Astre's pov.
"A school of what?!" Gulat kung saad kay Magnus, sya yung lalaking umagaw sa aking cellphone, kahapon we encountered each other again dahil sa dahilan na hinanap nya ko upang ibalik sakin ang aking cellphone.
To be honest, sobrang pagkataranta ko, kahapon nakalimutan ko palang hablutin sa kanya yung cellphone ko.
"Keep your voice down— as I said, this top and known to be the good school of Brainus is the school for gangsters and bullies." Saad nito bago inilahad sakin ang aking cellphone na agaran ko rin namang tinanggap.
"If that's so, bakit mo ko pinigilan sa pagkuha ng ebidensya kahapon? Makakatulong yun satin para ilantad sila," saad ko sa kanya na hindi nya naman ikina sang-ayunan sa hindi malamang dahilan.
"It won't work, believe me, maraming sumubok pero nalagay lang rin sila sa alanganin— muntik kana sa sitwasyong iyon kahapon." Saad nito bago alanganin na ngumiti sakin.
Dapat ba kung mag-pasalamat?
He saved my life, but how about the others? Alanganin pa kung tumingin sa kanya na wari mo'y sinusuri ko sya ng husto, mukhang napansin nya ata yun dahil biglang gumaan ang awra nya saking harapan.
"Feeling bothered at me? Don't be— outcast lamang ako sa paaralang ito, naka-survive ako dahil nanatili akung tahimik." Saad nito bago nagbigay ng simpleng ngiti sakin at tiningnan ang oras sa kanyang wristwatch. "It's time to go. Stop being curious about something, Ms. Veigun— once again, nice to meet you."
Kanina palang kami nagkakilala, bukod sa pangalan wala na kaming iba pang detelyadong personalidad na binigay sa isa't isa, pero kung maka asta sya para bang close na agad kaming dalawa.
"Ms. Astre Veigun?" Mula sa pagkakalutang ng aking isipan napabaling ako ng tingin sa isang studyanteng walang pakundangan na lumapit sakin.
"Kilala mo ko?" Takang tanong ko sa kanya na tila puno ng kuryusidad na sa isang iglap ay nawala rin ng ituro nya yung ID ko. "I don't want to get in trouble, ayokong makiilam pero gusto ko lang sabihin na yung kaibigan mo mukhang malalagay sa alanganin," saad nito bago nagbigay ng isang pilyong ngiti sakin at iniwan na ko.
Napahabol tingin naman ako sa papalayo nyang presensya, wala akung ibang kaibigan bukod kay— shit.
Nagmamadali akung gumawi kung saan-saan, nagbaka sakali rin sa pagtanong kung meron ba silang nakitang babae na hindi kataasan, medyo kulot ang buhok, may itsura kung ang duling ang titingin ngunit isa lamang ang isinasagot nila sakin. 'Ayaw naming makiilam'
Hanggang sa makabanga ko si Cactus ang overall president nitong eskwelahan. "Pres Cactus?!" Nagmamadali akung lumapit sa kanya, dala ang kabang namumuo saking dibdib.
Binigyang tingin ako nito na para bang nanghuhusga bago nagbigay ng isang simpleng buntong hininga. "It's Acthus— what do you need?" Seryoso nitong tanong sakin.
"Someone told me na yung kaibigan ko mukhang malalagay sa alanganin. I tried to ask others, but hindi nila ako sinasagot baka naman pwede mo kung matulungan," disperado kung saad sa kanya sa sobrang takot ko na baka malagay si Milky sa sitwasyon na natuklasan kung ngyayare dito.
"Sinabihan ko na kayo na hanggat maaari matuto kayung tumahimik pero binaliwala nyo yung sinabi ko— hanapin mo sya sa likod ng building 2, doon lamang nagkakaroon ng hindi normal na kasiyahan ang Brainus School" saad nito bago lumapit sakin ng bahagya.
Tamang lapit lang upang makabulong sya sakin ng wasto. "Sana maabutan mo pa syang walang galos" saad nito sakin, kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata yung ngiting biglang gumuhit sa kanyang labi sabay tapik saking braso. "Mauna na ko" saad nito bago muling tinapik ang aking braso.
Nagbigay ng maraming katanungan yung sinambit nya sakin, why do I feel na parang hindi normal na school ang pinasukan namin? yung mga studyante dito may mga gawi na para bang may sakit sila sa pag-iisip.
Anyway, kailangan kung mag focus sa isang bagay yun ay ang alamin kung nasaan nga ba si Milky— I need to save her.
I'm on my way to building 2, kung saan bumubungad sakin ang ilang tumpukan na mga studyante sa hallway, lahat sila nakatingin sakin.
Pero binaliwala ko lamang, hindi ako mapapatay ng mga mapanghusgang titig nila mas mapapatay ako nila mama't tita dahil pinabayaan ko yung isa.
Pagdating ko sa likod ng building 2 bumungad sakin yung ilang mga studyante na tila may pinagkakaguluhan, isa palang liblib na area ng school itong likod ng brainus maraming puno ngunit parang mga tambakan ng sirang gamit dahil nagkalat ito sa paligid.
Nagsimula na kung makipagsiksikan sa ilang tao na nakahara sa aking daraanan, noong nakahanap na ko ng ayos na pwesto bumungad sakin ang isang babae na naliligo sa sarili nyang dugo.
Milky?!
Para akung tinapon sa kawalan ng dahil sa aking nasaksihan, this time mga kapwa babaeng studyante naman ang bumubogbog sa kanya.
Walang ginagawa ang iba kundi ang manood, humiyaw at magpalakpakan lamang dahil sa kaganapan na halos hindi katanggap tanggap sa mata ng ibang may katwiran ngunit katuwaan naman sa Studyante ng Brainus School.
Nilamon ako ng sariling takot, huli na ba ko para iligtas ang kaibigan ko? Gayon pa man kailangan kung gumawa ng paraan.
Para na kung nanigas sa aking puwesto, habang nakatitig ng seryoso sa kaibigan ko na pinagkakaguluhan nilang bugbugin.
"T-Tama na..." Saad ko sa pinakamahinang tono, ramdam ko na ang panginginig saking kamay, bago ako gumawa ng sapilitan at puno ng takot kung hakbang. "Tigilan nyo na sya!" Mariin kung sigaw na biglang nagbigay ng katigilan sa lahat.
Lahat sila bumaling sakin ng tingin habang ako'y huma-hakbang palapit sa pwesto ng aking kaibigan at sinangga yung kahoy na ihahampas sa kanya. "Ang sabi ko tigilan nyo na sya!" May gigil sa tonong pag-ulit ko sa aking isinaad na para bang nilalamon ako ng sariling galit saking katawan.
They are all staring at me. Na para bang nabigla sa kaganap, doon naman ako nagkaroon ng oras upang lingunin ang aking kaibigang si Milky— I can't see her face clearly, kaya napababa ako para pumantay sa kanya.
"M-Milky... sorry— sorry, nahuli ako" saad ko bago iginawi ang ilang mga buhok na nakatabon sa kanyang mukha, laking gulat ko nalang ng ibang tao yung bumungad sakin kasunod non ang tila tunog saking cellphone.
Kinuha ko yun ng walang pag-alinlangan kung saan bumungad saking screen ang text ng nagiisa kung kaibigan na dinala ako sa gulo without her knowing.
'Hindi ako nakapasok Astre, pasensya hindi ko nasabi agad sayo tinamad kasi ako, balitaan mo ko sa ginawa nyo ngayong araw, okii? Yun lang muah muah chup chup' - Milky.
Napakisap pa ko ng aking mga mata bago nanginginig ang kamay na pinatay ang aking cellphone at binalingan ng tingin ang buong paligid kung saan bumungad sakin ang maiinit nilang tiig.
Hindi ko lubos akalain na mapupunta ako sa sitwasyon na alanganin, Nalintikan na.
BINABASA MO ANG
When She Meets You
Teen FictionShe's Tres, the mysterious assassin of the Shadow Serpents group, a skilled assassin who always follows the command of highly ranked members of their clan. She had no authority to disobey the high elder's order because she was a servant- she's the g...