod sunod itong mga nangyari at para akong walang pahinga. 

Lumingon ako sa aking likuran ng makitang nakasunod sa akin si Nico. Nag hahanap ng lambing ang mga mata ni Nico. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin. 

"Mag pahinga ka na sa unit mo Nico. Gabi na.." malamig kong sabi.

I am mentally and physically exhausted. I just want to rest. Masiyado akong tinamaan sa sinabi ni Sasha kanina sa tawag.

Nico sighed. "Did I do something wrong again? If so, I'm sorry. Gusto sana kitang suyuin kaso napagod ako ngayong araw, although I still have a little energy left to pursue you but I know you are tired." 

Nico smiled at me. The kind of smile that melts my heart and breaks it at the same time. Hindi umabot sa kaniyang mga mata ang kaniyang ngiti. 

Come to think of it, it is because of me, why Nico is tired today. It is because of me, why he had to be slapped in the face and be in a brawl with three people at once. Nico actually did a lot for me. 

He did a lot for his part in our relationship. 

Nico has shown me that he truly loves me and care for me by the way he acts. Acts are far better than words, they say. This is really true because I am experiencing it right now, with Nico. 

Aalis na sana si Nico ng kinapitan ko ang braso niya. Tumingin siya sa akin ng may inaantok na mga mata.

"Stay, please." 

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon