𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 3

191 132 33
                                    

"Bakit mo ko dinala dito?" Nakaukit sa kanyang mukha ang tila labis na pagtataka ng dalhin sya ni Vejin (Pyre) sa mansion ng mga parangal kung saan una syang dinala ni Bullet (Thistle/Ika-apat) para ipakita ang larawan ni ikatlo noon.

"Ang sabi mo hanapin ko yung mga sagot sa sarili kung katanungan- labis akung humahanga sa kanya" saad ni Vejin dito ng mahinto sila sa tapat na larawan lamang ni Tres.

"What are you up to?" Mapanuring tanong naman ni Bullet dito, "Meron pa kung ilang mga katanungan at nais kung sagutin mo yun." Diretsahang saad nito kay Thistle/Ika-apat, kaya don palang kinutuban na agad ang dalaga.

"Isa kang lapas tangan sa dating na yan, pero tingnan natin kung kaya kung sagutin yang mga katanungan na naglalaro sa iyong isipan." Mapang-udyok namang saad ni (Thistle/Ika-apat) kay (Pyre) na tila hindi natinag.

"Itong mansion, isang lugar para sa mga taong Pinarangalan sa pagkilala tama? Bukod don may hindi kapa sinabi sakin na isang parte ng mahalagang detalye," saad ni Vejin kay Bullet bago ito nilingon ng husto. "Lugar din pala ito para sa mga assassin na kinilalang malakas ngunit patay na," hindi na nagulat pa, si Bullet sa isinaad ni Vejin.

Katulad nga ng inasahan, hindi sya mapapabilang sa organisasyon kung isa lang rin syang mangmang. "Anong gusto mong puntuhin?" Umukit sa mukha ni Bullet (Thistle/Ika-apat) ang tila isang mapanghusgang titig na may bahid ng kaseryusuhan.

"Gusto ko munang magbigay ng isang teorya- ang patay, may pag-asa pa bang mabuhay?" Diretsahang tanong ni Vejin dito habang sinalubong ng husto yung seryosong titig ni Bullet na nauwi sa tila di makapaniwala sa narinig at natawa nalang rin. "Isa kang hibang, ngunit kung yan lang rin naman ang iyong katanungan pwedeng pwede ko sayo ibigay ang kasagutan," saad nito na tila naglihis na naman ng reaction sa pagiging hindi matinang.

Nilabas ni Bullet ang kanyang maliit na patalim bago ito mabilisang itinutok sa leeg ni Vejin, isang mabilisang galaw na halos hindi inasahan ni (Pyre), pero ganon pa man ay hindi parin sya natinag dahil walang emosyon ng takot ang umukit sa kanyang mga mata- mukhang handa ring mamatay ang dalaga.

"Ang kasagutan sa iyong tanong? Nais ko ring malaman, kung itinarak ko sayong leeg ang aking patalim mabubuhay ka pa ba?" Pilyong saad ni Bullet sa kanyang sariling kasapi na tila aminado syang patayin ito kapag hiniling nya ng husto sa kanya.

Napahagalpak sa tawa si Vejin ng dahil sa ipinakitang kilos ni Bullet, gayun pa man hindi dito natinag si Bullet sa halip ay mas nacurious pa sya sa larong tumatakbo sa isip ng kanyang sariling ka-unit.

"Kahibangan tama? Kung ganon bakit sya?" Saad nito sabay turo sa larawan ni Tres. "Huh?" wala sa wisyong tugon sa kanya ni Ika-apat bago napabaling ng tingin sa larawan na itinuro nya- ngunit nanatili paring handa ang dalaga sa pweding gawing kapilyuhan ni (Pyre) sa kanya.

"Nasa mansion ng parangal para sa namatay ang kanyang larawan ngunit nanatili parin syang buhay," parang hinampas ng malakas na hangin si Bullet ng dahil sa narinig sa kanyang sariling kasama.

"Huwag kang magbiro ng ganyan Vejin!" May diin sa tono nitong saad kay (Pyre) bago ito agarang nilingon na tila may talim sa kanyang sariling mga mata.

"Sana nga biro lang noh?" Saad ni Vejin kay Bullet bago sya muling nilingon nito na tila may ngiti sa kanyang mga mata. "Pero nakita ko sya, harap harapan sa isang bar-" natigilan si Vejin sa kanyang impormasyong binitiwan ng bigla syang sampalin ni Bullet ng pagkalakas-lakas.

"B-Bu... Bullet, bakit?"

"Kung gusto mo pang mabuhay, itikom mo yang bibig mo" ma-awturidad na saad ni Bullet kay Vejin- napahawak si (Pyre) sa kanyang pisnging namumula, bumawi ng ayos na akto at muling tumindig ng diretso. Nagtataka man ngunit napatango nalang sa kanya si Vejin, dahil wala syang ibang choice kundi ang sumunod sa mas nakakataas sa kanya.

"Maaari ka ng umalis" saad ni Bullet dito bago tinanggal ang kanyang patalim na nakatutok sa leeg nito, napatango nalang si Vejin sa sinabi nya at agaran na ngang umalis dahil hindi nya pweding questionin ang utos ng may mas rango pa sa kanya.

Habang si Bullet na naiwang mag-isa ay nilamon ng sarili nyang isipin tungkol sa sinabing impormasyon ni Vejin.

"Mukhang magkikita na ulit tayo."

Astre's pov.

Nagising ako ng dahil sa ingay na sumbatang bumabalot sa buo kung paligid, isang puting ilaw na nakakasilaw ang unang bumungad sakin bago ko maibaling ang aking tingin sa buong paligid bumungad sakin si Mama, tita at si Milky.

Hindi nila napansin na gising na ko dahil tila ba nagkakagulo silang tatlo ng kani-kanila lang, si tita na pinapagalitan si Milky, habang si Mama inaawat sila.

"Ikaw talagang bata ka puro sarili mo nalang yang iniisip mo, tingnan mo yang ngyare sa kaibigan mo. Jusko, kung may ngyare sa kanyang masama tiyak hindi lang ikaw, ang hindi mapapatawad ng tita mo, pati ako," saad nito kay Milky, napangiti nalang tuloy ako ng wala sa hulog.

"Tama na yan Safare masyado mo ng pinapalo yang anak mo," pag-awat naman ni Mama habang nilalayo sa isa't-isa yung mag-ina.

"Tita was right, besides bumawi ako. I face the consequence after I save her, humingi ako ng tawad kay tita tinanggap nya agad pero ikaw? Sobrang sama mo sakin mama!" pabalik na sigaw naman ni Milky bago ginawang panangga ang sarili kung ina- ito talagang bruhang to, sumusobra na sa lahat ng bagay pati ba naman sa oras na to? Nagawa nya pang makipagsumbatan hindi nya nalang akuin yung hampas ni tita mukhang ng gigigil na nga sa kanya.

"It was my fault also," saad ko upang kunin ang kani-kanilang mga atensyon- na mukhang nakuha ko naman, kaso hindi ko inasahan yung gulat sa mga mukha nila.

"See?! It's not just my fault, nakisawsaw rin si Astre ang totoo nyan tita at mama si Astre talaga yung totoong namilit sakin na pumunta don pinigilan ko pa nga yan ang kaso ayaw talagang makinig," tingnan mo nga naman, ang galing nyang humanap ng tiyempo sa sarili nyang kasinungalingan.

"Anak." My mom, being worried, approached me right away at agarang Sinuri. "Alam mo naman na hindi kapa tuluyang magaling tama? Ano na naman ba itong mga naisip mo?" Seriously? Pinaniwalaan ni mama yung sinabi ni Milky?

"Believe me, mom, I tried my best to behave sa bahay pero yung iba dyan-" saad ko bago walang pakundangan na nilandas ang aking tingin sa gawi ni Milky before I continue my word "- hindi ko nalang papangalanan sa tunay nyang pangalan pero itago natin sa pangalang gatas, pinilit akung husto na lumabas." Saad ko, bago sumilay saking labi ang isang ngiti na mapangudyok sa pamimikon lalo na ng makita ko kung pano kurutin ni tita si Milky dahilan upang mapa-ingaw ito.

Inabot ni mama ang aking kamay bago ito marahan na hinaplos. "Natatakot ako sa mga pwede pang mangyare anak lalo na sa susunod na bukas," saad nito bago bumaling ng tingin kay tita- sa mga tinginan nila sa isa't isa, para silang mga nagsesenyasan.

Don't tell me about ito sa nalalapit na araw ng muling pagpasok namin ni Milky sa bago naming paaralan.

"Milky." pagtawag ni tita kay Milky, and then next, my mom, who called my name also. "Astre." Why do I feel that they were up to something?

"Po?" Sabay naming tugon ni Milky sa kanila.

"Promise us, ito na ang huling araw na masasangkot pa kayong dalawa sa gulo," saad ni mama, kaya naman alanganin kaming nagkatinginan ni Milky.

Doubting each other if we should agree, to be honest, yun na ata yung pangako na mahirap tuparin.

"Ayokong sumira ng pangako ma, kaya hindi ako mangangako- hindi ganon kalaki ang kaseguraduhan pagdating sa pagiging ligtas pero gagawin namin ang lahat para makampanti kayo sa lahat ng oras." Saad ko bago marahan na pinisil ang kamay ni Mama, kaya naman napangiti nalang sya sakin sabay haplos saking ulo.

Napabaling naman ako ng tingin kay Milky na tila may pilyong ngiti na sumilay sa kanyang labi- mahirap umiwas sa gulo't kapahamakan lalo na kung kasama ko tong mukha ng mapanghikayat sa gulo.

Hoping na hindi maging malala ang pag-encounter namin sa unang araw ng aming pagpasok sa bagong paaralan namin.

When She Meets YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon