Chapter 18

1.5K 40 11
                                    


BRYAN'S POV

YABAG ng sapatos na kumikiskis sa aspaltong kalsada,  mga busina ng nagmamadaling sasakyan, sigaw ng mga naglalako  at mga buntong hininga ang tanging ingay na namamagitan sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay may pader na humaharang sa pagitan namin. kahit sa totoo lang ay kanina pa nanunuyo ang aking lalamunan sa kagustuhang magsalita. Pucha daig ko pa ang babaeng first year kung ma torete.

Panakaw lang ang mga sulyap sa gilid ng aking mata. sapat na para makita ang inosente nyang mukha na binagayan ng singkit na mata na may mapulang labi.
Bahagya syang tumaba kaya namilog ang pisngi nya na dumadagdag sa kanyang appeal. ano kayang pakiramdam kung pisilin ko ang mga mapulang pisngi na yun?
Napangiti ako sa naisip ko.

Napako ang atensyon ko sa kanya wala sa malay na napatitig sa kanyang mga mata. hindi ko inasahan na napatingin din sya akin tumigil ang paghakbang nya ganun din ang aking mga paa.

"B–akit?" Medyo sumabit pa sa lalamunan ko ang tanong na yun.

Napakamot sya sa noo at nautal.
"Ano kasi eh–wala nakalimutan ko na nevermind."

Sya ang unang nagbaba ng nahihiyang tingin at nag madali sa pag lalakad.

Nakangisi akong sumunod na nakapasok ang kamay sa magkabilang bulsa. Alam na alam ko ang mga tingin na yun. Yung parang may gustong sabihin tas biglang iiwas. Ilang beses ko na yung nakita sa mga babaeng nahumaling sa kagwapuhan ko.
Huli ka na Jecko! Kung kaylangan ko mag simula sa umpisa gagawin ko mapalapit lang ulit sayo.

"Kamusta ka na bat parang badtrip ka?"
Tanong ko sa kanya ng mahabol ko sya sa paglalakad.

Tumaas ang kilay nya
"Badtrip, paano mo nasabing badtrip ako?"

"Kakatapos ko lang umihi ng makasalubong kita kanina galing dun sa Room ng baklang teacher.
na nakasimangot nakayuko pa hindi mo napansin sa likuran mo ako. Hanggang palabas ng campus sa likod mo lang ako kaya naisipan kung sitsitan ka. Pag harap mo.. nagpigil akong matawa na sya namang kinalukot ng noo nya. "Anong nakakatawa anong pagharap ko?
Yung mukha mo kasi parang nalukot na siopao." Nakingisi kung sagot.

"Nang aasar ka ba!" Mahina nyang kinurot ang tagiliran ko.

"Araykup!"umilag ako

"Masama lang ang pakiramdam ko kanina kaya wala ako sa mood....

Hmmm bakit Tinawag mong bakla si Sir James."

"Bakla naman talaga yun nagtitigas tigasan lang!"

Paano mo nalaman. baka nagkakamali ka lang"

"Malagkit ang mga titig nya sa tuwing nagkakasalubong kami o kahit sa klase. Minsan pa nakasabay ko sya sa cubicle umihi huling huli ko ang lintik na panakaw  naninilip  sa aking harapan. Ngumiti pa eto na parang nangaakit. nagmadali akong lumabas ng Cr noon. kaya Jecko mag iingat ka sa kanya o mas mabuting iwasan mo ang Teacher na yan hindi sya basta-basta. pakiramdam ko may tinatago sya."

"Oh ano naman kung totoo mang bakla sya sigurado naman akong hindi ako ang mga tipo nya. hindi ako brusko at gwapo na kagaya mo kaya walang mangyayari sa akin. at
Kung may tinatago man sya labas na ako doon."

"Kung Sabagay hindi ko masisi ang Sir James na yan gwapo talaga ako gaya ng sabi mo malakas ang appeal at brusko kaya
Naakit ang mga bakla at chix sa..Hoy Sandali hintay!" Hindi manlang ako natapos sa aking linya. Iniwan na ako ni Jecko at mabilis na lumakad sa unahan.

Pinagmamasdan namin ang mga batang nagtatakbuhan at mga estudyanteng nagdadate sa di kalayuan. nakaupo sa sementong upuan habang naliliman ng puno at sinasamyo ang preskong hangin dito sa parke. nakasandal ang magkabilang kung kamay sa taas ng upuan nakade kwatro habang sya umiinom ng juice.

Inlab With The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon