Author's Pov

75 6 4
                                    

Back to the present

Sa bahay:

Aligaga si Justin dahil ngayon dadating yung mga kuya nya, "Trexieeeee ano ba, ang kupal mo" galit na sigaw ni Justin habang nilalagay ng kapatid ang ginawang mango float sa ref.

"Jah? Anong oras na? Nandyan ka pa rin, kanina ka pa dyan sa paglalagay ng kurtina, padating na mga kuya mo" sabi ng mommy nila "Patapos na to ma" sagot nya sa mommy nya.

"Yung kwarto okay naba?" tanong pa nito, "pinagawa ko na po kay ate Rose" pagpapaliwanag nito. "Ikaw nalang sana nag ayos non" saad ng mommy nila, "yes ma" simpling sagot ni Justin.

Sa airport:

Josh

"Hello Philippines!" sigaw ni Josh pagkabukas ng exit door nito, "huy! Cullen ba't ka ng iiwan" reklamo ni Rishi at hindi na sumagot si Josh. "Okay review ulit tayo" pahabol ni Rishi "isang kang nurse" sabi ni Rishi, "correct" saad ni Josh, "hindi ka waiter, hindi ka dishwasher" sabi nya, "go on" utos ni Josh

"At nurse ka ng anak ng pinsan ng hari" sambit ni Rishi, "mali! Anak ng pinsan ng pamangkin ng hari" pagcorrect ni Josh, "sorry!" sabi ni Rishi sabay taas ng kamay, "oh continue" sabi ni Josh

"2 years na tayoooo" masayang sambit nito, "dalawang linggo" pacorrect ulet ni Josh, umirap naman si ito, "mommy ninyo retired Head nurse, daddy ninyo isang surgeon, Si Stell Pharmacy graduate na medicine Rep sa isang pharmaceutical company, Si Ken Rad tech pero mas piniling maging dancer, si Justin Med tech at doctor na ngayon at inagaw ni Justin yung girlfriend ni Stell kaya hindi sila in good terms" sabi ni Rishi na hingal na hingal

"mali si Ken yun" saad ni Josh, "ay sorry" sagot naman ni Rishi, umirap naman si Josh "alam mo para kang may mens" reklamo nito sabay cross arms

Stell's Pov

"Give me your bags" sabi agad ni Stell sa batang kasama nila ni Marya nang may humintong taxi sa harap nila. "Come on Troy, get in the car na" sabi ni Stell at inirapan lang siya ng bata sabay pasok sa kotse, huminga ng malalim si Stell "para kay Marya para kay Marya" paulit-ulit niyang sinasabi sa isipan nya.

"Babe, I'm going to Singapore this Sunday pero I'll be back a week after, Sorry" sabi ni Marya. "it's okay, trabaho yan Go lang" sagot ni Stell and Marya kissed his cheek at tinignan ulit ni Marya ang kanyang laptop habang naglalakad.

"You must behave with Tito Stell ha, ayokong makarinig ng anong sumbong from him" saad nito kay Troy at nag pout lang yung bata "yes mommy" sagot nito at tinignan ng masama si Stell sabay kuha ng isang bagay sa bag nya.

Habang papunta na sila Stell at Josh sa kanilang bahay , si Justin naman ay aligaga sa bahay dahil sa paghahanda at kay Ken na di pa dumarating.

"Hello? Oh asan ka na?" agad na bungad ni Justin ng marinig yung boses ng kapatid niyang si Ken, "ito nag dra-drive at nakaligo na ako wag kang magalala" sagot ni Ken sa kabilang linya pero sa katotohanan ay kakalabas palang niya sa bahay ni Moira dahil naki ligo lang siya .

"Talaga lang ha! Bilisan mo at baka maunahan ka pa ng mga galing abroad" sermon ni Justin, "Ito na nga mommy ho nagmamadali na" pangasar ni Ken, "bahala ka nga sa buhay mo" sabi ni Justin napipikon na at binaba na yung call.

Pagkababa niya ng call tsimpong may nag dodoorbell at dali dali siyang lumabas para I check kung sino yon.

"Andito na sila" masayang sigaw ni Trexie, "ako na mag bubukas!" sigaw ni Kimpy, "ako na" masayang sigaw ni Trexie sabay habol pero na unahan na ito

Pagbukas ng gate si Marya ang agad na bumungad sa kanila

"Hi I'm Marya" pagpakilala nito "ang galing talaga sa babae ng Josh natin" masayang sabi ng mommy nila, "Ma, kay Kuya Stell yan" pagcorrect ni Justin. " Hi po Tita" matamis na bati ni Marya sa mommy nila Justin "Ah may mantika at gunting po ba kayo ?" dugtong na tanong ni Marya sa kanila.

"Meron ganda! Wait a minute" sabi ni Kimpy at dali daling tumakbo pabalik sa loob ng bahay. "Ate Marya, finally we meet" masayang sabi ni Trexie sabay yakap kay Marya, "Hi Marya finally, I'm Justin" pagpakilala naman ni Justin, "aanhin mo yung mantika and gunting?" tanong pa nito "My nephew kasi put a Super Glue sa kwelyo ni Stell" nag alala at nahihiyang sagot ni Marya.

Agad silang sumugod sa taxi ng marinig ang kwento ni Marya, "Kuya!" sabi ni Justin sabay open ng pinto ng taxi, "ayos ka lang ba?" alalang tanong nito sa kapatid ng makita nyang naka super glue yung kwelyo nito sa upoan.

"ito na yung gunting" sigaw naman ni Kimpy, "akin na" sabi ng mommy nila, "oh? Anong kagulohan to faaaam" masayang sabi Josh! "Joshieeeeeee" masayang sabi ng mommy nila at agad na tumakbo papunta kay Josh habang pinagpatuloy nila Marya ang pagtanggal ng super glue sa damit ni Stell.

"kasama mo ba yung Brazilian mong girlfriend?" sabi nito kay Josh, ngumiting ilang si Josh, "Ma, si Rishi po, g-girlfriend ko" sabi nito sabay pakilala kay Rishi, "hi po mommy" sabi naman ni Rishi, "he-hello" ilang na sabi ng mommy nila

Pagkalabas ni Stell sa taxi "Joooooosh!" sigaw ni Stell at lumapit na rin sa kapatid, "Stell!" sigaw rin ni Josh sabay yakap dito

"Si Rishi nga pala girlfriend ko" saad ni Josh, napa isip naman si Stell pero ngumiti ito "nice meeting you, "ito naman si Marya, girlfriend ko" pagpapakilala ni Stell, "and this is Troy, anak namin ni Marya" dugtong ni Stell, "his my nephew, his parents died on a car accident" kwento ni Marya sabay hampas sa balikat ni Stell.

"Kuya Kenken" masayang sambit ni Trexie nang makita nya ang kotse ni Ken na pina park. Sinalubong agad ito ni Trexie ng nakalabas si Ken sa kotse sabay yakap "Ken!" masayang sambit ng mommy nila, "mabuti at nakarating ka" dugtong pa nito sabay yakap dito "malakas sakin ang panget na to eh" sagot naman Ken

"ah sya yung nang agaw ng shota" bulong ni Rishi, "shh" saway ni Josh. Sumunod na lumabas naman sa kotse ni Ken ay si Moira "Mabuti naman sumama ka M, na miss kita" sabi naman ni Trexie, "kailangan ng taga kunyat ni tita para kay bonak kaya sumama ako" sagot naman ni Moira sabay beso sa mother ng lima

"Keeen!" masayang sigaw ni Josh, "Kuyaaaa" masayang sabi Ken sabay takbo papunta kay Josh, "kasama mo yung Brazilian bebot mo" sabi nito tinakpan agad ni Josh yung bonganga nito, "andito shota ko, hayup ka talaga" sabi naman ni Josh, "Hi Rishi" pagpakilala nito

"ayos ah, may bago na agad" natatawang sabi ni Ken habang kinakamayan si Rishi dahilan para masuntok ni Jos "M, tinitiis mo pa rin to" sabi ni Josh sabay beso kay Moira, "malas ko nga eh" sabi naman ni M dahilan ng pag hila ni Ken sa buhok nya at pag ganti ng kurot rito.

Paglingon ni Ken saktong nag tama yung mga mata nila ni Stell, "tey-Stell" bati ni Ken, "k-kamusta" sagot naman ni Stell sabay yakap kay Ken kahit ilang ito, biglang tumahimik yung paligid

Biglang may bumasag ng katahimikan ng dumating bigla si San.

"hi po anong meron" sabi niya. "San" masiglang tawag ni Justin, "San, andito ka na pala" sabi naman ng mommy nila, "kahit may duty po ako aabsent ako para sayo tita at kay trexie" sabi naman ni San kaya natawa ang lahat.

"Four Brothers and A wedding"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon