Chapter 4

3.3K 56 0
                                    

''naramdaman ko na may bagay na tumusok sa aking likod na sobrang sakit.. at bago ako tuluyang bumigay  isang malakas na sigaw ang aking narinig"..

BRYAN!!!!!!!!

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag at sinubukan kong buksan ang aking mga mata  na parang galing sa matagal na pagkakapikit..medyo nahihilo ako at lutang ang aking isip.. then I found my self sa loob ng isang puting kwarto nakahiga sa isang white bed na pang isang tao lang suot ang damit na karaniwan na sa isang pasyente. may bandage ang aking kamay at ganun din sa aking tiyan at may naka saksak na dextrose sa aking pulso .

nilibot ko pa ang aking paningin at nakita kong may lalaking nakaupong natutulog sa side ng bed nakaunan sya sa dalawa nyang kamay..kung hindi ako nag kakamali si Enzo yun binabantayan ako .. sinubukan kong igalaw ang aking kamay upang gisingin sya..

Enzo....mahina kung sabi sa kanya habang marahan syang tinatapik..agad naman syang  nagising

Jecko? Jecko!!!
Gising ka na!!?
wait lang tatawag ako ng Doctor at sila Tita sa labas..magkahalong gulat at tuwa na reaksyon ni Enzo.

Matapos ang ilang test maayos na naman daw ang aking lagay at magpahinga nalang muna payo ng doctor. doon ko din nalaman na tatlong araw na pala akong tulog ..dahil natagpuan akong bugbug sarado at may mababaw na saksak sa tiyan.. medyo napuruhan daw ako sa Ulo..pilit kung inalala ang ang mga nangyari at doon nga tila kidlat na nagbalik ang mga eksena sa aking isipan..

Flashback:

Bago lumabas si Bryan ng room galit nyang sinuntok ang pintuan..

Ramdam ko at alam ko nagseselos sya..ayaw ko man mag assume na ganun nga pero kitang kita ko sa mga mata nya.
Yung mga tingin nya na nagsasabing "Bakit mo ako pinagpalit sa iba"nakaka frustrate isipin na bakit sya nagkakaganun eh wala namang matatawag na "kami".  the moment na lumabas sya ng room.. eh hindi na ako mapakali. parang gusto kung sundan si Bryan..Hindi ko na din napansin si Enzo that time kasi yung utak lutang na sa pag aalala kay Bryan..

Hoyyyy bro tulala ka na dyan!!may sakit ka ba?nag aalalang sabi ni Enzo habang sinisipat ang aking Noo napansin nya rin ang pag babago ng mood ko..dahil kani kanina lang eh nagtatawanan pa kami..

Wala ka namang sakit ah???oyyyy alam ko na iniisip nya yung yakapan moment ayyieh gusto mo ulitin natin baby? ... pabirong sabi ni Enzo habang kinikiliti ako sa tagiliran..

Ha?Hindi Sira!?Eh Ah... Natatae lang ako Bro..gusto ko mag Cr..palusot ko sa kanya pero ang totoo hahanapin ko si Bryan iba na talaga ang kutob ko..

Ahh cge Bro lalabas na talaga pag mama dali kung arte habang nakahawak pa sa pwet at naka cross pa ang paa. ..

Bro Sandali!!!Samahan na kita!!!sigaw na Enzo pero hindi ko sya pinansin..

Nilibot ko ang buong campus at lahat ng pwedeng tambayan ni Bryan sa loob ng School ngunit walang bakas kahit anino nya..tanghali na at malapit na ang lunch break.. napapagod na din ako. saan kaya pwedeng mag suot yung ungas na yun?may pa walk out walk out pa kasing nalalaman..haist! ano nga ba ang ginagawa ng astig na Lalake pag heart broken?hnmmm..Alam na!..kaya lumabas ako ng Campus at nanggalugad ng mga sugalan at billiaran at mga resto bars.ngunit walang Bryan akong nadatnan..tang ina ka Bryan ..saan ka na!!!

Pagod na ako at gutom  ng mga oras na iyon idagdag pa ang init dahil mag aalas dos na ng hapon para na akong Hihimatayin... ganito nga siguro pag mahal mo wala kang hindi kayang gawin.  biruin mo nakapag cutting  classes ako for the first time dahil kay Bryan huta..

Inlab With The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon