Ken's pov

41 4 0
                                    

Nagtipon kami dito sa garden ng mga kapatid ko, ewan ko pa sa pakulo nitong si Josh na to. Mag pla-plano daw pero heto tumatagay kami.

"So ano na yung plano natin?" tanong agad ni Stell sabay upo tinignan ko lang sya anong trip nito? "kung kailangan nating ipatapon sa ibang planeta gawin na natin" gigil kong sabi.

"Ano ba ang nakita ni Xie sa mukong na yun" reklamo ni Josh sabay bukas ng beer, "teka bakit naka formal outfit ka Stell?" dugtong pa ni Josh, "ah wag nyu na akong pansinin, may meeting ako with my staff, may problem daw sa isang product eh" pagkwento ni Stell

"Kaya naman pala naka long sleeves ka sa ganito ka init na panahon" sabi pa ni Josh kaya natawa naman kami ni Justin

 Tinignan lang sya ng masama ni Stell, "pero sige lang makikinig lang ako" sagot naman ni Stell at inabutan naamn sya ni Justin ng beer.

"So pano nga?" tanong ko naman "nawawalan na tayo ng oras, malapit na yung kasal nila" dugtong ko, "Bakit hindi kaya may isang ma una makasal para di matuloy, SUKOB!" sabi ni Josh

"Oh sino sa inyo, alang naman ako eh wala akong shota" sabi ni Justin, "alam namin Jah, wag mo ng ipagkalat, matandang binata ka nga diba?" pangasar ko dahilan para tapunan nya ako ng mani kaya natawa kaming mga kuya nya, pikon!

"Pabebe kasi kay San, gusto naman" sabi ko, "isa pang hirit Ken-ken sapak ka sakin" asar na sambit ni Justin, "so? sino nga?" dugtong nya pa

"Oh? Hindi rin ako pwede 2 weeks pa lang kami ni Rishi, Ano Stell-Ken willing ba kayo may pinakamatagal na ka relasyon dito?" sabi ni Josh, kaya nasamid ako sa iniinom ko

"Of corse hindi! Hindi dahil gusto nating hindi ma kasal si Xie, instant ko na lang papakasalan si Marya, marami pa kaming gustong gawin" sabi ni Stell, "bakit ikaw ba Ken willing ka? Matagal na rin naman kayo ni Gelesa" dugtong nya pa.

"Ta-tanongin ko si Gelesa" straight kong sabi, "ayun Solve na" sabi ni Justin, "No!" sabi ni Stell, "At bakit no?" sabi ko naman, "tingin mo ba papayag si Gelesa ng biglaang kasal? knowing her maraming plano sa kasal yun , tapos kay Gelesa pa tayo aasa?" matabil na sabi ni Stell

Hindi ako naka sagot sa mga paratang nya napa yukom na lang ako ng kamao ko, kahit kailan mayabang talaga apog nito, "Ay hala oh! Halukatan ng ex yung mga bobo" sabi naman ni Josh, tinignan ko sya ng masama!

"At sino nga ulit yung ex?" tanong ni Josh sabay turo kay Justin, "si Edward!" sagot naman nito, "Ayun! Go Justin paki contact si Edward, alam ko di pa naman yun nakaka move on kay Trexie, dahil sa pagbabalik ng past,  mayayanig ang future" sabi ni Josh sabay turo kay sakin, gago talaga kahit kailan.

"That's a no!" salungat agad ni Stell, "hilig mong kumuntra nuh?" sabi naman ni Josh, "baliw ba kayo? Bakit naman babalikan ni Trexie ang lalaking nanakit sa kanya at yung reason bakit sila nag kakilala, baka mag pasalamat pa yung kuting na yun" sabi naman ni Stell

Huminga kami ng malalim, "so wala! Wala tayong magagawa" sabi naman ni Justin, "bakit hindi na lang natin e set up si Sejun?" sabi ni Josh, "set up saan?" sabi ko "sa ibang babae" sagot nito, "gago ka ba? Gusto mag kulong ulit si Trexie sa kwarto?" sabi ko, "wala! Wala na akong ma isip, pero na lang may cons" reklamo ni Josh

"Wala kasing pros yung naiisip mo eh" sabi naman ni Justin, "sorry bobo eh" sagot naman ni Josh sabay irap kay Jah at lumingon kay Stell

"Ikaw Stell? Ikaw naman matalino dito diba? ano plano mo" sabi ko, "bakit di natin ipakilala si Trexie sa..." 

Pero hindi na tapos ni Stell ang sinasabi nito ng biglang tumunog yung phone nya, "that's my call! excuse me" sambit nito at umalis.

"Ipakilala? saan?" reklamo ni Josh, "ano daw?" saad pa nito! "ipakilala si Trexie?" sabi naman ni Justin, "ang gulo nun" sabi pa ni Josh

Ano nang gagawin namin hindi naman nakatulong yung hayup!

Kinaumagahan!

"Mga hayup Gising!" agad na sigaw ni Josh sabay pasok sa kwarto namin ni Justin, sabay talon sa higaan, "utang na loob kuya ang aga pa" reklamo ni Jah sabay tayo, habang ako nagtaklop ng kumot, "hep! hep! Tayo ka dyan Kenken wag mo akong tulogan" sabi nya sabay hila ng kumot

Tumayo ako para pumasok ng Cr, "gets ko na ang sinabi ni Stell kagabi" proud na sabi ni Josh, "Share mo lang?" sabi ko sabay open ng door, "eww Kenji!" sabi ni Justin sabay close ng pinto kaya na tawa ako.

"Four Brothers and A wedding"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon