Justin's pov

57 4 0
                                    

Nasa sala kami nina  Ken and Stell habang kalaro namin si Troy sa PS4, ng biglang sumulpot si Josh sabay upo sa tabi ko

"mga tol busy kayo?" sabi ni Josh, "di naman bakit?" tanong ni Stell, "tara samahan nyu ako" sagot nito and hinila na kami para mag bihis.

Pagkatading namin sa labas ng mga Nase.

"anong ginagawa natin dito sa bahay ng mga Nase?" tanong ni Ken habang ngumiti lang si Josh at pinindot ang doorbell ng bahay, "J-josh, Ken, Stell at Justin, anong ginagawa nyu rito?" agad na tanong ni Sejun ng makita kami sa pintuan nila

"Andyan ba daddy mo?" tanong ni Josh, "oo bakit?" sagot naman ni Sejun, ngumiti si Josh, "pwede kaming pumasok?" saad nya pa, naguguluhan na tumango si Sejun at pinapasok kami

"Anong ginagawa nyu dito?" agad na bulyaw ng daddy ni Sejun ng makita kami, "sabing mali time na pumunta tayo dito eh" bulong ni Ken, "dad! Pumunta sila dito ng maayos sana naman tratohin mo sila ng maayos" sabi naman ni Sejun

Magsasalita na sana ako ng nagulat akong biglang lumuhod si Josh sa harapan ng tatay ni Sejun, nanlaki naman ang mga mata namin, si Josh na kuya namin na napakataas ng pride, nilunok nya ito ng buong buo

"Sir alam kong hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa nagawa ko, sir sorry, naging malisyoso ako, at pinagisipan ko kayo ng masama, pero anak ako ni Joshua Santos at turo ng tatay namin na ang totoong lalaki inaako ang pagkakamali at harapin ang kapalit nito" sabi nya, "Kuya" mahinang sabi ko

"Alam kong hindi madali patawarin ang ginawa ko pero sana sir ako na lang wag na madamay si Trexie at Sejun kasi subrang mahal nila ang isa't isa at nasasaktan ako na nakikita kong apektado sila sa kagagohan na ako naman dapat yung apektado, kaya sir bilang nakakatandang kapatid ng mga Santos humihingi ako ng kapatawaran" dugtong pa ni Josh

Hindi sumagot ang daddy ni Sejun, at lumapit lang kay Josh, "stand up" seryusong sabi nito na agad naman sinunod ni Josh, he offered his hand to Josh, ngumiti naman si Josh at agad na tinanggap ito, sabay ng paghila nya kay Josh upang yakapin

"Matagal ka na naman namin napatawad Josh eh, yan lang yung hinihitay namin eh, nasaktan lang talaga kami sa binintang mo" sabi ng tatay ni Sejun sabay bitaw sa yakap "hinding-hindi na po ma uulet" sabi ni Josh.

Nagusap pa ang dalawa habang nasa terrace kami ng bahay nila, "pasensya na ha" sabi ni Stell kay Sejun, "saan naman?" tanong nito, "na hindi ka agad namin na tanggap, alam ko masakit yun Sej, pero mabait ka parin samin" sabi naman ni Ken

"Mahalaga kayo kay Xie kaya mahalaga na rin kayo sakin, tsaka yung pagtanggap ine-earn kasi naman yun diba?" sabi ni Sejun napangiti naman ako, Xie found a right guy, Now I know why she liked Sejun.

"Ayaw nya ng pinya sa kahit na anong aspekto ng pagkain, mahilig sya sa fries pero hindi mo mapapakain ng mash potato yun, natatae yung kapag nakakainom ng chuckie, nagkaka-LBM rin yun pagnakakain ng mais, kaya wag mong bibigyan ng subra sa isa" sabi ko, "Oh ayan na yung second mom ni Trexie nag salita na" natatawang sabi ni Ken

"Alagaan mo sya ng mabuti Sej ah, alagaan mo ng mabuti ang baby Xie ko" sabi ko pa sabay offer ng kamay ko sakanya, "ta-tanggap nyu na ako?" gulat na sabi ni Sejun sabay tanggap ng kamay ko kaya natawa naman kami

Umakbay naman sakanya si Ken, "oo pare pero please wag na wag mong sasaktan si Xie, kita mo tong kamao ko, mas malaki to sa kamao ni Josh, mas masakit" pangtakot nito

"Huy na rinig ko yun" galit na bulyaw ni Josh sabay tulak kay Ken, "alagaan mo ang prinsesa ng mga Santos ha! wala naman kaming ibang gusto kundi mapasaya si Xie sa abot ng makakaya namin" sabi ni Josh "makaka asa po kayo" sabi naman ni Sej

"Four Brothers and A wedding"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon