𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 7

138 102 5
                                    

Astre's pov

"Hindi mo na ba talaga ako naaalala?" Puno ng kuryusidad na tanong nito sakin— did we meet before?

After ko syang mabangga— wait?! I mean, sya, after nya kaming mabangga kanina, iniwan na ko noong babaeng tinulungan ko na hindi man lang nagpasalamat sakin.

Tinaya ko yung buhay ko maka-alis lang kami sa kaguluhang yun kanina, Ngayon tuluyan na kung malalagay sa alanganin because of what happened lately.

Tiyak na pinaghahanap na kami ng groupo ni Calles, nakakainis kasalan ito noong studyante na nagsabi saking nasa kapahamakan daw si Milky— kung hindi lang ako nagpaloko at nagtext agad si Milky noong mga oras na iyon? Hindi sana ako mapupunta sa sitwasyon na ito.

"Seriously? Tinulungan kita tapos ganyang attitude ang ipapakita mo?" Iritadong saad sakin nitong lalaking nagmamaneho ngayon, sa totoo lang pati ako naiirita din sa kanya.

Binungo nya kami kanina, kaya na injured yung paa ko, nararapat lang na singilin ko sya ng naayon. "Listen, Mr. 'I don't know who you are'— manahimik ka't ipagmaneho ako." Kailangan ko lang ng panandaliang tulong mula sa kanya lalo na't wala akung magawang paraan ngayon, naiwan ko ang bag ko sa loob ng classroom namin.

Hindi ko magagawang tumakas ng naayun sa kagustuhan ko— ang tumakbo lamang palayo, lalo na ngayon na hindi na rin maganda ang lagay ko.

"Great." Sarkastiko nitong saad sakin, kaya naman napabaling sa kanya ang aking hustong tingin— hindi ko pala sya lubos na naitsurahan kanina.

Napatutok ako ng hustong tingin mula sa gilid ng kanyang mga mata kung hindi ako nagkakamali kulay itim ang mga iyon, his piercing black eyes hold a confident glimmer, and his raven-black hair impeccably frames his chiseled jawline.

Napababa ang tingin ko mula sa kanyang katawan his tall, obviously, well-built din pagdating sa kanyang katawan.

His framing exudes strength and athleticism, hinting at his active lifestyle— he possesses an air of mysterious allure.

"Did you scan my body well enough?" Bigla akung napaismid doon sa sinabi nya sabay baling ng tingin kung saan. "Kapal ng mukha"

Kinailangan ko lang yung tulong nya kanina, kaya nalagay ako sa sitwasyon na ito, pero may isang bagay lang akung hindi mawari saking sarili kung bakit tumakbo yung kasama ko noong nakita sya.

"Can I ask you, may taong nagbigay sakin ng information tungkol sa brainus school, and I want to know as well kung ano ka sa skwelahan na iyon?" Napamulagat ako sa isang iglap after I asked him that question, why? Dahil tumilapon ako ng bahagya sa harap ng upuan ko ng biglaan syang magpreno.

"Puta?! Papatayin mo ba ko?" Inis kung saad sa kanya, pero bumungad lang sakin yung seryoso nyang mukha.

"Mahilig ka ba sa thrill?" Biglang saad nito sa bagong topic, nilihis nya yung salita nya sa mismong tanong ko.

"Hibang ka ba? Wala kung oras, ibaba mo nalang ako dyan sa kanto— pautangin mo ko at magtataxi nalang ako pauwi," saad ko bago bubuksan na sana yung lock ng pinto kaso bigla nya kung pinigilan.

"It's too late, nagsimula na sila," saad nito, kaya napakunot-noo ako ng mapansin ko ang pagiging balisa nito, na tila hindi mapakali katitingin sa rearview mirror nya. 

Since hindi ko makita ng ayos yung tinitingnan nya, napalingon tuloy ako sa likod upang silipin sana ng bahagya— saktong pagdungaw ko, ang pagbangga naman samin ng isang puting kotse sa likod lamang namin na nakasunod.

Fuck?! 

Para pa kung nabulaga ng dahil sa ngyare, and then I heard this guy at my side laugh itself. "Buckle up, Ms. Pahatid princess," as he said, bago tinapakan ang gas nya't nagpabilis pa ng takbo halos mawindang ako sa overtake nyang ginagawa.

Itong lalaking ito, akala mo pang pusa yung buhay nya.

Napapapikit nalang ako ng mariin kada-overtake nya, ang malas ata ng araw ko pagwala si Milky, nalalagay ako lagi ng alanganin pagwala sya pagnandito naman sya nasa alaganin parin buhay ko.

Putangina hanggang kailan ba itong habulan na ito?

Nakatakas nga ko sa groupo nila Calles ng pansamantala, nadamay naman ako ng ugok na lalaking ito sa problema nya— hindi kaya isa din sya sa groupo ni Calles? 

"Are you having fun right now?" Seryoso ba sya? Tinatanong nya sakin yung walang kwentang tanong na iyon? Can't he see kung gano ko na ibinabaon ang aking sarili dito sa kinauupuan ko? Nahihilo't nalulula na ko sa ginagawa nyang drive. 

"Pwede bang tumalon nalang ako dito sa sasakyan mo?" Wala sa wisyo kung saad sa kanya, kaya naman bumaling sakin yung tingin nya ng bahagya. "No, magiging sagutin pa kita."

Napabaling ang tingin ko sa kanya bago sya tinaasan ng isang kilay, kung tutuusin sa sitwasyon na ito? Sagutin nya na yung buhay kung naka-salalay sa pagdra-drive nya.

"Since mukhang ito na rin ang katapusan ko, gusto ko ng magtanong. Sino sila? Anong kailangan nila? At Bakit ka nila hinahabol?"

Napangiti sya sakin ng bahagya, bago medyo binaba ang rearview mirror nya. "Ang dami mo namang tanong" saad nito bago mas dinagdagan pa ang bilis ng takbo nya, nasa one-way area na kami ngayon, bumabaybay sya ng ayos na daan. 

Bumaling ang tingin nya sakin bago sumilay ang isang pilyong ngiti sa kanyang labi, doon palang kinutuban na ko.
 
"Kumapit ka ng maigi" saad nito ng tila mapuna ko ang lapit ng kotseng humahabol samin, napakawala ako ng isang malutong na mura ng bigla syang nagpreno kasunod ng malakas na impact ng pagbunggo mula sa aming hulihan, ang mariin nyang pagtawa. 

"Tapos na ang habulan" saad nya bago muling inarangkada ang kanyang sasakyan, wala sa wisyong napabaling ako ng tingin sa likod na tila gulat na gulat ng mapuna kung wasak na yung likuran ng kotse nya.

Bukod don yung kotseng sumusunod samin kanina, naiwang nakahinto na lamang sa gitna ng daan— mukha napuruhan yung mga taong sakay ng sasakyang iyon. "Bakit ka nila hinahabol?" Wala sa wisyo kung tanong sa kanya habang nakatoon parin ng tingin sa hulihan. 

"It's their way of saying hi," as he said, bago lumihis ng landas kung saan gumawi kami sa isang parking lots.

Bumaba sya ng kotse, umikot sya tungo sa harapan ng pinto ko bago umakto na tila bubuksan ito, pero hinatak ko ito pabalik kaya binigyan nya ko ng question na titig.

"Umamin ka nga, isa ka rin ba sa groupo ni Calles?" Medyo may kalakasan kung saad sa kanya, sakto lang upang marinig nya sa labas.

"Nakabangga mo ba yung groupo nya?" Don palang sa tanong nya nagkahinala na ko, na may alam sya tungkol sa baho ng brainus school.

"Kagroupo ka ba nya?" Muli kung pag-ulit saking katanungan, napatayo sya ng ayos sa harapan ko lang bago namulsa ng wala sa hulog. "No, isa lamang akung simpleng mag-aaral ng brainus school," saad nya bago gumuhit sa kanyang labi yung isang pilyong ngiti.

"Sinungaling" saad ko bago biglang binuksan yung pinto, kaya naman napa-usod sya ng wala sa wisyo, dahil muntik na syang matamaan. "Salamat sa libreng sakay mauna na ko" saad ko bago lalampasan na sana sya, pero pinigilan nya ko sa pamamagitan ng paghawak sakin kamay.

"Libre? No, mag bayad ka sa muli nating pagkikita." Saad nito bago binitawan ang aking kamay, kaya napatingin ako don. "Singilin mo ko ng naayon" seryoso kung saad sa kanya bago gagawi na sana ng pag-alis ngunit narinig ko yung biglaang sigaw nya.

"Hey, before you leave, may I know what your name is?!"

Hindi ako nag atubiling lumingon sa kanya, delikadong mag-bigay ng impormasyon sa taong ngayon mo lang nakilala at wala akung tiwala sa kanya. "Hindi mo na kailangan malaman pa," saad ko bago tuluyan ng iniwan yung lalaking iyon.

Sa puntong ito, kailangan kung mag ingat na.

Bakit? Dahil Ilang araw palang ako sa school, pero yung resulta hindi na naging maganda— mas lalo tuloy akung kinakabahan sa mga susunod na mangayare pa. 

When She Meets YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon