Author's Pov

45 5 2
                                    

Mag aalas syeite ng dumating ang mga Santos sa bahay ng mga Nase, dumating kasi yung nagiisang tita ni Sejun kasama ang mga pinsan nya. Kinakabahan ang lahat bakit parang angbigat ng gabing to para sa kanila.

"Balae" masayang sabi ng mommy ni Sejun ng sabay beso sa nanay ng pamilya Santos, "Balae" bati rin ni Antonette "Boys!" bati nito ngumiti naman yung apat, "Anne" simpling bati ng tatay ni Sejun, nilingon nya si Josh

Hindi matignan sa mata ni Josh ang ama ni Sejun, alam nya kasi na isang maling sabi nya lang bigla na lang sasabog ang sekreto nito, naramdaman ni Rishi ang tension  na nadama ni Josh, kaya hinawakan nya ang kamay nito.

"Come in dinner is almost ready, oh andyan na pala si ate" sabi pa ni Paula, sabay-sabay na pala lingon ang lahat, "this is my sister Johnna" sabi ni John sabay pakilala sa kapatid nito

"Trexie, nice to finally meet you iha" sabi nito sabay beso dito, "ako rin po tita" masayang sabi ni Trexie, "and this is my mother, Antonnette" sabi ni Trexie sabay pakilala sa tita.

"Nice meeting you" simpling sagot nito sabay beso sa ina ng mga Santos, "and this is my brothers" dugtong ni Trexie, "ahh the medical boys" sabi ng tita ni Sejun, "Oh except this one" sampit nito sabay turo kay Josh, "Joke" pahabol nya habang tumatawa dahilan ng pagkawala ng ngiti ng mga Santos, sasagot sana si Stell pero pinigilan sya ni Josh

"Tea?" pagimbita ng mommy ni Sejun, "ay mag inggat kayo sa green tea natin baka masabihan na naman tayo na marijuana ulet yan" pagbibiro ng daddy ni Sejun, "Dad!" sambit ni Sejun, "Joke lang naman ito naman" sagot ng daddy nya

Nagkatinginan sina Sejun at Josh, more likely humingi ng tawad si Sejun sa action ng daddy nya, ngumiti lang si Josh like answering it's okay.

Magsasalita na sana si Sejun ng bigla may nag salita, "Hi Guys, I'm here na" sigaw ng isang babae sa may pinto, paglingon nila, "ah! This is my daughter Flagyl" sabi ng tita ni Sejun, "baby Paopao" masayang sabi nito sabay yakap sa pinsan

Umirap naman si Sejun, "Gyl this is Trexie my Fience" pagpakilala nito sa pinsan, "Hi finally, the girl that melted the ice heart of my Paopao" sabi nito sabay hug kay Trexie, "and this is Xie's older brothers, Justin, Ken, Stell and Josh" sabi ni Sejun, ngumiti naman ito sabay shake hands sa apat

"Hey! Your Cullen" sabi ni Flagyl kay Josh, "P-po?" ilang na sagot ni Josh, "ikaw nga yun, yung server sa bar na tumulong sakin" Masaya nyang sabi, "mom, sya yun yung nagligtas sakin sa Spain" dugtong nya pa

"Na-naku po, hindi ata ako yun" sabi naman ni Josh, "ikaw yun eh, your with her" sabi pa ni Flagyl sabay turo kay Rishi, nanlaki naman ang mga mata ng dalawa, "why would you say that Gyl? Josh is a nurse sa isang sikat na hospital" natatawang sabi ng daddy ni Sejun

Nakitawa naman ang tita ni Sejun, "bakit naman magiging server yang kuya ni Xie eh nurse yan" hirit pa ng tita ni Sejun, "what's funny sa pagiging nurse ng anak ko?" tanong ni Antonnette, "wala naman diba Josh?" sabi ng daddy ni Sejun sabay tingin kay Josh.

Pakiramdam ni Josh ang liit-liit nya, wala syang magawa o masabi dahil wala sya sa lugar, para ba ang lahat ng tapang nya sa katawan ay nawala ng parang bula.

"Let's go Trexie, aalis na tayo dito" galit na sabi ng mommy nila dahilan para ma wala ang tawa ng mag kapatid na Nase, "B-bakit Balae" nag alalang tanong ng mommy ni Sejun, "tita Anne please-" habol ni Sejun

"Hindi ko hahayaan na mamaliitin nyu ang anak ko sa harap ko, hindi ko hahayaan na gagawing nyong joke ang anak ko sa harap ko, oo server ang anak ko sa Spain pero bakit may masama ba dun? Oo nag kamali ang anak ko sa nagawa nya sa inyo at sa negosyo nyu, pero hindi yun dahilan para apak-apakan nyu sya" galit na sabi ni Anne

"Uuwi na tayo Trexie Anne, tara na" dugtong nya pa sabay labas ng bahay ng mga Nase, walang na silang nagawa kundi sumunod na rin sa mommy nila

Pagdating sa bahay nila

"Ma..." nahihiyang tawag ni Josh, "Tingin mo hindi ko alam Josh? Tingin mo maluluko mo mga kapatid mo?" galit na sabi ng mommy nila, "alam nyu?" sabi nya sabay lingon sa mga kapatid nya

"Matagal nyu ng alam!" dugtong ya pa, tumango naman sina Stell at Justin, "teka alam ang ano?" sambit naman ni Ken, "Ken wag ka munang sumali" sambit ni Stell, "bakit hindi? Kuya ko tong na pre-pressure nyu" sabi naman ni Ken sabay lapit kay Josh

"Sige na kuya! Please tell mommy na" sabi ni Stell, "it's time na!" dugtong nya pa, "Kuya sige na" pilit naman ni Justin, palipat lipat ang tinginsi Josh sa dalawang kapatid, "Kuya..." pilit ni Stell, "tingin nyu madali to?" sabi ni Josh, "kaya nga palayain mo na ang sarili mo" sabi pa ni Stell

Nilingon ni Josh yung mommy nila, "my, sorry!" panimula ni Josh, "h-hindi ko po kasi alam kong paano ko sasabihin sayo, kung paano ko ipapaalam sayo na yung panganay mo nawalan ng trabaho" kwento ni Josh

"Hindi ko kayang sabihin na natanggal ako kasi hindi sila bilib sakin, hindi ko kayang sabihin na yung pinagmamalaki mong anak, drawing pala" sabi ni pa ni Josh, sabay ng pagbuhos ng mga luha nya

"So sa tingin mo hindi ko maiintindihan?" tanong ng mommy nila, "no! ma! Ako kasi yung may mali, ako yung hindi maka tanggap ng sarili ko, ako yung hindi maka tanggap na sa lahat ng mga anak mo ako yung kulelat" sagot pa ni Josh, "kuya" pagprotesta naman ni Ken ngumiti naman si Josh kay Ken.

"Kasi kahit ano naman gawin ko hindi ako papantay sa galing ni Stell, si Stell na scholar, si Stell na sa kahit anong bagay napakagaling" sabi ni Josh sabay harap kay Stell, "ako?" gulat na sabi ni Stell, "oo ikaw Stell" bulyaw ni Josh

"Ikaw yung kahit ano gawin mo magaling ka, ikaw yung honor student, ikaw yung paburito ng teachers, ikaw yung talented, ikaw na lahat! mahal na mahal kita Stell kasi kapatid kita pero hindi ko ma iwasang ikumpara at mainggit sayo" dugtong pa ni Josh, "pero bakit parang kasala ko?" sabi ni Stell na bakas pa rin ang gulat sa muka

"Eh kung tutuosin nga ako tong inggit na inggit sa inyo, sana I got your charms and humor kuya kasi benta kay mommy. She only laugh at your jokes, she always smiles pag andyan ka sapaligid, ang gaan ng mood nya pagkama ka nya. Sana I got your tapang! Yung kaya mo kami lahat ipaglaban sa lahat aspekto ng buhay Ken, kasi si mommy! she felt safe with you. Sana I got your patients, your pagiging maalagain, your positive mind Jah kasi mommy entrust you with everything and I wish Xie, I had your innocence, your adventurousness kasi mommy would always care for you kahit anong mangyari" saad pa ni Stell

"Are you saying that I am being unfair?" tanong ng nanay nila, ngumiti lang si Stell, "No ma it's okay ma! Kasi ramdam ko naman tanggap ko naman kasi iba naman talaga care mo kay Josh and kay Trexie and of course si daddy naman si Ken and Justin, and Masaya na akong minahal nyu ako, you supported what I wanted, binigyan mo ako ng bahay, damit, pangalan and that's enough" sagot ni Stell

"No! no! Stell!" sabi ni Anne sabay lapit kat Stell and cup his face, "I never knew na ganoon na pala ang nararamdaman mo, I thought I am being fair, and I just give extra to Josh and Xie kasi sila yung mas kailangan ng guidance ko, kasi mula ng bata kayo sila na yung sakitin diba? Josh is the kuya pero mas responsible si Jah, sya yung mas kuya pero mas matatag ka, ikaw kasi yung alam kong di ako mas kailangan, and I never knew na nasasaktan na pala ang Vester ko" dugtong nya

Stell wipe his mother's tears "No ma it's okay kasi growing up naman I have Kenken, na kahit anong mangyari ako yung first choice, hindi nya ako pagpapalit" sagot nito sabay harap kay Ken, "pero mukang ayaw nya na ako bilang kapatid eh" dugtong nya pa kaya napaharap si Ken sa narinig nya

"I know I'm not aperfect mom, pero wala kayong choice, ako lang ang meron kayo, and I want youall to know na mahal ko kayo in my heart equally, sorry kung may pagkukulangman ako sa inyo" saad ni Anne and hugged her children

"Four Brothers and A wedding"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon