Ken's Pov

43 3 0
                                    

Palabas kami ng gate ni Gelesa para salubongin yung grab na binook nya, pagkatapos ng breakfast dito sa bahay ewan ko bakit nagmamadaling umalis tong isang to.

"Masaya ata araw mo ah?" sabi ko, "don't start with me Kenji" saad nya, "start what? Di na ba pwedeng punain ko lang yang mga ngiting yan?" sabi ko

"Alam mo Kenji, ang labo mo ikaw tong nagdala sakin dito sa bahay mo tapos ako tong gigisahin mo, dyan ka na nga" galit nyang sabi sabay pasok sa kotse at agad na umalis.

Wala akong angawa kundi pumasok ng bahay, bwesit na buhay to! pumasok ako ng kwarto at humiga sa kama, saktong pumasok rin si mommy

"Ano yung palabas na yun Kenji?" agad nyang sermon, "ma ano na naman?" sabi ko, "hindi mo man lang ba inisip ang mararamdaman ni Stell?" sabi pa nito, "so hanggang kailan ko di madadala si Gelesa dito?" sagot ko

"Hangang di kayo nag uusap ni Stell ayuko kong makita ang babaeng yan" saad nya, "ang unfair naman ma? Alam mo kung ilang beses ginawa yan, tinawagan ko, nilapitan ko, pero wala! Tinataboy ako, lumuhud na nga ako diba? Pero wala pa rin, ako na lang ba palagi ma?" sabi ko, "Oo ikaw dahil ikaw ang mali dito" sabi nya sabay labas

Great! Ako na naman, what's new?

"Ken" mahinang tawag ni Moira, "M wag ngayon please" pakiusap ko, "hindi Ken, hindi ako aalis dito hanggang di mo nakukuha mali ka!" sabi nya, "oo na!" sigaw ko, "mali na ako! Ako naman palagi eh, kelan ba ako naging tama?" sigaw ko pa

"Sya lang yung nagparamdam sakin na kaya ko rin maging katulad nila, sya lang nagparamdam sakin na kamahal-mahal rin ako, sya lang nag pakita na pwede rin ako" dugtong ko

"kung sya lang, ano kami Ken? Display? Tao-tauhan? ang laking harang nya naman oh, na di mo na kami nakikita, ako, yung mommy mo, yung mga kapatid mo, ano tingin mo di ka namin mahal, marami kami sa paligid mo Ken? pinili mo lang e ikot yang buhay mo sa kanya, di mo nararamdaman na ginagamit ka lang nya" sagot ni Moira,

"Sya lang yung nandun noong kailangan ko ng tao sa tabi ko M, sya lang" sigaw ko, "nahuli lang ako Ken, pero andun ako diba? Na late lang ako pero pinilit kong dumating, kahit ikawala pa nga ng trabaho ko diba? Dumating ako diba? Pero pag dating ko andun na sya, saan ako dun lulugar?" sabi naman ni M sabay punas ng luha

"Alam mo kung ano mali mo? Hindi mo kaya akoin ang kasalan mo, ipaparamdam mo lang samin na ikaw lang meserable, ikaw yung kawawa, ikaw yung dihado, eh ikaw naman may gawa nyan!" dugtong nya

"Mahal ko si Gelesa" sabi ko, "mahal? Pwes di nya deserve yun" saad nya, "at sa tingin mo sino mas deserve ikaw, sino ka ba?" sigaw ko

Tumawa naman si M, "oo nga naman sino ba naman ako? Ako tong tanga mong bestfriend na mula pagkabata ikaw na ang gusto, pero baka tama nga sila, wala nga talaga, sinayang ko lang rin buhay ko sayo" sabi nya, natigilan ako sinabi nya

Kinuha nya yung bag nya at tumakbo palabas ng kwarto "M!" tawag ni Justin pero hindi ito lumingon, at patuloy lang sa pagtakbo, hinabol ko sya pero paglabas ko ng gate wala na sya.

"Anong nangyari?" agad na bungad ni Justin, hindi ko sya sinagot at agad na kinuha ang susi ng kotse at nag drive papunta sa bahay nila pagdating ko dun

"Ano? andito ka naman Kenji" bungad ng Stepmom nya, "s-si M po?" tanong ko, "aba malay ko dyan sa kaibigan mo, di pa nauwi, sabihan mo nga bayaran na ng kuryente, baka gusto nya lumipat bahay na" sabi nito sabay talikod. M asan ka pa?

Nagpunta pa ako sa ibang lugar na pwedeng takbuhan ni M pero wala talaga, alas tres na ng hapon ng nag text si Justin na aalis na daw si Marya at pinapahatid ni mommy kaya agad akong umuwi para sunduin si Marya.

Pagdating ko sa may garahe na abotan ko si Troy na nakayakap kay Marya, "come on sweetheart it's just couple of weeks, babalik rin naman ako" sabi nya kay Troy sabay haplos sa likod, "but I don't want to stay with tito Stell" sagot ng bata

"Why? Tito Stell is mabait naman ah" sabi ni Marya "I don't like him" sagot pa nito, "Nasa kotse na lahat ng bags mo, pagdating mo dun text me" sabi ni Stell, tumango lang si Marya, "I have to go love, behave okay. Wag bibigyan ng sakit ng ulo si tito Stell" bilin ni Marya sa pamangkin

"Ako na bahala, have a safe flight" sabi ni Stell sabay ng pag halik kay Marya, ngumiti naman si Marya sabay labas ng gate para pumasok sa kotse

"I hate you! Why you always break my mommy's heart, you don't love her" sigaw ni Troy sabay takbo pa pasok ng bahay

"Tama naman yung bata, bakit mo sinasaktan yung mommy nya" sabi ko, "teka lang ha! Wala kang alam! Kaya wag mo akong pangunahan! Hindi mo alam yung pinagdadaanan ko Kenji, wag kang putak ng putak" sabi nya sabay talikod sakin

Saya! Puro na lang problema ang pinasok ko ngayong araw na to! Ang saya!

"Four Brothers and A wedding"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon