Stell's Pov

50 4 1
                                    

Tulala lang ako ritong nakatingin sa laptop ko,  nang biglang pumasok si Troy ng Sala mula sa paglalaro sa labas.

"Stell I want iced choco" sabi ni Troy, "Please?" sabi ko sa kanya, umirap ito, "please!"sabi nya, "and batteries, my car won't work" sabi pa, huminga ako ng malalim, "okay then let's go to the mall" sabi ko

"Yehey!" sigaw ng bata sabay pasok sa kwarto, kaya napangiti naman ako, "aalis kayo?" tanong ni mommy ng mapadaan ito sa salas, "opo mommy, pasyal ko lang si Troy mukang nababagot na dito" sabi ko sabay beso, "mabuti yan para magkabonding naman kayo" sabi ni mommy.

Pagdating namin sa mall agad kaming pumunta sa toy store, "hey Troy honey be careful" agad kong sabi sabay habol sa kanya "I'll be fine" agad naman nitong sagot sabay takbo pa punta sa mga toy cars

"Can I have this and this?" masayang sabi nito sabay pakita ng dalawang toy cars, "Honey, you know dapat isa lang" sabi ko, nag pout ito. "Mommy would buy me both" sabi pa nito, "but I'm not mommy" sabi ko naman mas nag pout ito, "choose one then let's get batteries na para kakain na tayo" dugtong ko sabay talikod

"P-please, I promise I wont be angry about veges on my plate, please!" sabi nya kaya naman na pa ngiti ako, "and not nag about sleeping time?" propose ko pa, huminga ito ng malalim, "fine" pagsuko nya, I rumble his hair and kinuha yung dalawang toy cars.

After naming mag bayad lumabas kami ng toystore para makakain na kami, "hungry?" tanong ko, tumango naman ito, "I wan't iced choco and spag" masayang sambit nya habang yakap yakap yung mga bago nyang laruan

Patapos na kaming kumain may nakita akong isang babae na naka dikit sa isang lalaki, bakit pamilyar yung babae na to? paglingon nito nanlaki ang mga mata ko na si Gelesa pala yun, "Stell I'm done, let's go" sabi nya, sininyasan ko lang sya to be quite

Sinundan ko ng tingin si Gelesa at mukang di nya nga ako na pansin, nagulat ako ng biglang humalik yung lalaki sa balikat nito sabay ng pagngiti naman nya, mukang ginago nya lang nga kapatid ko.

Pagdating sa bahay narinig kong nag sumisigaw si Trexie, "Go to our Room stay there" agad kong sabi kay Troy sabay utos kay Kimpy na samahan muna ang bata, "anong nangyari?" bulong ko kay Justin

"Tinuloy yung pag inbestiga sa pabrika nina Sejun" bulong ni Justin, ano? dyosko naman Kuya oh! 

"Sorry na nga bunso eh" sabi ni Josh habang sinusubukang lumabit kay Trexie, "hindi! Hindi ko ma intindihan, bakit mo na gawa yun!" sigaw nya, "Trexie Anne, He said sorry hindi pa ba sapat yun?" saway ko

"No kuya! paano magiging sapat yun? Hindi nya nga ako mabigyan ng tamang dahilan bakit nya nagawa yun" sigaw ni Trexie, "dahil ayaw ka namin makasal sa mukong na yun" sabi ni Ken

 "so plano nyu nga tong lahat" sabi ni Xie, "bakit?" dugtong nya pa, "we want lang kung ano mas best sayo, masama ba yun?" sabi naman ni Justin, "best? Sino ba kayo para maka alam ng best para sakin?" sigaw ni Trexie

"Trexie Anne nakaka bastos ka na ah" sigaw ni Josh, "ikaw yung nakakabastos kuya, ikaw tong nag bastos sa pamilya ng mapapangasawa ko, dahil ano? dahil di nyu sya gusto, for Christ sake! 3 weeks na lang kasal na issue pa rin yan?" dugtong nya

"ano ba ang hindi nyo magustohan kay Sejun? Dahil pa rin ba sa alitan nyu pa rin  noong highschool kayo? Putcha naman! Ano? dahil pa rin to sa dota tournament na tinalo ka nya kuya Josh? dahil pa rin ba to sa pagiging basketball captain nya at hindi ikaw kuya Ken o dahil pa rin ba to pagiging student council president nya at natalo ka kuya Justin? Or baka naman dahil pa rin to sa pagiging valedictorian nya at pagiging salutatorian mo kuya Stell? Hindi ko na kasi alam kung saan kayo nanggaling, ako pa ba yung issue dito o kayo na?" saad nya pa

"Four Brothers and A wedding"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon