Capítulo 42

307 17 3
                                    

Sergeant 

"Anong plano?" tanong ko.

Umupo ako sa aking kama. Umupo rin si Ishmael sa harap ko. Tumahimik ito saglit na para bang pinag isipan niyang mabuti ang kaniyang mga sasabihin. I wonder what is he thinking? 

Nakita ko rin sa mga mata ni Ishmael na hindi siya masamang tao. Mula ng niligtas niya ako sa hayop niyang ama ay gumaan na ang loob ko sa kaniya. Alam kong mabuti siya. Si Ramil, na ang kaniyang ama lang ang masamang tao. 

"You will pretend that you agreed on marrying me." he said. Kumunot ang noo ko. 

"Pretend?" 

"Yes, pretend, Ms. Angel." he said once again and looked at me with serious eyes. 

"Then what will happen if I pretend on marrying you?"

"Our wedding will be held on April 30, at the Makiling forest. Illegal ang pag punta natin doon pero may lupa si Ramil doon. Doon idadaos ang kasalan natin." 

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tanging liwanag na galing sa buwan ngayong gabi ang nag sisilbing ilaw sa loob ng aking kwarto. Paano naman ako makakatakas kung ikakasal na kami sa April 30? Tumingin ako sa kaniya ng mag salita siya ulit. 

"Don't worry Ms. Angel. The authorities are already after us. I sided with them. Pag dating natin sa Makiling forest, agad ding dadating ang mga awtoridad. Sila na ang bahalang tumapos sa grupo ni Ramil." 

Tumahimik ako para mag isip. Gusto ko ang plano niya kaso hindi ko mapigilang isipin na may mga taong mawawalan ng buhay dahil tiyak kong mag kakaroon ng palitan ng bala dito. 

"Sigurado ka na ba sa planong iyan? Mamaya ay niloloko mo lang pala ako..." sabi ko. He chuckled.

"Nico will be there too. He is my friend so I sided with them, this time. Actually, I was the one who helped Nico kidnapped you four years ago, during your concert." 

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Oh my god! Hindi ito sinabi ni Nico sa akin! Oh my god! 

"W-What?!" 

"Sinabi ko lang naman kay Nico yung lugar kung saan wala ang mga hukbo ni Ramil kaya ayon, nakuha ka niya ng walang kahirap hirap." 

Nakatitig lang ako sa kaniya ng nanlalaki ang mga mata. Legit ba? Tinulungan ako ng anak ni Ramil?

"Nico is a nice guy. A reliable one. I owe him big. Tsaka I am against Ramil's plans. I don't want his plan to create a big terrorist group here in Luzon. Gusto niyang mamuno ng bansa. Magagawa niya lamang ito kapag lumaki na ng sobra ang grupo niya. I pretended to be a part of it."

Napatango ako sa sinabi niya. Ngayon ay alam ko ng hindi siya masamang tao. Buti nalang talaga ay kahit hindi maganda ang mga nangyayari sa buhay ko, may mga tao pa ring handang tumulong para maka ahon ako sa hirap ng buhay. Kumalma na ako ng mag sink in sa akin ang plano niya. 

Isang linggo pa bago mag abril. One week pa ang titiisin ko para makalaya sa loob ng mansion na ito. 

"Ano palang mangyayari sayo pag namatay si Ramil?"  I asked out of curiosity. He smiled at me proudly.

"Lahat ng ari arian niya ay mapupunta sa akin." 

Ilang araw pa ang dumaos at umakto akong sumusunod sa mga gusto ni Ishmael. Nag tataka nga si Ramil kung bakit bigla nalang akong pumayag na pakasalan ang anak niya. Akala niya siguro ay pumapayag na talaga ako. Ang galing ko kayang umarte! 

Mas lalo kong nakilala si Ishamel sa loob ng ilang araw. Paano ba naman, lagi kaming nag uusap tungkol sa iba't ibang bagay. Para sa akin, kaibigan ko na si Ishmael. Sayang nga lang at sa ganitong paraan pa kami nag kakilala at sa ganitong paraan din kami mag tatapos. I smiled at myself bitterly.

"Okay ka lang?" Ishmael asked when he saw me frowned. 

"Saan na ang punta mo pag katapos nitong lahat?" 

Tumingin ako sa malawak na lupaing sakop ng ama ni Ishmael. Banayad ang hangin at makulimlim ang kalangitan. Tamang klima para mag pahangin kami sa labas. 

"Mag tatago muna ako. Gusto ko ng panibagong buhay. Malayo sa lugar na kinalakihan ko. Walang baril at walang patayan." 

I nodded to show him my response. I felt sad because even when he is young, he is already mastering how to shoot a person. How to use a knife to kill someone. I can't help but sympathize Ishmael's childhood. 

"Sorry about your childhood..." 

"It's fine. If it's meant to be then it will happen." 

Hindi na ako nilapitan ni Ramil ng makitang maayos ang relasyon namin ni Ishmael. Mukhang napaniwala ko talaga siya sa mga acting skills ko. Ganun pa man ay hindi nakalagpas sa akin ang mga tingin ng kawal niya na nag dududa sa mga tinatrato ko. Wala naman silang magagawa kundi manood nalang at humawak ng baril. 

Dumaan pa ang ilang araw at kinabukasan na ang kasal ko. Kinakabahan ako habang sinusukat ko ang ibinigay sa akin na wedding dress ng katulong nila Ishmael. Simpleng white dress lang ito na nababalutan ng bulaklak. Actually, mukha siyang kurtina kung ako lang ang mag sasabi. 

Hinubad ko na ito at umupo sa aking kama. Maaga daw akong gigising. Five am palang ng umaga ay aalis na daw kami papunta sa Makiling forest sa Laguna. Nandoon daw ang lahat ng hukbo ni Ramil. 

Mas lalo akong kinabahan dahil alam kong mag babarilan talaga bukas! Nangangatog ang kamay ko at para akong nasusuka na natatae. Hindi ako makatulog! 

Miss na miss ko na si Nico! Sana ay walang mangyaring masama sa kaniya! Sana ay okay lang siya at hindi niya masiyadong iniinda ang pag kawala ko. Mag kikita rin tayo Nico! I promise you that. I really do. 

I love you Nico. 

Mahigit isang linggo na rin akong nawawala. Kamusta na kaya sila? Wala rin naman akong phone para makapag browse ng social media ko. 

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si Ishmael at may hawak na ipad. Inabot niya sa akin ang ipad niya. Nanlaki ang mga mata ko ng nakitang trending ako. 

"One week ka nang trending sa buong bansa. See? This is why Ramil wants to take you as his wife. You are very famous and influential." 

Nag browse pa ako ng mga article at agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang pangalan ni Nico sa headline. 

"Former Sergeant of the Special forces of the Philippines, Nicole Guerrero, is willing to give 20 Million Php, to whoever states the whereabouts of the poor artist, Angel Devera." 


--

Anfrelsis

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon