Astre's pov.
"You— what?!" Wala sa hulog na sigaw sakin ni Milky, natakpan ko tuloy ng wala sa oras ang kanyang maingay na bunganga.
"Tumahimik ka, baka marinig ka nila mama" pagsuway ko sa kanya, nasa kwarto ko kasi kaming dalawa ngayon, ang kwarto ni mama katabi ko lang kaya nag-aalala ako na baka magising sya ng gagang ito.
Tumango naman si Milky sabay tapik saking kamay, kaya agaran ko yung tinanggal sa kanyang bibig.
Kwenento ko sa kanya lahat ng ngayare kanina, kailangan nyang maging aware don— dahil malaki ang posibilidad na madamay na rin sya sa gulong kinasangkutan ko.
"Anong gagawin nating ngayon Astre?" Puno ng takot nyang saad sakin, kaya naman napa-titig ako sa kanyang mga mata, hinawakan ko ng mariin ang magkabilaan nyang kamay. "Hindi ko alam, pero hahanap ako ng paraan," saad ko sabay haplos sa kanyang buhok ng bahagya.
Umarko ito ng yakap saking bewang, kaya naman napataas ang aking braso ng bahagya para bigyan daan sya sa pag-yakap sakin. "Kung tinext seguro kita agad that time, malaki ang posibilidad na hindi ito mangyare sayo ito— kasalanan ko Astre" saad nito bago umangat ng bahagyang tingin sakin.
May kung anong isipin tuloy ang bilang bumagabag sakin. "Kasalanan ito noong babaeng nagsabi sakin, na nandon ka daw sa area," wika ko bago tinapik ang kanyang braso, sinyalis upang tanggalin nya ang kamay nyang nakapulupot saking bewang kaya naman napatayo ako.
Napalakad ako ng kaunti palapit sa salamin na nakabalandra saking kwarto, marahan akung napatingin saking tagiliran bago inangat ang aking damit kung saan bumungad sakin ang tahi ng sugat ko na medyo nasira na.
Ito seguro yung kirot na naramdaman ko noong tumatakbo kaming dalawa ng babaeng tinulungan ko, kailangan kung gumawa ng paraan para ayusin ito dahil hindi ito pweding makita ni mama.
"Milky pwede mo ba kung tulungan?" Bigla kung saad don sa isa, na nakasalampak sa baba ng aking kama. "Saan? Don't tell me maghihigante ka? Astre no! Hindi ako papayag wag mong ilagay ang batas sa iyong palad, baka bumaliktad ang sitwasyon at tayong mga nasa tama ang gawin nilang mali na naman," saad nito, nagulinta pa ko sa biglang pagkatayo nya sabay hawak sa magkabila kung braso.
Napabaling tuloy ang tingin ko don ng bahagya bago tumuon sa kanya ng ayos. "Are you out of your mind? Ang tinutukoy ko itong sugat ko— look natanggal yung pagkakatahi sa bandang itaas." Unti-unting bumaling ang tingin don ni Milky bago biglang naging muglat ang kanyang mga mata dala ng pagkagulat.
"D-D... D-Dugo?!" Wala sa wisyo nyang saad, naramdaman ko yung panginginig sa kanyang mga kamay, nangapa pa ko noong una sa kanyang inakto, pero noong marealize ko kung bakit? Huli na dahil bigla nalang syang natumba at nawalan ng malay— great.
Nakalimutan ko, she can't handle seeing blood, dahil may trauma sya dito noon— her father died in front of her.
Bumaba ako at inalalayan ang kaibigan kung walang malay, habang iniinda ang sakit saking tagiliran— hindi ko sya pweding buhatin dahil baka mag resulta yon ng hindi maganda saking tama.
"Sorry Milky, dahil hahayaan muna kita sa ganitong kalagayan," kailangan kung unahin ang aking tagiliran.
Pagkatayo ko, lumapit agad ako saking aparador at kinuha don ang first aid kit ko. Kailangan ko ng benda upang maiwasan ang hustong pagdurugo saking tagiliran.
Hindi to dapat malaman ni mama, ayoko syang mag-alala, hindi pweding humingi ako ng tulong kay tita alam kung babanggitin nya din ito kay mama.
Inihanda ko na ang ilang mga bagay na gagamitin ko, inilapat ko ang benda saking sugat upang maiwasan ang pagkaskas nito saking damit, kasunod naman non yung tape upang magbigay alalay dito para hindi mahulog.
Ang kailangan ko nalang gawin, tumakas at magtungo sa hospital ng hindi nalalaman ni mama, I need to do this on my own— nalagay ako sa alanganin na sitwasyon dahil sa padalos-dalos kung desisyon.
Kailangan kung gumawa ng paraan, para takasan ang problema na bago kung kinakaharap ngayon.
Third person point of view.
Pagdating nya sa kanilang tambayan bumungad na agad sa kanya ang usok na nagmula sa yosi ng kanyang dalawang kaibigan.
When they notice him, inangat ng isang lalaki na mistiso ang hawak nyang alak "bro, inom?" Bungad nito sa kanya, kaya naman lumapit sya dito bago malugod na tinanggap ang hawak nitong alak na inaabot sa kanya.
"May ipapagawa ako sayo, tingnan mo sa listahan ng school ang mga pangalan ng studyante na bago lang pumasok dito," utos nito sa kaibigan nyang totok sa screen monitor ng computer nito, bago tinapik ang braso nito at nagtungo sa sofa kung saan bumungad naman sa kanya ang isa nya pang kaibigan.
"May ipapa-trabaho ka?" Puno ng kuryusidad na bungad naman sa kanya ng kaibigan nyang nakaupo sa sofa.
"Wala, may gusto lang akung makilala," saad nito bago umukit sa kanyang labi yung ngiting halos hindi maipaliwanag, sinuri naman sya ng husto ng kaibigan nyang ito. "Fine, anyway, remember last time natalo tayo sa huling laro natin sa bar? Naibigay na ng bawat gang ang utos nila— yung iba mga walang kwenta," saad nito bago tinapik ito sa braso at inabot ang cellphone nyang hawak.
Napabaling ng tingin sa screen ng cellphone ang binata bago napa-kunot ng noo. "Seriously? Ito yung ipagagawa nila? ng gagago ba sila?" Iritado nitong sambit.
Natawa naman yung dalawang kaibigan nya sa kanyang inakto. "Childish? Pero wala tayong magagawa, ipina-talo mo yung gang natin" saad sa kanya ng tropa nyang kaharap nya lamang kaya napaseryoso ang titig nito dito.
"I got all the information, sinong hanap mo? Babae ba o lalaki?" Bigla namang singit noong mistiso bago lumapit sa dalawa, kaya umarko ng landas yung tingin ng dalawa dito.
"Babae sya." Seryoso nitong saad na tila ba ikina-gulat noong dalawa, nagkatinginan pa sila na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ng kanilang kaibigan.
"Babae? Mukhang meron kanang bagong paglalaruan" saad naman sa kanya ng kaibigan nyang mistiso, bago inabot ang hawak nitong files ng mga information ng bagong studyanteng pumasok sa kanilang paaralan.
Inabot naman ito ng binata bago isa isang sinuri ang mga larawan na nasa papel. "Can you describe her? Curious kami dahil first time na may ipahanap ka ulit saming impormasyon tapos babae pa." Saad ng kaibigan nyang nakaupo sa kaliwang banda ng sofa.
"Mukhang may naka-agaw na rin ng atensyon nya" saad naman ng mistiso nyang kaibigan bago umupo sa kanyang kanang tabi, sabay tapik sa braso ng binata.
"Describe her? Nah— just look at her, then you guys describe her." Saad nito bago ini-angat yung isang papel, mukhang nakuha nya na yung impormasyon ng babaeng hinahanap nya.
Napabaling yung tingin don ng dalawa nyang kaibigan.
"Is that her? She looks so hot." pagbigay puri ng mistiso nyang kaibigan dito. "Mukhang nakahanap kana ng target, nice." Saad naman noong isa sa kaliwa, bago ini-angat ang hawak nitong alak na para bang nag-congratulate sa kaibigan.
"Tell us, who is she?" Puno ng kuryusidad na tanong naman noong kaibigan nyang nakaupo sa kanan nya, umukit sa labi ng binata yung isang pilyong ngiti dahil sa sari-saring isipin na lumandas sa kanyang isipan.
"She's Astre Veigun."
BINABASA MO ANG
When She Meets You
Ficção AdolescenteShe's Tres, the mysterious assassin of the Shadow Serpents group, a skilled assassin who always follows the command of highly ranked members of their clan. She had no authority to disobey the high elder's order because she was a servant- she's the g...