Simula

167 4 0
                                    

"Gising na Ken!" sigaw ni Stell kay Ken, "tekaaa payb minutes" sambit nito sabay taklob ng kumot, "hindi pwede, bangon na" sambit ulit ni Stell sabay hila kay Ken, "male-late na tayo, tayo na dyan" dugtong ni Stell.

"Oo na ito na ito na!" sambit naman ni Ken habang nakapikit mata pa ring tumatayo, "Hindi ko talaga ma intindihan tong mindset mo" sigaw ng mommy nila."Si Trexie" sabay nilang sabi at tumakbo pa labas ng kwarto nila.

Typical na araw sa bahay ng mga Santos. "Puntahan nyo si Jah" sabi ng kuya nila, "Utang na loob Antonette, maliit na bagay pinapalaki mo pa!" sigaw ng daddy nila. "sige na, ako na muna bahala sa baba" sabi ni Josh

Pagpasok nila sa kwarto ng bunsong kapatid andun na si Justin yakap yakap ang 6 years old nilang bunsong si Trexie. Paglingon ni Justin, "umiiyak kasi kuya" sabi nito nang pumasok si Stell at Ken sa kwarto at pinasa ang kapatid kay Stell.

"Shhhh, tahan na andito na si teytey and kenken" bulong ni Stell sa kapatid habang pinapatahan nila ito, nilongon naman ni Ken si Justin nang marinig ang mas malakas na sigawan mula sa baba, hinawakan nya ang kamay ni Jah.

"Nasa baba na si kuya Josh, kaya nya na yun" sabi Ken, ngumiti naman si Justin kay Ken, nakita nilang bumukas ang kwarto nila kasabay ng pagpasok ng mommy nila habang ka sunod si Josh

"Sorry mga anak ha" sabi ng mommy nila sabay yakap sa mga anak nya, "kaya kayo, wag na wag ninyong pababayaan ang isa't isa ha" sabi ng mommy nila.

20 years later...

"Ateeee Roseee" sigaw ni Justin sabay pasok ng mga pinamalengke nya, "ready na lahat" pagbida nito, "baon ni Trexie, check! Special juice ni madam, check! And pang baon nyu po, check!" dugtong nito

"Good! Si Trexie?" tanong ni Justin sa kasambahay nila "kanina ko pa pinagising yun, di pa ba bumababa?" sabi ng mommy nila sabay upo sa hapagkainan, "Trexie Anne ano ba?" sigaw ni Justin

"Goodmorning!" masayang bati ng bunso sabay yakap kay Justin, "late ka na" sabi nito habang tinulak ang kapatid papunta sa upoan nya. "You're wearing t-shirt and jeans at the pharmacy?" tanong ng mommy nila, "no ma, I took a VL po" sagot nito, "oh? Why naman?" sabi ng kuya nya, "marami kaming gagawin ng boyfriend ko" sabi nito, tinignan lang sya ni Justin.

"ay fiancé na pala" pag correct nya, "What do you mean?" kinakabahan si Justin habang nagtatanong. Hinawakan ni Trexie ang kamay ng mommy nya at ni Justin.

"Ma! Kuya Jah! I'm getting married!!!!"

"Four Brothers and A wedding"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon