Chapter 20

2.4K 52 73
                                    

Third Person POV

Sumasabay sa lamig ng aircon ang amoy ng matapang na kape at lumang papel. Nagkalat ang mga test paper sa kanyang harapan. Naka sandal sa upuan abala sya sa pag scroll ng mga larawan ng lalaki sa dating app, ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking dahilan ng kanyang obsisyon. walang emosyon ang lalaki hindi sya binati o nagsalita basta nalang pumasok at tumayo sa harap ng kanyang mesa.

"Lorenzo!" Impit na Tili nya na puno ng excitement.
"God! Alam kung hindi mo ako matitiis."
Tumayo sya sa pagkakaupo naka bukas ang magkabilang kamay upang yakapin ang huli. Ngunit umiwas si Lorenzo. disgust riddled on his face, tinaboy pa sya na parang may nakakahawang sakit.

"T*ng ina! wag na wag mo akong hahawakan! Nandidiri ako sayo. Ang lakas din ng loob mo para sundan ako dito. Hindi pa ba sapat na nanahimik ako sa kabila ng kahayupang ginawa mo sa mga kaibigan ko? ano pa bang gusto mo ha!" Singhal ni Enzo lumalabas na ang litid sa leeg sobrang galit at kung nakakasugat lang ang tingin kanina pa sya duguan sa talim ng titig ni Lorenzo sa kanya.

Hahakbang pa dapat sya para lumapit pero tinaboy lang sya ulit ng huli.

"Ikaw! Enzo ikaw ang gusto ko ang kaylangan ko. and I'm willing to do everything maging akin kalang. handa akong pumatay at mamatay just to win you back!"

Enzo laughed sarcastically shaking his in head in disbelief.
"Saan nanaman galing ang mga ilusyon mo? Hell kaylanman hindi ako naging sayo! You forced yourself to me. Pinagbantaan mo ako pati mga kaibigan ko dinamay mo. You ruined my life at ngayon andito ka nanaman para ano ha?! Enzo point his finger with gnashing teeth. Hayop ka pinayagan kitang gamitin at babuyin ang katawan ko kapalit ng Kaligtasan ng mga kaibigan ko. Pero anong ginawa mo? Pinatay mo parin sila, sa harap ko pa  Demonyo ka Jefferson. Napakasama mo!"
Tuluyan ng dumaloy ang luha sa kanyang pisngi sa tindi ng poot na sumasabog sa kanyang dibdib.

Sumalampak sa sahig si Jefferson at nakaupong sinabutan ang sarili nasisigaw nagwawala.

"Aggggggh! I-m sorry nagawa ko lang yun dahil sobrang mahal kita!" walang maramdamang awa si Lorenzo sa kadramahan sa harap nya. mas gusto nyang matawa ngunit nangingibawbaw ang galit sa loob nya.

"Hindi mo ako mahal Jefferson! Walang maka sariling pag mamahal. nakikita mo lang ako na parang gamit na pwedeng maangkin at ipagdamot. Hindi bilang tao hindi bilang ako hindi mo ako mahal. Hindi pag ibig ang nararamdaman mo kundi ang pagiging makasarili."

"I'm sorry Lorenzo, please bumalik ka na sa akin. Para sayo gagawin ko. magbabago ako just love me again. Sumama ka sa akin lalayo tayo dito be with me Enzo magsasama tayo. I'm begging you. Lumuhod sya at uunti unting gumapang ang kamay sa sahig at yumakap sa paa ni Lorenzo humahagulgol nag papakababa, nag mamakaawa.

"Sinabing wag mo akong hahawakan! Winasiwas nya ang kanyang paa at tinadyakan sa mukha ang nakakapit kanina sa binti nya. humalik ang nguso ng huli sa malamig na sahig dumadaloy ang dugo sa ilong nito. sakabila ng tinamo nagawa pa nitong bumangon. "At pwede ba wag mong pangarapin na mahalin kita "ulit" dahil kahit kelan hindi kita minahal!" Singhal nya at tinalikuran ang walang imik na kaharap nya.

Pagtalikod nya ngumisi si Jefferson ang ngisi ay unti unting naging nakakakilabot na tawa na nagpatigil sa paglalakad nya.

"Papatayin ko si Brent! HAHAHA! Subukan mong iwanan ako ulit. Mamatay ang kaibigan mo iwanan mo ako at makikita mo Enzo" Nakangising banta ni Jefferson ang mga mata'y malikot at ang mga daliri nya'y nangiginig. Umakyat ang galit sa ulo ni Enzo agad nyang hinarap at 
marahas na hinablot ang kwelyo ng nakangising baliw.

"Matagal ng patay si Brent! kitang kita ko ang ginawa mo sa kanya Pinatay mo na sya!Kaya anong sinasabi mong papatayin mo sya baliw ka na!" Marahas nyang binitawan ang kwelyo at nakangising natumba patalikod si Jefferson tila natutuwa pa na nasasaktan.

Inlab With The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon