Astre's pov.
"Your awesome, iba ka— kinuha mo ang atensyon ng lahat para sa walang kwentang bagay tulad nito ang pagsagip? Sa isang walang kwentang tao rin?" Saad sakin ng isang babae, di rin naman katangkaran.
Putok ang mukha nito sa make-up, may itsura, maputi— mukha syang tao na tinubuan ng sungay sa magkabilaan ng kanyang noo.
Alanganin akung napatayo ng akin. "Sorry for the interruption, pwede nyo ng ituloy ang naudlot nyong—" natigilan ako saking sariling salita ng biglang hawakan noong babaeng bobog sarado sa kanila ang aking kamay.
"T-Tulungan mo ko..." saad nito dala ang hirap at sakit sa kanyang sariling tono, naawa ako sa lagay nya— gusto ko syang tulungan pero wala akung lakas.
Nagbabalak na sana akung tumakbo kanina pero halos hindi ko rin magawa dahil alanganin na masyado ang katayuan ko, kung susubukan ko namang tumakbo alam ko naman na pipigilan lang nila ako.
"Pano?" Pasimple kung bulong sa kanya, napayuko naman sya sakin bago ko napuna ang tila pagkagat nya sa kanyang ibabang labi.
Don't tell me, Katulad ko hindi nya rin alam kung paano umalis sa sitwasyon na ito? Napasinghap ako ng akin bago mariin na napahilot saking sintido at nilingon yung babaeng kumakausap sakin kanina na mukhang leader ng mga babaeng batalyon dito.
Wala akung nalalaman pagdating sa organisasyon ng mga gangster— kung ano ang patakaran at pano lumusot sa kanila dahil ngayon nakatapak ang aking isang paa sa gulo na mukhang malabo kung malusutan.
Biglang suminyas yung babae doon sa katabi nya, kaya umakto ito ng lapit sakin dahilan upang mapa-atras ako ng bahagya.
"Masyado ng nagiging boring itong sitwasyon, kung nahihirapan ka sa sitwasyon tulad ng pagligtas sa kanya meron namang paraan— yun ay ang palitan mo sya" saad nito sa akin na lubos kung ikina-gulat.
No choice; kailangan namin makatakas dito. Maliit man ang chance, pero kailangan namin subukan. "Tumigil ka." Pagbabanta ko doon sa babaeng inutusan noong babaeng putok ang mukha sa make-up.
Alam kung naghahanap sila ng gulo para pigilan ito kailangan ko silang bigyan ng kaunting distraction— if it's work sa ganoong paraan magkakaroon kami ng oras para tumakas.
Agaran kung kinuha ang aking cellphone, kailangan matinag ko sila. "Did you get my location? Sa likod ng Brainus building 2— lahat ng groupo papuntahin mo dito dahil nagkaroon ako ng kaunting sitwasyon na masasabi kung kailangan daluhan ng buong groupo natin." Malakasan kung saad bago tumingin mata sa mata noong babaeng putok sa make-up ang mukha.
Wala akung idea sa pwede kung gawin, pero pinalabas ko sa kanila na isa din akung membro ng gang, napakunot-noo naman sakin yung babaeng nasa harapan ko. "Calles mukhang meron din syang organisasyon" saad nito doon sa babaeng putok ang mukha sa make-up.
So? Her name was Calles.— hindi bagay sa kanya.
"At saang organisasyon ka naman nabibilang?!" May diin sa tono nitong bulyaw sakin, nilamon ako ng hustong kaba mali ata yung paraan na napili ko para lumusot sa sitwasyong ito.
Hindi ko muna sya pinansin sa halip ay napalingon ako doon sa babaeng duguan na nasa likod ko. "Kaya mo bang tumakbo?" Pasimple kung bulong sa kanya, umangat sakin ang tingin nya bago mariin na umiling. "K-Kakayanin ko" saad naman nito sakin bago tumango.
Napaismid ako ng akin bago napatindig ulit ng ayos paharap sa kanila. "Kung saan akung organisasyong nabibilang?" Patanong kung saad sa kanya bago pilit na tumawa. "Hangal— wala kang karapatan questionin ako dahil hindi kita binigyan ng karapatan para magtanong, ikaw Calles saang groupo ka ba nabibilang?" Mapanghamon kung tanong sa kanya na sa totoo lang halos ika-katal ko na rin.
Napasighap sya ng bahagya bago pasimpleng bumuga ng hangin at ngumisi sakin. "Ang kapal ng mukha— anyway sa groupo ng Srunos ako nabibilang ikaw? Babaeng walang pagkakakilanlan sinong groupo mo at ano ang katayuan?" Tanong nito sakin, sa pagkakataon na ito ako naman ang ngumisi sa kanya ng mapansin ko yung gawi noong pinasukan ko na medyo lumuwag na ang daan mukhang umalis na rin yung ibang mga studyante na nakikichismis sa kaguluhang ganapan.
Ito na rin ang chance namin upang tumakas.
"Kabilang ako sa groupo ng fuck you, katayuang wala pero may isipin ng pagtakas" matapos ko yung sabihin agaran akung dumakot ng hindi kalakihang bato sakto lang upang punuin ang isang kamao ko at hinila paangat itong babaeng duguan na dapat kung tulungan— tumakbo kami ng walang pakundangan.
"Putangina habulin nyo sya!" Rinig kung saad ni Calles ng mapuna ang biglaang pagtakbo namin nitong kasama ko, gumawi kami don sa gawing pinasukan ko kanina— medyo humarang pa yung mga ilang studyante samin pero binantaan ko sila sa hawak kung mga bato. "Magsitabi kayo kung ayaw nyong durugin ko ng bato yang pagmumukha nyo" maagas kung saad, na tila hindi natitinag sa panganib na pwede pang lumapit samin lalo na't nasa likod lang namin yung mga babaeng alagad ni Calles.
Nagsigilid naman yung ibang syudyante na ayaw madamay, kaya nagkaroon kami ng chansya nitong kasama ko na tuluyan na ngang tumakas.
Kung saan saan na kami bumabaybay ng takbo, hindi ko alam kung saan ba kami dapat magtungo— hindi kami pweding manatili dito sa loob ng campus dahil alam kung matutuloy lamang ang lokasyon namin.
Naramdaman ko bigla yung pagpisil sa kamay ko nitong kasama ko sabay bitaw ng kanyang katagang "H-Hindi ko na kayang tumakbo" dama ko yung panghihina sa kanya pero napailing lang ako.
"Makinig ka, pilitin mo hanggang sa makalabas tayo dito dahil ang kaligtasan natin ay hindi pa segurado." Saad ko bago agaran tumakbo ng hindi binibitawan ang kanyang kamay— ramdam ko ang pagod saking katawan ngunit pano pa kaya sya?
Malapit na kami sa gate, mararating na namin ang labasan ng sa isang iglap ay bigla akung natinag ng may mabangga ako, kaya pareho kaming natumba nitong kasama ko.
Napadaing ako ng kaunting sakit dahil mali ang pagbagsak ko— para akung natapilok ng wala sa oras.
Nag-aalalang bumaling ako ng tingin sa kasama ko upang suriin sya, kaya lang bumungad sakin yung tila gulat at takot sa kanyang mukha. "S-Sorry, wala kung kasalanan" saad nito na tila nangangatal na sa takot at hindi man lang ako binabalingan ng tingin dahil tagos ang landas nito sa gawi kung nasaan ako bago sya agarang tumayo at tumakbo palayo sa gawi ko.
Doon palang sa ginawi nya kinutuban na ko ng husto, dahan-dahan akung bumaling ng tingin tungo saking harapan kung saan tumama saking mukha ang sinag ng araw bago ko mapuna ang pigura ng isang lalaki.
"It's you, again." Saad nito na ikina-kunot ko lamang, I can't see his face clearly enough— sino sya?
Isang panganib na naman ba ito?
BINABASA MO ANG
When She Meets You
Teen FictionShe's Tres, the mysterious assassin of the Shadow Serpents group, a skilled assassin who always follows the command of highly ranked members of their clan. She had no authority to disobey the high elder's order because she was a servant- she's the g...