Justin's Pov

63 4 0
                                    

Nasa harap kaming lahat hapagkainan habang tawang-tawa si mommy sa palitan na kwento nina kuya Josh and Ate Rishi, super kwela nya no wonder nagustohan ito ni Kuya, ang saya lang ng paligid parang gaya lang ng dati, na miss ko to, nakakamiss to.

"ang saya nyu tignan parang noong bata lang kayo, kung di pa ikakasal si Trexie di pa kayo makukumpleto" sabi ni Ate rose, tumigil naman ang lahat sa pagsasalita

"kaya nga! Mabuti at ikakasal na ako" masayang sabi ni Trexie "teka nga ikaw na Xie eh sure na sa lalaking yan" sabi kuya Josh

"Yes kuya, bakit what's wrong with Sejun ba?" takang tanong ng bunso namin, tumawa naman kaming apat na para bang kating-kati kaming mag kwento, kung alam mo langTrexie Anne!

"bipolar yun" sabi ni Ken 

"Suplado" sabi ko naman

"mataas tingin sa sarili" sabi naman ni Stell

"huh! In other words Bugnotin kamo" sabi naman ni Josh

"wow ha! If this is about highschool issue with him, please ang tagal na non mga kuya, grow up guys " sabi naman ni Trexie, "Xie we just want the best for you" sabi ni Stell sabay tingin sa kanya "hindi ka nga sumasagot samin dati, look at you now" sabi ko naman

"a person can change, bigyan nyu muna ng chance yung tao, di nyu pa nga kilala eh" saad naman ni Trexie, "okay fine gets kita, pero bakit next month agad? May lakad ba kayo?" sabi naman ni Josh

"His grandfather is ill and he wants to see his youngest grandson's wedding" pagexplain ni Trexie, "bakit mamatay na ba?" natatawang sabi ni Josh, "baka iba kasi habol" sabi naman ni Stell

"ganon ba ka baba tingin nyu sakin na sex lang habol ko?" iritang tanong ni Trexie, "baka yun yung habol ni Sejun!" sabi naman ni Josh sabay ng pagtawa nila maliban kay Ken

"hindi nyu man lang inisip na mahal ko talaga" sabi pa ni Trexie, "lolo mo mahal" sagot naman ni Josh, "may point si Xie, bakit hindi na lang natin kilalanin, at suportahan bunso natin" sabi ni Ken

"Huy Kenji Ross baka nakalimutan mo kung sino papakasalan nya" sabi ni Josh, "pero tama naman si Xie ah, bakit hindi natin sila bigyan ng chance yung tao" tugon pa ni Ken, "So hahayaan na lang natin?" sabi naman ni Stell, "kung doon sila Masaya bakit hindi?" saad ni Ken

"So kahit mali dahil mahal okay lang?" sagot naman ni Stell, "paano mo nasabing mali?" sagot naman ni Ken

Nagkainitan na ang dalawa, "si Xie pa rin ba topic dito?" saligbat ni mommy "yata?" sabay naming sabi ni Josh

"Opo" sabay namang sabi nina Stell and Ken, "pariho kayong may point pero kung si Xie talaga yung gusto maka realize ng mga pinopunto nyu, asan na?" sabi nito sabay ng paglingon namin, wala ng Trexie sa pwesto nya.

Lumabas naman kaming apat sa bakuran namin at napa tiningala kami sa tree house namin, sabay ng pag ngiti namin, memories.

Nakita namin si Trexie na naka nasandal sa puno sabay pahid ng luha "oh bakit kayo lumabas" agad na sabi nito nahiya naman ako ng marinig ko yung lungkot sa boses nya.

"sorry na bunso, kasi naman baby ka namin eh tapos na gulat na lang kami kukunin ka na samin" sabi ko

"mahalaga ka samin Xie kaya protective lang kami sayo" sabi naman ni Stell, "pero kailangan mag away sa loob?" sabi pa nito sabay cross arms, "ah yun ba? Sorry na!" dutong naman ni Ken.

Hindi sumagot si Trexie at tumalikot sa amin, "teka, wala namang walk outan oh!" paghabol ni Josh sabay back hug dito, "oo na pumapayag na kaming kilalanin sya" sabi ni Stell sabay yakap na rin, "talaga?" tanong nito sa mga kuya

Tumango naman kaming apat, ngumiti naman si Trexie kaya kinurot ko yung ilong nya, and yumakap na rin, "tampo pa rin ako sayo" sabi pa ni Xie kay Ken, "luh? Ako nga kakampi mo diba?" sabi ni Ken

"tinawag mong bipolar si Sejun, di maganda yun" sabi pa nito, kaya natawa ako, still our baby, "ay sorry" sabi ni Ken at yumakap na rin, ngumiti naman si Trexie "yieee bati kami" sabi ni Josh, "talaga bati?" sabay naming sabi ni Trexie tumawa naman ng ilang yung dalawa.

"pero please mga kuya bukas sa pamamanhikan dito, please behave kayo?" sabi ni Trexie, "please!" pakiusap nito 

tumango naman kami apat sabay drawing ng halo sa ulo namin,  kaya na ba talaga namin e let go ang baby namin. Lord Please send back up!

"Four Brothers and A wedding"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon