Stell's Pov

52 5 0
                                    

Next Morning, nagulat ako ng nagkakagulo na sa baba, nakita kong pinapagalitan si Ken sa may garden, gaya ng dati pag may kasalanan ka ipapatawag ka ni mommy dyan sa labas tapos maguusap kayo na parang confession room sa bahay ni big brother.

"Anong nangyari?" agad kong tanong kay Trexie ng nakitabi na rin ako sa kanila, nag kukumpolan kasi yung tatlo. Habang sinusubukang makikinig sa usapan sa labas.

"Nakipag away kasi yan kagabe sa 7/11 ayon doon natulog sa barangay hall" kwento ni Justin, hindi makikipag away si Ken ng walang dahilan. Mabilis lang uminit ang dugo nyan pero he knows when to take his actions, hindi sya impulsive unless na triggered na sya.

"Ano bang nangyari?" tanong ko, "may tumawag kasi kay M na sinto-sinto, ayun inupakan" sagot naman ni Josh, naku awayin nyu na lahat wag lang si M, highschool pa lang kami protective na yan dun eh, yung last na inupakan ni Ken dahil kay Moira is yung lalaking sumira ng music booth na gawa nina M.

nakita naming nagwalkout na si Ken at pumasok ng bahay habang humahabol naman si Mommy dito.

"Kenji Ross Santos, bumalik ka rito hindi pa tayo tapos mag usap" sabi ni mommy, "gusto ko ng matulog ma, kausapin nyu na lang ako pag papakinggan nyu na ako" sagot nito sabay pasok ng kwarto nila ni Justin

"Ken-" sigaw pa rin ni mommy, "my! Please, hayaan na muna natin, alam mo naman pag mainit ulo non walang sinasanto yun" sabi ko, "yaaan! Dyan ka magaling! itago palagi si Ken sa likod mo, kaya nga hindi ma ayos-ayos yung buhay kasi andyan ka palagi para sumalo" sabi nito

Teka? bakit parang kasalan ko? nagtanggol lang naman ako rito, bakit in a wrong way na naman yung approach nila sakin? "ikaw Justin handa naba lahat?" tanong nito kay Jah, "o-opo my" agad na sagot naman nito

"myy! Yung wrinkles, ano ba yan" singit naman ni Josh, dahilan para mapa ngiti si mommy, "Ha? Asan" tanong nito sabay hawak sa muka, tumawa naman si Josh sabay akbay kay mommy, "kahit naman anong manyari bolero ka talaga" sabi nito sabay kurot sa pisnge ni Josh at nagtawanan na ang dalawa. Kahit ano talagang mangyari, Josh will always have that spot.

Hapon ng naging busy ang buong bahay, actually more on si Justin sabay ng pagtulong sakanya nina Rishi at Marya.  "Anong magagawa ko Jah?" offer ni Marya, "ay nako ate wala na po, salamat sa tulong" saad nito sabay upo at pahid ng pawis

"Ano ka ba Jah, maliit na bagay. Bilib nga ako sayo na gagawa mo tong lahat despite of your busy schedule ha" sabi naman ni Rishi, "Totoo, doctor ka na pero ikaw pa rin yung main na taga ayos dito lahat" sabi naman ni Marya

"Ewan ko ate, nature ko na ata, hindi kasi ako ma permi if hindi na aayos yung mga gusto ko" saad naman ni Justin, bata pa lang kami he had that skill na ang mature nya sa lahat ng bagay, parang mas kuya pa nga yan kaysa kay Josh.

Nagtatawanan kaming apat ng biglang sumulpot si Trexie "kuya have you seen my white pants?" tanong ng kapatid namin, "Nasa kwarto, sabihan mo si Ken" sagot ni Justin sabay balik sa pagluto.

"grabi si Jah non, ang husband material talaga" sabi ni Marya sabya labag ng mga lumpia na binalot nya, "so sinasabi mo bang di ako asawa material?" pabirong tanong ko sakanya, "bakit? Papakasalan mo na ba ako?" sabi naman nito.

Natigilan ako sa pag m-mix ng cream ng mango float, "babe-" pagtawag ko pero hindi nya ako pinatapos

 "It's okay Stell" sabi nito and pumasok ito ng kusina dala ang mga lumpia, nilingon ko naman si Troy, "I so hate you" sambit nito and sumunod sa mommy nya.

I really love Marya pero bakit di ko ma sagot-sagot yung tanong nya.

"Four Brothers and A wedding"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon