𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 9

126 98 5
                                    

Astre's pov.

Kung minamalas ka nga naman, great timing nakasalubong ko yung mga kutong lupang kasamahan ni Calles— luckily wala si Calles pero bad timing parin dahil nakahara sila sa daang tatahakin ko ngayon.

Masama na yung lagay ko saking tagiliran, no choice ako kundi ang gumawa ng paraan upang makalusot sa kabilang gawi— hoping na hindi nila ko mapansin.

Napasinghap ako bago kagat labing inayos yung hoodie ng jacket ko, isang mabilisang lakad lang upang lusutan sila.

"Astre, kaya mo yan," saad ko saking sarili, upang bigyan ng sapat na tatag ng loob bago tumahak sa daang dadaanan ko.

Hindi ako makampante bawat hakbang ko, para bang ang bigat ng bawat lakad ko, unti-unti akung umuusad— diretso lang ang tingin sa daan dahil ayokong gumawi ng lingon sa pwesto ng mga alipores ni Calles, mahirap na baka makilala nila ko.

"Yung new student na yun ang lakas din ng loob galitin si Calles, noh?" Bahagya akung natigilan ng marinig kung bigkasin yun ng isa don sa lima.

"Yung Astre ba ang tinutukoy mo?"

"Dahil sa kanya nagkaroon pa tayo ng dagdag na trabaho."

"Trabaho? Para sakin kasiyahan yun, kailangan lang natin syang hanapin at dalhin kay Calles—para mabugbog din."

Sinasabi ko na nga ba, nalagay na naman sa alanganin ang buhay ko, isang bagong problema na mukhang mahirap takasan sa ngayon.

Kung magsusumbong ako sa mga gurong nasa paaralan, tiyak makakarating ito kay mama— alam kung gagawa ng paraan si mama tungkol sa ganitong usapin, bullies lang ang mga nakaharap ko noon, pero ngayon mga gang na mukhang mas delikado kung gagawa kami ng hakbang na against sa kanila.

Nagpatuloy ako saking paglalakad, delikado kung mananatili pa ko malapit sa pwesto nitong mga alipores ni Calles— isang hakbang nalang sana ang gagawin ko palayo ng bigla akung matinag sa boses na umalingaw-ngaw sa tahimik na paligid ng park.

"Astre?!"

Nalintikan na.

Parang gumuho lahat ng isipin ko't napalitan ng kaba noong lumingon ako kung saan nagmula yung boses ng tumawag sakin kanina, bumungad sakin si Milky naka yuko ito ng bahagya habang ang mga kamay nya'y nakahawak sa magkabilaan nyang tuhod upang alalayan ang postura nya, mukha pa itong hinihingal sa kanyang itsura.

Great timing, talaga sya lagi.

Sampong dipa ang layo namin sa isa't isa, napabaling ako ng tingin don sa pwesto ng mga tauhan ni Calles, nakatoon na ito ng tingin saming dalawa ni Milky.

Mukhang nagulat pa sila sa biglang presensya namin dito, mas lalo akung kinabahan ng mapuna ko ang paghahanda nila na para bang kumuha sila ng mga armas nila, tubo at isang kahoy na di kalakihan.

Mukhang malalagay kami sa alanganin ngayong gabi.

Kung susukatin, limang dipa lang ang layo ng groupo ni Calles samin, kung gagawi ako ng takbo papunta kay Milky ng walang pag-iingat tiyak na mahuhuli nila ko.

Pero hindi ako pweding tumakbo't tumakas ng akin lang, kapag ginawa ko yun si Milky naman ang malalagay sa alanganin, isang delikadong sitwasyon ngayon ang pinagkalagyan namin.

Kailangan kung kumilos, napahawak ako saking tagiliran ng mapuna ko ang bahagyang pagkirot nito— mukhang dumudugo na ito ng husto.

"Tingnan mo nga naman ang swerte, pinag-uusapan lang natin kanina ngayon nasa ating harapan na," wika ng isang babaeng nangunguna sa lima.

Napabaling ako ng tingin kay Milky, gusto ko syang sinyasang tumakbo na pero ang gaga nakatulala lang sa pwesto ng mga alipores ni Calles, hindi sya sakin nakatingin kaya pano ko sya bibigyan ng senyas?

Napakunot-noo ako ng wala sa oras ng bigla kung mapuna na para bang may aninong nakatayo sa likod ni Milky, may kataasan ito at kalakihang hubog ng katawan kung hindi ako nagkakamali isang pigura ng lalaki yun.

Napamuglat ako sa labis na gulat ng bigla non hilahin si Milky, putang-ina?! Naloko na. "Milky!" Uligaga kung saad sa kanyang pangalan, kasabay ng pagtili nya dahil sa pwersahang paghilang ginawa ng taong yun.

Nag-aalanganin akung tumakbo sa gawi ni Milky dahil nagsimula na ring kumilos yung limang kutong lupang mga alipores ni Calles palapit sa pwesto ko, ngunit wala na kung choice.

Kailangan kung sundan at habulin si Milky.

Mariin akung napahawak sakin tagiliran bago aakto na sana ng takbo tungo sa gawi ni Milky ng bigla akung matinag sa kamay na humawak saking pulsuhan.

"Where do you think you're going? You're going the wrong way." That voice seems familiar, pagbaling ko sa kanya ng tingin bumungad sakin yung kutong lupang muntik na rin magpahamak sakin noon.

Sya na naman?

"Anong ginagawa mo dito?" Bigla kung saad sa kanya, na wari mo'y nagulat ng husto, hindi nya ko sinagot dahil ang toon ng tingin nito ay nakagawi sa pwesto ng mga alipores ni Calles. "Ngayon ka pa talaga magtatanong ng ganyan? Wala kang balak tumakbo?" Siraulo ba sya? May balak ako kanina tapos pinigilan nya ko.

"Bitawan mo ko, kailangan ako ng kaibigan ko!" Bulyaw ko sa kanya bago nagpumilit na umalis mula sa kanyang pagkakahawak ngunit pinigilan nya ko.

"Bitaw sabi!" Muli kung saad kasabay ng pagbaling ko ng tingin sa pwesto ni Milky Kanina, ang biglang wasiwas ng isang tubo saking harapan lang— muntik na kung matamaan kung hindi ako hinila nitong kutong lupang nakahawak sa kamay ko.

Para akung natulala saking pwesto, noong binalingan ko ng tingin yung taong kamuntik-muntikan ng makahampas sakin, bumungad sakin yung mukha nyang sabog dahil sa kamao na biglang bumaon sa kanyang kanang pisnge.

Sinuntok pala sya nitong kutong lupang katabi ko.

"Nanununtok ka ng babae?" Wala sa wisyo kung saad sa kanya, bumungad sakin yung mukha nyang tila kabado. "Hindi ko rin inasahan yun, pero anong gusto mong gawin ko? Hayaan syang hampasin ka ulit ng tubo?" I'm too confused; hindi ko alam kung saan ako magfo-focus.

Sa kaibigan ko na mukhang nasa panganib na rin ngayon, Sa sitwasyon ko na nanganganib na rin o don sa apat pang alipores ni Calles na pasugod na rin samin ngayon?

"Tutulala ka nalang ba?"

"No, kailangan kung sundan at hanapin si Milky." Saad ko bago winasiwas yung kamay nyang nakahawak sakin, dahilan upang mabitawan nya ito.

Bumaling ako ng tingin don sa apat pang natitira, nagtaka ako sa mga gawi nito na tila alanganin na kumilos palapit samin, now— what's wrong with them?

"Sumusuntok ka naman ng babae hindi ba? Kung ganon iiwan ko na sila sayo," mariin kung saad ng hindi man lang sya nililingon.

Nasa gawi na ko ng pagtakbo sa direksyon ni Milky ng bigla akung nagulat sa presensya noong kutong lupa sa gilid ko, he was running also, hinawakan nya ng walang pakundangan yung kamay ko na mas ikina-gulat ko.

"Apat sila, may kanya kanyang tubong hawak, mas mabuti seguro kung tumakbo nalang rin tayo," saad nito, habang hinihila ako't pinapantay sa bilis nyang pagtakbo.

Nakaramdam ako ng tinding sakit saking tagiliran, nasa alanganin pa kung sitwasyon, hindi ko ito pweding suriin ngayon.

"Kapag nakatakas tayo sa kanila, magkanya-kanya na tayo, don't even try to follow me." Seryoso kung saad sa kanya, I heard his gentle chuckle. Kaya umarko ng angat yung isa kung kilay bago bahagya syang binalingan ng tingin kung saan bumungad sakin yung ngiti nya sa labi.

"Request denied," as he said, bago mas binilisan pa yung takbo, since naririnig ko na rin yung apat na kutong lupa na nakasunod sa likod namin, wala akung nagawa kundi ang makisabay ng takbo sa lalaking ito.

Hoping na matakasan agad namin ang sitwasyon na ito, para mahanap ko agad si Milky.

When She Meets YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon