Astre's pov.
Nagtago kami sa likod ng isang matandang puno, may kalakihan ito, kaya naman umayon din ang sukat ng katawan namin maliban lang sa.
"Umusog ka ng kaunti" bahagya kung saad sa kanya na halos pabulong nalang rin, nararamdaman ko kasing lumalapat ang kanyang pagkalalaki sakin.
"U-Usog sabi" mautal-utal kung saad bago sya itinulak ng kaunti, narinig ko pa yung bahagya nyang tawa na halos hindi rin natuloy ng bigla kung saraduhan ang kanyang bibig gamit ng aking kamay.
Itong lalaking ito, gumagawa ba sya ng paraan para mahuli kami't malagay na naman sa alanganin?
"Tanginang mga iyon, pinagod tayo ng husto—halog hugin nyo ang buong paligid kailangan natin syang mahuli."
"Segurado ka? Mukhang malabo na nating makita sila."
Nagkatinginan kaming dala nitong lalaking ulupong na nakatayo saking harapan, malinaw naming naririnig yung mga boses ng taong humahabol sakin sa kabila lamang ng punong aming pinagtataguan.
Kung lilikha kami ng ingay ngayon tiyak na matutukoy nilang nagtatago kami rito, napa-angat ang aking isang kilay ng mapuna ko ang paglikot ng lalaking nasa aking harapan lang. "Anong ginagawa mo?" Inis kung saad sa kanya na halos pabulong lang, nag-iingat ako ng husto dahil bukod sa pagod na naramdaman ko sa pagtakbo kanina, sumasabay na rin itong kirot sa tagiliran ko.
"Kinakagat ako ng langgam" daing nito bago mas umusod pa palapit sakin, naka-arko na ng sampa ang ulo nito sa balikat ko, gustuhin ko man syang itulak hindi ko rin magawa dahil baka mas maglikha yun ng ingay.
Delikadong gumawa ng hakbang ngayon baka matukoy ng mga tauhan ni Calles na nagtatago lang kami sa likod nitong matandang puno. "Makinig ka, kapag nahuli tayo dito titiyakin ko na hindi lang sakit ng kutot ng langgam ang mararamdaman mo."
"Bakit? Kakagatin mo rin ako?" Puno ng kapilyuhan nitong saad, ibinulong nya yun saking tainga— ramdam ko yung init ng hininga nyang humahaplos saking leeg, halos mawindang ako sa pakiramdam na yun.
Fuck?! Ano sa tingin nya ang ginagawa nya?
Batid ko na hindi maganda ang pwestong pinagkalagyan namin dahil nasa kanya ang alas ng pag-abuso sa ganitong sitwasyon.
"You know what?"
"What?"
"Tang-ina mo." Kasunod ng malutong na murang yun ang marahas kung pagtulak sa kanya, bakit? Dahil napuna ko yung tuluyang pag-alis noong mga kutong lupang alagad ni Calles.
Napabaling ako ng tingin sa madilim na paligid, wala ng oras, kailangan ko ng hanapin si Milky.
Bumaling ang aking tingin sa lalaking nakasalampak ngayon sa damuhan na wari mo'y nabaliw dahil sa pagtawa nito ng walang dahilan.
Wala akung oras sa kanya.
Magsisimula na sana akung bumaybay ng daan, ngunit yung salitang binitawan nya— naka pagpatigil sakin.
"What's your friend's name again? Milky? or should I rather say Ms. Trand? I know where she is."
Umukit ang labis na pagtataka saking mukha, anong ibig nyang sabihin sa mga salitang yun?
Binalot ako ng labis na galit sa kanyang sinabi, ang kanyang pagkaka-kilanlan ay na nanatili paring isang misteryo sakin.
Baka totoo nga ang kutob ko noong una palang, na isa din syang kutong alipores ni Calles, walang paligoy-ligoy na bigla akung lumapit sa kanya at agaran syang kwenelyuhan.
"Makinig ka, kapag may ngyare sa kanya, hindi akung magdadalawang isip na ipatikim sayo ang mag asawa't kabet."
"Mag asawa't kabet?" Him being confused after nyang putulin ang aking mga salita, binigyan ko sya ng aking pukaw na tingin na tila naiirita sa kanyang presensya.
BINABASA MO ANG
When She Meets You
Teen FictionShe's Tres, the mysterious assassin of the Shadow Serpents group, a skilled assassin who always follows the command of highly ranked members of their clan. She had no authority to disobey the high elder's order because she was a servant- she's the g...